Chapter 22

110 6 1
                                    

Chapter 22:Loving The Ace Player

         ___________________________

Kinabukasan ay nagsimula na din ang elimimations ng Shohoku girls basketball club.Nang magsimula ang laro ay natambakan kaagad nila ang kalaban ng sampung puntos.Agad nagpatawag ng time out ang coach ng kabilang kuponan at matapos non ay nakabawi naman sila ng puntos.

Sa mga natitirang oras sa first at second half ay parehong ibinigay ng dalawang kuponan ang kanilang makakaya at sa huli ay ang Shohoku ang panalo.

Ichika's Pov

Ako nalang din ang natira sa locker room dahil kinausap pako nila mama kanina bago ako dumiretso sa dito kaya nauna na ang ibang team mates ko.

Pinasok ako ni coach sa buong match kaya naman pagod na pagod ako ngayon.Abala akong nag aayoe ng mga gamit ko ng biglang may nag-abot sakin ng tubig.Tumingala naman ako at bumungad sakin ang mukha ni Naomi.

"Salamat"-kinuha ko naman yung tubig saka ko ininom.

"Sorry pala dahil hindi maganda ang naging unang pagkikita nating dalawa"-pagbasag nito sa katahimikan.

"Ayos lang walo namang kaso sakin yun"-sabi ko naman sakanya.

"Inaamin ko magaling ka talaga,sa totoo lang naiingit ako sayo dahil unang pasok mo palang sa basketball club pinaglaro ka na agad ni coach samantalang ako inaabot pa ng isang  buwan bago ako isinama sa first five"-sagot nito.Tinignan ko siya pero nakayuko lang siya sakin.

"Pareho lang naman tayong dalawa,katulad mo nahirapan rin ako sa pagppraktis pero nagsumikap ako kaya naman naabot ko ang gantong estado sa buhay.Lahat tayo iniisip natin na hindi tayo magaling kung makakakita tayo ng taong mas magaling satin pero ang totoo hindi naman talaga yun ang nararapat nating isipin"-

Huminto ako saglit at bumuntong hininga.Tumingin naman ito sakin habang hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Hindi mo dapat kinukumpara ang sarili mo sa ibang tao dahil hindi ka naman ako at lalong lalo ng hindi ako ikaw.Magkaiba ang kakayahan natin at dun tayo hindi pareho pero tandaan mo na kung iniisip mong mas magaling ako sayo isa lang naman ang dapat mong gawin"

"Magsumikap ka sa pagppraktis,hindi mo man malagpasan ang kakayahan ng ibang tao atleast you tried your best"-sabi ko pa rito.

"Tama ka,salamat sa advice,sisikapin kong magensayo at tatalunin kita balang araw"-ngumiti ito sakin, nginitihan ko rin siya pabalik.

"Hindi ako magpapatalo sayo,mag-e ensayo rin ako ng maiigi"-sabi ko sakanya.

"So friends?"-tinaas ko yung kamay ko tanda ng pakikipag kamay sakanya.

"And rivals"-sabi nito saka inabot ang kamay ko.

"Tara na hinihintay na nila tayo"-sabi nito,tumango nalang ako pagkatapos ay kinuha na yung bag ko at dumiretso na kami sa labas.

_______

Pagka rating naming lahat sa tren tumabi nako kay rukawa dahil ako nga ang nahuling pumasok at sa tabi niya nalang ang may bakanteng upuan kaya naman sa kanya nalang ako tumabi.

Pagka-upo ko ay saglit ko siyang pinag-masdan.Nakasandal ang ulo niya sa bintana at payapang natutulog.Sumandal nalang rin ako sa likod ko at natulog na rin dahil sa sobrang pagod ko sa paglalaro.

Third Person's Pov

Tahimik ang mga tao sa tren at lahat ng mga manlalaro sa shohoku ay nakatulog na.Sa sobrang himbing ng pagkakatulog ni Ichika hindi na niya namalayang dumiretso ang ulo niya sa balikat ni Rukawa.

LOVING THE ACE PLAYER [On-going]Where stories live. Discover now