Chapter 7: Loving The Ace Player
——————————"Kain na muna tayo,gutom na ako eh"-sabi ni Sakuragi habang hawak ang tiyan niya."Oo nga ako rin gutom na eh"- sang ayon naman ni Seina."O sige Tara na ng makapagpahinga narin tayo"-sabi naman ni Captain Miyagi.
"Sige kayo nalang,busog pa naman ako"- sabi ko sakanila,napatingin naman silang lahat sakin."Sigurado ka ba?, baka gutumin ka niyan"-nag-aalalang saad ni Captain Miyagi, tumango naman ako bilang sagot,wala na silang nagawa kaya nagpaalam nalang sila at umalis na.
Kinuha ko naman yung bola at nagtungo sa court para ipagpatuloy ang pagpraktis ko.Drinibble ko ang bola mula sa middle court at mabilis na tumakbo patungo sa ilalim ng ring ng hindi binibitawan ang bola.Umakto akong may kaharap na kalaban at agad silang nilusutan, pagkatapos ay nagshoot ako mula sa foul area at pasok nga ang bola.Dahan dahan akong naglakad para pulutin ang bola pero gumulong ito papunta sa labas, susundan ko na sana ito pero paglingon ko ay nakita ko si Rukawa na hawak ang bolang gumulong.
"Anong ginagawa mo dito?"-tanong ko sakanya."Bakit ano ba sa tingin mo ang gagawin ko dito"-masungit niyang tugon. Pumasok ito sa loob at dumiretso sa bench,lumapit naman ako para kunin ang bola pero sa halip na iyon ang ibigay niya sakin ay pagkain ang inabot niya sakin.
"Anong gagawin ko rito?"-taas kilay kong tanong."I shoot mo sa ring"-masungit na pamimilosopo niya,inis ko namang kinuha ang pagkain at umupo sa tabi nito."Concern na pala ang isang Rukawa, akala ko ba wala kang pake-alam sa iba?"-pang-aasar ko rito pero mukang nabaliktad dahil ako pa ang nainis sa sunod nitong sinabi.
"Kung ayaw mo mabuti pa iwan mo nalang diyan,ikaw nanga binigyan ikaw pa maarte tsk"-masungit niyang saad. Ibang klase talaga tong lalakeng toh sarap bangasan sa muka kainis. Natapos ang pagkain namin ng walang nagsasalita, natural lang naman dahil ano naman kaya ang pag-uusapan namin ng lalakeng to.
"Aba kaya naman pala gustong magpa- iwan nitong si Ichika hehehe"-nang-aasar na bungad sakin ni Aiko kasama ang ibang team.Matalim ko naman siyang tinignan saka nagsalita. "Nagpa-iwan ako para magpraktis wag kung ano ano ang nasa isip niyo"-masungit na sabi ko sakanya.
"Asus indenial ka pa,kung sabagay kung makakasama mo naman kasi ang isang Kaede Rukawa ng kayo lang aba heaven" -nakangiting sabi naman ni Erika."Anong heaven pinagsasabi mo diyan,baka impyerno sa sobrang sungit ng lalaking nagmumukha siyang babaeng palaging may dalaw"-kompronta ko at di na inalintang nasa tabi ko parin ang lalaking pinag-uusapan namin.
"Ano ba yung ibig sabihin ng babaeng may dalaw?"-kyuryus na tanong bigla ni Sakuragi."Bwahahaha seryoso ka hindi mo alam yun,palibhasa sa halos lahat na subject bagsak ka wahahaha"-halos mapahawak na sa tiyan si Mitsui senpai sa kakatawa.
"Grrrrr kung makapagsalita ka parang ang talitalino mo,eh parepareho lang naman tayong bagsak nung isang taon ah"-inis na sumbat ni Sakuragi kay Mitsui senpai."Bakit ikaw ba alam mo ang ibig sabihin nun"-dugtong pa nito,huminto naman siya sa pagtawa at bahagyang kinamot ang ulo.
"H-hindi rin eh hehehe"-sabi nito.
"Nyahahahaha akala mo kung sinong mang-asar hindi rin pala alam ang ibig sabihin"-natatawang sabi naman ni Sakuragi sakanya."Ano nga ba kasi ang ibig sabihin nun ha Ichika"-tanong bigla sakin ni Captain Miyagi,napa-iwas naman ako ng tingin.
"Gunggong"-bago ko pa masagot ang tanong ni captain ay nagsalita na itong katabi kong si Rukawa."Grrrr ikaw talaga Rukawa ang yabang mo,bakit alam mo ba ang ibig sabihin nun ha!"-bulyaw naman sakanya ni Sakuragi pero imbis na sagutin nito ang tanong ay iba ang sinabi nito.
YOU ARE READING
LOVING THE ACE PLAYER [On-going]
FanfictionSa pagtungtong ni Ichika Yoshiko sa paaralan ng Shohoku ay makakakilala siya ng taong siyang magiging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya.Lalaking makapagbibigay sakanya ng labis na kasiyahan at higit sa lahat,ang lalaking hindi niya aakalaing...