Chapter 11

126 8 2
                                    

Chapter 11 :Loving The Ace Player

             ———————————

Ichika's POV

"Kumain na muna kayo at magpahinga sa ngayon"-utos ni coach Anzai saamin bago ito umalis ng gymnasium.Lahat naman kami ay dumiretso na sa canteen para kumain.

Canteen*

Rukawa  Miyagi  Mitsui  Sakuragi

       ———————————

      ———————————

Ako     Kazumi    Erika    Naomi

Sa isang table walo lang na tao ang kasya at yan nga ang posisyon namin sa isang lamesa,samantala sa iba namang manlalaro ay nasa ibang table.Tahimik lang kaming kumakain ng magsalita si Sakuragi.

"Hayyy ang sarap talaga ng pagkain dito nakakabusog"-sabi nito at pinagpatuloy ang pagkain.Lahat naman kami ay napatingin sakanya.

"Ang takaw mo talaga pag dating sa pagkain"-sabi ni Mitsui senpai sakanya."Eh sa gutom ako eh"-sagot naman sakanya ni Sakuragi.Nailing iling nalang si Mitsui senpai at nagpatuloy na sa pagkain.

Binaling ko naman ang tingin ko sa ulam na natira sa lamesa.Iisa na lang ito at dahil nga sa gutom pa ako ay inabot ko na ang natitirang ulam pero...

Napatingin ako sa harap ng makita ang kamay na humarang sa ulam, tinignan naman ako ng matalim ni Rukawa at inagaw sakin yung ulam. Hindi naman ako nagpatalo,mabilis kung tinusok yung ulam gamit ang tinidor saka yun hinila pero hindi niya parin ito binibitawan.

"Pwede ba Rukawa ibigay mo nalang to sakin"-sabi ko rito."Tsk,ano ka sinuswerte"-masungit na sabi nito sakin."Aba't pati ba naman sa ulam hindi mo pagbibigyan,gutom pa ako rukawa kung gusto mo kumuha ka nalang uli dun"-sabi ko rito pero hindi niya parin binitawan yung ulam.

"Sa tingin mo ba ikaw lang gutom"- aniya saka hinila ang ulam.Pansin ko naman ang mga tinginan nila samin pero hindi ko nalang yun binigyang pansin at itinuon ang sarili sa paghila nung ulam na malapit ng mahati.

"Ikaw ang lalaki Rukawa dapat pagbigyan mo ako dahil babae ako"- sabi ko."Tsk sa itsura't pag-uugali mong yan dapat lang na tawagin kang lalaki"-pang-aasar nito na ikinainit ng ulo ko.

"Anong sabi mo,namumuro ka na ah sa tingin mo ba sa ugali mong yan matatawag kang lalaki eh mas dapat ka ngang tawaging bakla dahil sa sobrang sungit mo pati babae pinapatulan mo!"-bulyaw ko rito. Tumalim naman ang mata nito sakin saka siya tumayo.Nagulat ako ng ilapit niya sakin ang mukha niya kaya napalayo ako ng kunti.

"Hindi ako bakla"-inis nitong sabi sakin,hindi naman ako makapagsalita dahil lalo niya pang nilapit sakin ang mukha niya.

Badump....badump.....badump.... (Tunog po yan ng tibok ng puso hahah)

Tumayo ito para iayos ang kanyang sarili pagkatapos ay muling tumingin sakin,mabilis niyang kinuha yung natitirang ulam saka ito kinain at umalis na sa lugar na ito.

"Aba't nakakainis ka talagang rukawa ka!"-bulyaw ko sa papalayong bulto nito."Ah hehe sayo nalang tong ulam ko Ichika may natira pa naman sakin"-sabi ni Erika sabay abot ng ulam niya sakin.

"Huwag na sayo nalang nawalan na ako ng gana,mauna na muna ako"-hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at tuluyan na akong umalis sa canteen.Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng pagtibok nito.Hindi ko man maintindihan kung bakit ako nagkakaganto.

'Kaylangan ko na yatang magpacheck up sa doctor'~ -,-

————

Natapos ang lahat ng praktis namin ngayong araw,pagkatapos naming kumain at magpahinga ay pinagpatuloy na namin ang pag-eensayo nagkaroon kami ng laban sa ikalawang grupo at kami ang nanalo, medyo nahirapan pa kami dahil nasa kanila ang halos lahat ng magagaling na freshmens buti nalang ay hindi nagpatalo ang team namin kung hindi,sila ang mananalo.

LOVING THE ACE PLAYER [On-going]Where stories live. Discover now