Chapter 23

102 7 2
                                    

Chapter 23:Loving The Ace Player

_________________________

Ichika's Pov

Agad kong kinuha yung medicine kit saka linapitan siya.Maingat kong ginamot yung sugat niya,mukang hindi naman siya nasasaktan kaya ipinagpatuloy ko lang ang paggamot sa mga sugat niya.

"Minsan kasi wag puro tulog,lalo na nagbibisekleta ka pa naman"-sabi ko rito habang ginagamot siya.

"Tss,hindi ko hinihingi yang opinyon mo kaya wag kang maki-alam"-masungit na sabi nito.

"Aba't ako na nga tong nagmamagandang loob ikaw pa tong masungit,para ka talagang babae kong umasta"-sumbat ko naman rito.

"Tsk,hindi ko sinabi sayong tulungan mo ako"-sabi naman nito.Imbis na makipagsumbatan pako sakanya tumahimik nalang ako at pinagpatuloy ang paggagamot.

Makalipas ng ilang minuto*

"Tapos na wag mo nalang munang-"napahinto ako sa pagsasalita ng pag-angat ko ng ulo ko ay bumungad sakin ang tulog na si Rukawa.

"Kahit kailan wala ka talagang ginawa kundi matulong"-pairap kong sabi.

"Rukawa gumising ka na diyan"-paggising ko sakanya.Minulat naman nito ang mga mata niya at walang pasabing tumayo saka naglakad paalis.

"Kita moto,ni hindi manlang magpasalamat tss"

Kinuha ko nalang yung bag ko at umalis narin sa clinic pagkatapos ay dumiretso narin ako sa classroom.

Pagkarating namin ron ay agad na kaming umupo sa upuan namin.

Ilang oras din ang lumipas na naglelecture ang guro namin sa harap  pagkatapos ay binigyan kami ng 20 minutes break.

Dumiretso ako kaagad sa canteen at bumili ng pagkain at gaya ng dati, tumaas sa rooftop dahil ito naman ang paborito kong lugar para makapagpahinga dahil tahimik rito.

Pagkarating ko sa rooftop ay umupo ako sa pinakagilid kung san kita mo yung pinakababa ng building nato.

Bale four stories ito kaya medyo mataas rin pero hindi naman ako takot sa matataas sa totoo lang, gustong gusto kong tinitignan yung mga tao sa ibaba dahil para silang gumagalaw na langgam.

______

Nakarinig ako ng kalabog sa pinto kaya lumapit ako rito pero bago pako makalapit ng husto ay biglang bumukas ang pinto sa lakas ng pagkakasipa rito.

Nagsipasok naman ang mga third years at dumiretso sakin ang kanilang tingin.Sabay sabay pa silang ngumisi.

"Aba may babaeng umagaw sa pwesto nating ito,siguradong hindi mo naman ito pinapalagpasin senpai"-nakangising sabi nung lalaking may katangkaran.

"Ang ganda mo namang babae,miss kung gusto mo samahan ka nalang namin dito"-nakakalokong sabi nung nasa gitna nung mga lalaki.

"Tsk kung kayo lang rin naman ang makakasama ko,mabuti pang umalis nalang ako"-sabi ko sakanila saka dumiretso sa pinto,pero bago pa ako makaalis ay agad akong hinila nung isang lalaki.

"Ano ba"-inis na sabi ko saka galit kong hinila ang braso ko sakanya.

"Aba matapang ka na ah"-sabi ng humila sakin saka bahagya itong tumawa.Bigla akong hinila nito sa kwelyo papalapit sakanya.

"Ibang klase karing babae,ikaw lang ang babaeng hindi makikitaan ng takot sa mukha kahit ako na mismo ang gumawa neto sayo"-sabi nito.

"Bakit naman ako matatakot sayo,isa pa mas dapat kapang pandirian dahil diyan sa itsura mo,puro galos nanga ang mukha,ang baho pa ng hininga mo!"-pasigaw kong sabi sa mukha niya.Nagtawanan naman yung mga kasama nito kaya naman patulak niyang binitawan ako dahil sa inis.

LOVING THE ACE PLAYER [On-going]Where stories live. Discover now