Chapter 21:Loving The Ace Player
__________________________
"Tignan niyo,mukang hinahamon ni Mitsuya ng one on one si Rukawa"
"Aba oo nga noh,sino kaya ang mananalo sakanila?"
"Siguradong si Mitsuya na yan,tignan mo naman hindi niya magawang depensahan si Mitsuya ng maigi"
"Nagkakamali ka,si Rukawa ang mas may chansang manalo dahil mas marami siyang karanasan"
Ang lahat ay tutok sa dalawang manlalaro.Hawak ngayon ni Mitsuya ang bola,Tinaas nito ang kamay niya hanggang sa balikat pagkatapos ay bigla nalang niyang binitawan ang bola.Mabilis itong umikot pakanat at bago pa man maagaw ni Rukawa ang bola ay mabilis niya itong hinugot saka ito dumiretso sa ilalim ng ring.
Nagulat naman ang manga manonood sa bilis ng pagkilos ni Mitsuya na halos ilang segundo lang nung binitawan nito ang bola ay mabilis niya rin itong nakuha at nakalusot sa nagdedpensa sakanya.
Tumalon kaagad ito saka tinira ang bola pero nagulat ito ng makita ang kamay ni Rukawa na pataas para abutin ang bola.
"Wag mokong maliitin"-tagumpay na nasagi ni rukawa ang bola kaya naman dumiretso ito sa gilid ng ring.
"Ang Rebound!"-sabay na tumalon sina Hayato at Asahi,ng maabot na ito ni Asahi ay nagulat siya ng sumulpot ang isang kamay at mabilis na nakuha ang bola.
"Walang pwedeng makakuha ng Rebound kundi ako lang!"-nakangiting sigaw ni Sakuragi, pagkalapag nito ay sumigaw kaagad si Miyagi kaya naman malakas nitong hinagis ang bola papunta sa tumatakbong si Miyagi.
"Ang lakas ng pasa"-gulat na sabi ni Asahi.
"Hindi ka makakapuntos"-agad namang naabutan ni Yoshi si Miyagi pero mabilis nitong pinasa ang bola kay Mitsui na nasa Three point area.
"Pasensiya na kayo pero,hindi kami basta kumikilos ng hindi nag p-plano"-agad siyang tumira kaya naman napatingin silang lahat sa bola na papuntang ring at....
Pumito*
"Ayos lamang na tayo ng tatlong puntos!"-sigaw ng mga manlalaro ng Shohoku sa bench.
"Nasa 78-78 ang score kanina buti nalang at tayo ang nakalamang ngayon, maganda ito dahil tayo ang kokontrol sa laro"-sabi ni Kazuno
"Tama ka pero wag mong maliitin ang kalaban Kazuno dahil kayang kaya parin nilang baliktarin ang laro kung hindi tayo mag-iingat"-sagot naman sakanya ni Hiroshi.
Court*
Ball possession ngayon ng Shohoku at hawak ni Miyagi ang bola.Seryoso itong nakatingin sa harap.
"Dito!"-mabilis na pinasa ni miyagi kay Mitsui ang bola,humarang naman kaagad si Isamu sakanya,habang seryoso namang tumingin si Mitsui sa basketball ring.
"Ah?!"-gulat na napasabi si Isamu ng iyuko ng unti ni Mitsui ang tuhod niya at pagkatapos ay mabilis itong umatras saka tumira ng tres.
Pasok*
"Ayos puntos nanaman para satin!"
"Ang galing mo talaga Mitsui senpai!"-sigaw naman ng mga bench warmer.
|SCORE BOARD|
| SHOHOKU|TIME|SHINEI|
| 84 | 8:57 | 78 |Na kay Mitsuya naman ang bola,agad itong tumakbo sa court pero nagulat siya ng makitang nahablot na ni Rukawa ang bola at tumatakbo na ito papunta sa ring.
"Kainis,balik na!"-sigaw nito pagkatapos ay hinabol niya si Rukawa at hinarangan pero pagkarating nito malapit sakanya ay nag spin moves ito at madaling nalusutan si Mitsuya pagkatapos ay dumiretso lang siya sa pagtakbo saka ini lay up ang bola.
YOU ARE READING
LOVING THE ACE PLAYER [On-going]
FanficSa pagtungtong ni Ichika Yoshiko sa paaralan ng Shohoku ay makakakilala siya ng taong siyang magiging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya.Lalaking makapagbibigay sakanya ng labis na kasiyahan at higit sa lahat,ang lalaking hindi niya aakalaing...