Chapter 4: Loving The Ace Player
——————————
Ichika's POV
Lumipas ang dalawang araw mula ng makasali ako sa women's basketball team at mag-apply bilang assistant manager ng men's basketball team. Masasabi kong masaya silang kasama pareho dahil hindi ka mababagot na kausap sila.Sa dalawang araw na lumipas ay ma's lalo kaming napalapit sa isa't isa kaya hindi na ako nahihiya sa oras na may itatanong ako o sasabihin sakanila.
Sa ngayon,nandito ako sa loob ng classroom habang nakikinig sa mga lectures ng professor."OK class makinig kayo,magkakaroon kayo ng project by partner,ang kailangan niyo lang gawin ay gumuhit ng kahit anong bagay,sports, o lugar na alam niyo pagkatapos ipakita niyo dito sa harap ang ginuhit niyo sa friday at sabihin niyo kung ano ang kagandahan ng bagay,lugar o sports na napili niyo, kung bakit dapat itong puntahan, laruin o bilhin.You must act as a business man or woman and say its beauty and importance in order to entice us and buy from you"-paliwanag samin ni prof.
"Maliwanag ba sinyo ang sinabi ko?"- tanong samin ni Prof."Yes Sir"-sagot naman naming lahat.Nagtaas ako ng kamay matapos magsalita upang matanong si Prof."Yes Ms.Yoshiko any questions?"-tanong nito."Tanong ko lang po kung sino ang magiging partner namin"-seryosong saad ko."Ah oo nga pala,para hindi na kayo mahirapan kung sino nalang ang katabi niyo ang magiging partner niyo,para sa line 1 yung katabi niyong line 2 ang partner,sa line 3 naman ay ang line 4 at sa line 5 naman ay kapartner ang katabi nila sa line 6 naintindihan niyo ba?"-saad nito na sinang-ayunan nalang namin.Ibig sabihin lang non ay si Rukawa ang partner ko."Ok class dismiss"-saad nito at nauna ng umalis.
Liningon ko si Rukawa at napatampal ako sa noo ng makitang natutulog ito at mukhang hindi na narinig ang sinabi ng Prof. namin.Linapitan ko ito at mahinag niyugyog ang kanyang balikat."Rukawa, Rukawa gising na"-paggising ko rito pero hindi parin siya nagre-response kaya nilakasan ko ang pagyugyog."Rukawa gising na sabe"-tawag ko rito pero tinampal niya lang ang kamay ko at nagpatuloy sa pagtulog.Ibang klase talaga ang lalaking to akala ko pa naman nakikinig siya hindi pala."huyy, Rukawa gumising kana dahil may sasabihin pa ako"-gising ko rito at lalo pang linakasan ang pag-alog sakanya.
"Rukawa gigising ka o hahampasin kita"- inis kong wika pero parang hindi ako narinig kaya lalo akong nainis."Gumising ka na sabi may kaylangan pa akong ipaliwanag sayo!"-napasigaw tuloy ako ng wala sa oras.Bumangon naman siya at tinignan ako ng seryoso."Wala akong pake-alam kung manager ka ng team wala kang karapatang sirain ang tulog ko"-masungit niyang saad.
"Aba't talagang"-hindi ko na natiis ang inis ko at naubusan na ako ng pasensiya kaya malakas ko siyang sinampal sa mukha na siyang ikinagulat niya."Alam mo ang ayaw ko sa lahat yung inuubos yung pasensiya ko,wala akong pake-alam kahit lalaki ka pa basta ang sabi ko gumising ka na dahil may ipapaliwang pa ako sayo naintindihan mo ba ako!"-nangagalaiting sigaw ko sakanya habang siya naman ay hinawakan ang pisngi niyang sinampal ko.
"Tsk sadista"-tipid nitong saad saka ito tumayo at naglakad paalis ng room kaya mabilis ko itong sinundan at sumabay sakanya sa paglalakad. "Magkakaroon daw tayo ng project at ikaw ang magiging partner ko,sa ngayon kailangan mo munang magpraktis dahil malapit ng maganap ang illiminations,mag kita nalang tayo mamaya para pag-usapan ang proyektong gagawin"-masungit kong paliwanag sakanya.
"Ayoko nga"-tipid niyang sagot."Aba't wag mong uubusin ang pasensiya ko Rukawa mababangasan talaga kita jan"-inis kong saad sakanya."Sa tingin mo ba maniniwala ako sayo"-seryosong saad nito na lalo kung ikina-inis.
Third Person's POV
Dahil nga sa pagbabangayan nila Ichika at Rukawa ay hindi na nila namalayang nasa gymnasium na pala sila,nandoon narin ang halos lahat ng myembro ng men's basketball team at ang kanilang coach.Parehas silang nagpra-practice pero ang lahat ay natigil ng makarinig sila ng sigaw mula sa labas kaya doon nabaling ang lahat ng atensyon nila.
YOU ARE READING
LOVING THE ACE PLAYER [On-going]
FanfictionSa pagtungtong ni Ichika Yoshiko sa paaralan ng Shohoku ay makakakilala siya ng taong siyang magiging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya.Lalaking makapagbibigay sakanya ng labis na kasiyahan at higit sa lahat,ang lalaking hindi niya aakalaing...