Chapter 3

213 12 0
                                    

Chapter 3:Loving The Ace Player

               ——————————

Ichika's POV

Lunch time na,kaya nandito na lahat ng team kasama si Haruko at coach Anzai para kilalanin ang Women's basketball team."Kamusta Ichika, anong impormasyon ang nakalap mo sa bawat manlalaro? "-tanong sakin ni Mitsui senpai.



"Base sa obserbasyon at sa mga sinabi sakin ni Haruko, ito ang mga simpleng impormasyon para sa mga manlalaro"- sagot ko at binuklat ang papel ko para basahin ang nakasulat rito.



"Miyagi Ryota,169 cm,position point guard,mabilis itong tumakbo at magpasa ng bola,bilang isang point guard nababasa niya ang mga kilos na ginagawa o gagawin ng kalaban niya, kutob ko magiging pinakamagaling siyang point guard balang araw"




"Hisashi Mitsui 186 cm,position shooting guard,magaling ka sa three points at sa pagdepensa kaya nababagay lang sayo ang posisyon mo bilang shooting guard madali mong nababasa ang galaw ng kalaban mo siguro ay dahil baguhan palang ito o dahil taktika mo rin ang ginamit ng kalaban mo"



"Hanamichi—"-naputol ang sasabihin ko ng biglang sumingit si Mitsui."Teka hindi mo ba sasabihin na pwede akong maging star player?"-takang tanong ni Mitsui senpai. "Alam mo Mitsui wag ka ng umangal tanggapin mo nalang na hindi ka talaga magaling sa paglalaro ng basketball — arrrayyy"-binatukan niya si Sakuragi ng sabihin niya iyon sakanya kaya napatawa naman ako sa inasal nilang dalawa.



"Pareho lang kayong gunggong"-biglang saad ni Rukawa na nakapag-inis sa dalawa."Anong sabi mo Rukawa"-inis na saad ni Sakuragi.
"Ang yabang mo talaga Rukawa"-nangagalaiting saad naman ni Mitsui senpai kaya bago pa lumala ang away ay nagsalita na ako.



"Relax guys,alam mo kasi hindi pa kita nakitang maglaro sa totoong laban ang ibig kong sabihin pwede pa namang mabago ang obserbasyon ko kung nakalaban kana ng ma's magaling pa sayo"-paliwanag ko sakanya."Oh ganon naman pala eh ang iinit kase ng ulo niyo"- sambit sakanila ni Miyagi senpai.



"Ngayon si Hanamichi Sakuragi naman, 190 cm,position power forward, base sa obserbasyon ko ay mataas itong tumalon at natatapatan niya rin ang bilis ni Miyagi senpai sa pagtakbo.Hindi man siya gano kagaling sa laro nagagawa niya parin namang gumawa ng mga bagay na hindi inaasahan sa tulong ng matinding praktis nito at determinasyong manalo"-patuloy ko sa pagbabasa.



"Narinig mo yon Rukawa henyo talaga ako nyahahahaha"-natutuwang saad ni Sakuragi."Tsk gunggong"-tipid na sagot naman ni Rukawa rito.



"Kaede Rukawa,189 cm,position small forward, bilang isang small forward mataas ka ring tumalon at mabilis tumakbo,kahit saang posisyon masasabing kong pwede ka, nakakagawa ka rin ng lay-up shot, jump shot at three points sa kahit saang posisyon, kahit tahimik ka at may pagkasuplado masasabi kong henyo ka sa paglalaro ng basketball at sigurado rin akong magiging star player ka balang araw"- saad ko,tahimik naman ang lahat ng marinig ito alam kong namamangha sila maski rin naman ako.



'Ibang klase talaga ang galing niya'-sa isip ng mga freshmen at iba pang manlalaro.'Makikita mo Rukawa tatalunin kita'-habang si Sakuragi naman ay yun ang nasa isip niya.


"Para naman sa tatlong baguhan at dalawang player na sina Kakuta at Yasuda,konti lang ang impormasyon ko sainyo pero masasabi kong may iba iba kayong kakayahan na pwedeng matapatan o malamangan ang kakayahan ng mga seniors ang masasabi ko lang parepareho kayong nababagay sa posisyon niyo sigurado akong balang araw ay sisiskat kayo sa sarili niyong kakayahan"-saad ko naman sakanila.



LOVING THE ACE PLAYER [On-going]Where stories live. Discover now