Chapter 16:Loving The Ace Player
________________________
Sa paglipas ng walong minuto ay parehong nagpakitaan ng gilas ang magkabilang kuponan. Wala sakanila ang nagpatalo kaya naman hindi humihigit sa lima ang agwat ng iskor ng bawat kuponan.
43-47 ang kanilang score at lamang ng apat na photos ang kuponan ng Shohoku.Nakaramdam ng kunting inis ang center ng Shohoku high na si Hayato dahil hindi manlang nila mapalaki ang lamang nila sa Shinei High.
Samantala sa Shohoku bech naman ay hindi na makapagpigil si Hanamichi sa inis at inip na nararamdam nito kaya inis niya ng binulyawan ang kanilang coach.
"Hoy tatang!,malapit ng matapos yung first half pero hindi mo parin ako pinapasok, may pasabi sabi kapang masyado pang maaga eh ginogood time mo lang naman pala ako! "-bulyaw nito saka hinila hila pababa ang baba ng kanilang coach.
"Ano tatang hindi mo ba talaga ako palalaruin! Inip na inip na ako sa kakahintay rito ipasok mo na ako tatang—arrayyy ichika naman"-dagdag pa nito.
"Natural na hindi ka ipinasok ni coach dahil maayos pa ang kalagayan ng kuponan natin kaya hindi nila kinakailangan ng tulad mo dahil baka mamaya masira pa yung laro nila"-sabi sa kanya ni Ichika.
"Hindi manggugulo ang isang henyong tulad ko, kung totoosin kung pinasok sana ako ni tatang kanina pa siguradong lamang na tayo sakanila ng lampas sa sampu no"-pagmamayabang naman nito.
"Magtigil ka!, masyado mong minamaliit ang kakayahan ng kalaban hindi sila basta basta, tignan mo naman malalakas na ang first five natin pero hindi parin nila magawang ilampas sa sampu ang lamang"-sagot sakanya ni Ichika.
"Ibig sabihin lang non wala silang binatbat sakanila kaya ipasok mo na ako tatang dahil ako ang henyong lalampaso sakanila—arrayyy Ichika nakakadalawa ka na ah"-daing nito.
"Makakatatlo pa kung hindi ka tatahimik. Hindi mo naiintindihan ang sitwasyon, sa ngayon hayaan nalang nating dumiskarte ang team natin ang mabuti pa manood ka nalang diyan ng Hindi ka daldal ng daldal"-iritang sabi nito sa kanya.
'At ano naman ang papanoorin ko diyan eh lalo lang akong naiinip makipaglaro sa panonood ko ng laro nila'-inis na sabi ni Hanamichi sa isip nito.
Audiences*
"Tignan niyo oh strikto rin pala ang bago nilang manager, isa pa bakit nga kaya hindi pa nila pinapasok si Sakuragi sa laro. Siguradong ka- kaylanganin nila ang bilis nito sa pagtakbo at taas sa pagtalon"-sabi ni Hikoichi sa kanyang kasamahan.
"Kung ako si coach Anzai ay hindi ko rin muna siya ipapasok.kahit nahihirapang palakihin ng Shohoku ang lamang nila sa kalaban maganda parin naman ang kondisyon ng bawat manlalaro sa ngayon siguradong hinihintay nalang ni coach Anzai na ilabas ng kabilang kuponan ang kanilang alas ng sa gayon makapagdesisyon siya ng mabuti at hindi masira ang kondisyon nila"- paliwanag ng kanilang coach.
'Ganon pala ibig sabihin lang nito ay may itinatago pang alas ang Shohoku, ichecheck ko yan'-sabi ni Hikoichi sa kanyang isipan.
Samantala ang ace player naman ng Ryonan na si Sendoh ay nakatuon lang ang pansin sa kanyang katunggali sa loob ng court na tahimik lang na nakatayo at pinagmamasdan ang paligid.
"Kaede Rukawa yan nalang ba ang maibubuga mo"-sendoh
Court*
Miyagi's Pov
Walong minuto ang lumipas pero apat lang ang naging lamang namin sakanila, matinik nga talaga silang kalaban.
"Team tatlong minuto pa ang natitira sa first half gawin natin ang ating makakaya"-sabi ko sa mga kasamahan ko.
YOU ARE READING
LOVING THE ACE PLAYER [On-going]
FanfictionSa pagtungtong ni Ichika Yoshiko sa paaralan ng Shohoku ay makakakilala siya ng taong siyang magiging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya.Lalaking makapagbibigay sakanya ng labis na kasiyahan at higit sa lahat,ang lalaking hindi niya aakalaing...