Chapter 20

109 8 0
                                    

Chapter 20:Loving The Ace Player

___________________________

Matapos ang 30 second violation ay nagpatuloy ang laro at sa nakalipas na limang minuto ay nagawa ng lampasan ng Shinei ang puntos ng aming team dahil lalo pa nilang hinigpitan ang kanilang depensa at opensa kaya hindi maka porma kaagad ang Shohoku gayon paman ay humabol naman sila dahil sa three points ni Mitsui at shots nila Rukawa at Akio.

Ngayon nasa 76-73na ang score at lamang nga ang kabilang kuponan ng tatlong puntos.Nababahala narin ang Shohoku team dahil hindi manlang nila magawang itie ang score nila sa kalaban.

Kasalukuyang naka time out ang aming team at nagpplano para sa susunod na taktika.

"Mag warm up kana Sakuragi"-biglang sabi ni Coach Anzai.

"Ah,tatang palalaruin mo na ako"-parang batang sabi niya.

"Oo,ihanda mo na ang sarili mo hohoho"-sagot ni coach Anzai.

"Nyahahaha sa wakas makakapaglaro narin ang Henyo!"-sigaw nito na nag-agaw sa atensiyon ng lahat.

"Ano ipapasok na nila ang lalakeng yun"

"Balita ko magaling daw siyang rabounder"

"Tama ang sabi nila kilala siya bilang hari ng rebound,malakas daw siya kahit lokoloko"-Samu't saring bulungan nila sa taas.

"Kung ganon ipapasok na pala nila ang isa sa rookie ng Shohoku"-nakangiting sabi ni Sendoh mula sa audiences.

"Ayos ang unang laban ni Sakuragi mula ng makapaglaro siya sa nationals,paniguradong malaki na ang pinagbago niya,ichecheck ko yan"-sabi naman ni Hikoichi.

"Kahit kailan talaga agaw atensiyon tung si Sakuragi"-iritang sabi ni Mitsui.

"Hayaan mo na ganyan na talaga yan"-sabi naman ni Miyagi.

"Tsk isip bata kase"-masungit na sabi naman ni Rukawa.

"Anong sinabi mo Rukawa,ito ang tatandaan mo ngayong papasok na ako sa laro hindi ko hahayaang makakapagyabang ka"-inis na sabi ni Sakuragi rito.

"Puro ka salita"-sagot nito sakanya.

"Grrrrrr makikita mo,tatalunin kita"-sabi nito.

"Tama na muna ang laro makinig kayo"-sabi ni Coach Anzai na nagpalingon sakanilang lahat.

"Sayo ang rebound Sakuragi wag mong hahayaan na si Asahi ang makakuha ng bola"-sabi nito.

"Wag kayong mag-alala tatang ang henyong ito na ang bahala"-pagmamalaki ni Sakuragi.

"Ikaw naman Miyagi ipasa mo ng ipasa ang bola sa kung sino ang libre at sila Rukawa na ang bahala sa puntos"

"Masusunod po Coach"-sagot ni Miyagi rito.

"Nakalaban mo na ang malalakas na player sa japan,matatapatan mo naman siguro si Mitsuya"-tumingin ito kay Rukawa.

"Hindi ko siya hahayaang makalusot"-sagot ni Rukawa rito."Magaling kung ganon magsihanda na kayo sa susunod na laro"-sabi ni Coach Anzai.

Nagsitayuhan naman ang bawat manlalaro sa Shohoku team at naghanda na.Pagkarinig ng pito ng referee ay sabay sabay silang dumiretso sa loob ng court.

Court*

"Tsk kahit ipasok niyo pa yan dito paniguradong kami parin ang mananalo"-sabi ni Asahi.

"Huwag kang masyadong kampate baka mamaya siya pa ang tutumba sayo"-sagot naman ni Hayato rito.

"Makikita natin"-sagot nito at dumiretso na sa kabilang court para sa dumepensa.

Pumito*

Pagka pasa ni Sakuragi ang bola kay Miyagi ay agad na silang umatake para sa opensa.

LOVING THE ACE PLAYER [On-going]Where stories live. Discover now