Chapter 6: Loving The Ace Player
——————————Ichika's POV
Ngayong araw na ang presentation kaya ang lahat ay nakikinig sa presentation ng kaklase namin, syempre maliban kay Rukawa na nakatulog nanaman,hayyyy parang hindi siya natutulog sa bahay niya sa ginagawa niyang yan eh,kung sabagay ano pa bang aasahan mo sakanya. -_-
Siya nga pala wala naman kaming ginagawa masyado kahapon nagpraktis lang kami ng nagpraktis, kung sa pag-aaral naman ang pag-uusapan,nag karoon lang kami ng quiz at nakinig sa lectures ng professor namin.
"OK congrats sainyong performance let's proceed to the last performers, Ms.Yoshiko and Mr.Rukawa come forward and present your project here infront"-tawag samin ni Prof. Saiko. Tumayo naman ako at bahagyang niyugyog si Rukawa para gisingin.
"Rukawa gumising kana tayo na ang mag p-perform sa harap"-paggising ko sakanya."Natutulog nanaman ba siya?"- inis na saad ng professor namin."Sorry po professor napagod po kasi siya sa pag-eensayo ng basketball, siya rin po kasi ang gumuhit nung project kaya kung pwede po ako nalang ang magpe-perform sa harap"-pagsisinungaling ko, alam kong mahirap nanaman siyang gisingin kaya ginawa ko yun baka magalit pa samin si professor.
"Ganon ba,o siya halika na dito at ipresenta ang ginuhit niyo"-utos niya, kinuha ko naman sa gilid ni Rukawa ang guhit ko at dumiretso na sa harap para ipakita ang ginuhit ko.
"Grabe ang galing palang gumuhit ni Rukawa"-bulong ng isa kong kaklase sa katabi niya
"Tama,ang gwapo nanga talented pa"- kinikilig namang bulong ng katabi nito.
Tsk as if namang si Rukawa talaga ang gumuhit nito,para tuloy gusto kong bawiin ang sinabi ko kanina,kainis talaga pasalamat ka saking lalaki ka dahil kahit wala kang ginawa punupuri ka parin.
"Ehem,katulad nga ng nasa guhit, pinili namin ang larong basketball dahil ito ang pareho naming hilig,sa paglalaro ng basketball masasabi kong nakatatanggal ito ng stress sa mga tao dahil nga nakakalibang itong laruin.Ang basketball ay isa sa pinaka-sikat na laro sa buong mundo at ang mga manlalaro naman ay sumisikat rin sa paglalaro nito.Sa naging karanasan ko bilang isang manlalaro, para sakin napaka-importante nito sa buhay ko,ang larong ito ang nagsisilbing libangan at inspirasyon ko sa lahat ng bagay,sa paglalaro ng basketball ko dinadaan ang galit ko o sa oras na nalulungkot ako,maliban sa pamilya ko sa paglalaro ng basketball ako nagiging masaya,dito ko naranasan ang matinding saya, pagkasabik at syempre ang lungkot. Alam ko na masyadong personal ang sinasabi ko at nalalayo na sa dapat kong sabihin pero pag salitang basketball kasi ang pinag-uusapan hindi ko maiwasang maging madamdamin,at yun nga ang nagagawa ng basketball hindi lang sakin"-ngumiti ako sa harap habang inaalala ang bawat paglalaro ko mula nung grade school.
"Kundi sa lahat ng mga manlalaro ng basketball, hindi mo malalaman kung gaano ba talaga kasaya ang paglalaro ng basketball hanggat hindi mo ito nasusubukan,pero sa oras na makapaglaro ka na nito,malalaman mo habang tumatagal,hindi mo namamalayan na nag-eenjoy kana sa paglalaro at kapag dumating ang sitwasyong madedehado kana sa laro o di kaya ay mananalo, malalaman mo kung gano ba talaga kahalaga para sayo ang paglalaro ng basketball"-paliwanag ko sakanila.Napangiti naman sakin ang professor namin, pagkatapos non ay nagpalakpakan ang lahat.Nakangiti naman akong bumalik sa upuan ko at doon ko napansin na gising na pala si Rukawa.Tipid ko siyang nginitian bago ako umupo at nakinig sa sasabihin ng professor namin.
Time skip*
"Bakit parang bad mood ka ata ngayon,ha Hiroshi?"- rinig naming sabi ni Captain Miyagi habang papasok kami ni Rukawa sa gym. "Kamusta"-bungad ko sakanila."Oh andyan na pala kayo,kayo nalang hinihintay namin"-sabi ni Captain.
YOU ARE READING
LOVING THE ACE PLAYER [On-going]
FanfictionSa pagtungtong ni Ichika Yoshiko sa paaralan ng Shohoku ay makakakilala siya ng taong siyang magiging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya.Lalaking makapagbibigay sakanya ng labis na kasiyahan at higit sa lahat,ang lalaking hindi niya aakalaing...