Chapter 13:Loving The Ace Player
_________________________
Third Person's POV
Tatlong minuto na ang nakakalipas pero nanatiling dalawa ang puntos ng magkabilang kuponan,parehong mahigpit ang depensa nila kaya wala sakanila ang nakapuntos.Hawak ngayon ng kabilang kuponan ang bola samantalang ang team naman namin ay naghihintay sa kabilang bahagi ng court para dumipensa.
"Ah,haruko,sino ba ang mga yan?"-tanong ng dalagang si Ichika habang tinuturo ang kalaban ng team nila.
"Sila ang Shinei High basketball players,si Yoshi Midori ang no. 4,siya ang point guard at team Captain nila kung titignan mo, mas matangkad siya ng two centimiters kesa kay captain Miyagi"
"Si Isamu Toshio naman ang shooting guard nila at ang ace player nila,nasa 188 cm ang height niya at balita ko magaling talaga siya sa pagtira ng tres,siya ang no. 9 ng kanilang kuponan"
"Ang no. 7 naman nila ay si Sadashi Hiroto ang power forward ng Shinei high,mabilis siyang tumakbo at nasa 187 cm na ang height niya"
"Ang center naman nila ay si Asahi Tomoharu ang no. 5 nila,191 centimeters na ang height nito at balita ko siya raw ang natanghal bilang isa sa pinakamagaling na center sa kanagawa nung junior high"
"At ang panghuli ang kanilang no. 6 at small forward si Souma Yoshiaki nasa 186 centimeter na ang height niya,hindi man siya ekspiryesado nagagawa niya namang matapatan ang iba dahil sa angking talino niya"-paliwanag nito sa bawat manlalaro ng Shinei high,sinulat naman ni Ichika ang detalye tungkol sakanila pagkatapos ay nagpatuloy na sa panonood.
Hawak ngayon ni Yoshi ang bola at kalmadong drinidribol ito,pinasa niya kay Sadashi ang bola na nasalo naman nito.Drinibol niya ang bola habang nakatutok sa dumidepensa sakanya walang iba kundi si Akio. Tahimik at seryoso naman si Akio sa pagbabantay niya kay Sadashi.
Kumilos na si Sadashi,gumawa siya ng ball handling saka pumosisyon para tumira,agad naman siyang hinarangan ni Akio pero nagulat ito ng ipasa niya sa center nila ang bola na binabantayan naman ni Hayato.
Drinibol nito ng isang beses ang bola saka pumosisyon sa pagtira,naalisto naman si Hayato at tumalon para harangan ang center ng kabilang kuponan sa pagtira pero....
Pasok*
"Hindi ba yan ang fade away shot"-gulat na sabi ni Ohkusu habang nanonood."Oo ibig sabihin lang non hindi lang si Hanagata ng Shoyo basketball team at Rukawa ang magaling sa pagfade away"-sabi naman ng binatang si Mito.Samantala sa Shohoku bench ay rinig na rinig ng karamihan ang pagsisigaw ni Hanamichi Sakuragi sa kanilang upuan.
"Ano ba tatang papasukin mo na kasi ang henyong toh,matatalo na tayo oh!"-pagpupumilit nito sa kanilang coach."Maghintay ka na muna jan Sakuragi masyado pa namang maaga hohoho"-sagot naman sakanya ng coach nila.
"Grrrrr—"
"Inip na inip ka na ba jan Hanamichi whahahaha"-tawa ng lalaking si Takamiya,lalo namang uminit ang ulo ni Sakuragi sa pagsabat ng kaibigan niya."Grrr shattap makikita niyo lalampasuhin ko sila"-inis na sabi nito.
"Talaga ba wahahha baka naman ikaw pa ang malampaso nila,sa kagunggungan mo ba namang yan wahahaha"-sabi ni Ohkusu na katabi ni Mito.Nagtawanan naman ang iba pang kaibigan nito kaya lalo pang nainis si Sakuragi.
"Kayo!—"
"Sakuragi pwede ba tumahimik ka nalang jan at panoorin mo kung pano sila maglaro"-sabat ng dalagang si Ichika sa usapan."Pero Ichika pag hindi pa ako pumasok siguradong matatambakan tayo"-inis na sabi ni Sakuragi sakanya.
YOU ARE READING
LOVING THE ACE PLAYER [On-going]
FanfictionSa pagtungtong ni Ichika Yoshiko sa paaralan ng Shohoku ay makakakilala siya ng taong siyang magiging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya.Lalaking makapagbibigay sakanya ng labis na kasiyahan at higit sa lahat,ang lalaking hindi niya aakalaing...