Chapter 19:Loving The Ace Player
———————————
Pagpito ng refferee mabilis na pinasa ni Akio kay Miyagi ang bola,tumakbo agad sila papunta sa half court at dun nanga sila hinarang ng kabilang kuponan.
"Hanggang diyan ka nalang"-sabi ni Yoshi pero nginisihan lang siya ni Miyagi at mabilis na nag overhead pass papunta kay Rukawa.
Pinaikot ni Rukawa ang bola pailalim sa kaliwang paa niya sumunod naman si Mitsuya para bantayan ito pero mabilis na pinatalbog ni Rukawa ang bola sa likod nito at sinalo gamit ang kanan niyang kamay saka ito pumosisyon at mabilis na tinira ang bola.
"THREE POINTS!"
"MAGALING,ANG BILIS NG KILOS NIYA HINDI KAAGAD NAKA PORMA ANG NO. 8 NG SHINEI"
"IBANG KLASE KA TALAGA RUKAWA WOOOOHHHH!"
Samu't saring sigaw nila sa audiences, samantala nagkatitigan naman ang dalawang manlalaro na para bang nagsusubukan sila ng lakas.
"Tandaan mo hindi ka pa umaabot sa lakas ko kaya malabong talunin moko"-seryosong sabi ni Rukawa.
"Tignan naten"-ngumiti naman sakanya si Mitsuya at dumiretso na sa kanyang pwesto.
"Tsk nagyayabang nanaman ang rukawang yan"-inis na garalgal ni Sakuragi sa kanyang inuupuan, habang nakatingin ng masama kay Rukawa.
"Yoshi!"-pinasa kaagad ni Yoshi kay Isamu ang bola,nagbalak naman itong ishoot sa three points pero kaagad na humarang si Mitsui sakanya.
Binawi niya ang bola pagkatapos ay pinasa ito kay Sadashi,sinalo naman niya ito kaagad at pinasok ang free throw lane,dinepensahan naman siya ni Akio,inabante niya ang kaliwang paa niya dahilan lara umatras si Akio at harangan ang magiging atake niya pero mabilis niyang binawi ito at shinoot ang bola at pasok nga ito sa ring.
|SCORE BOARD|
|SHOHOKU|TIME|SHINEI|
| 60 |17:14| 51 |Tuloy ang laro,ngayon ay hawak naman na ng Shohoku ang bola, habang nasa half court sila ay mabilis na kumilos si Miyagi,inatake nito ang ring pero hinarangan naman siya ni Yoshi,ipinasa nito kay Hayato ang bola pero nagulat siya ng masalo nito ni Asahi.Tumakbo ito patungo sa kabilang court at mabilis namang humabol ang magkabilang kuponan.
"Mitsuya!"-malakas nitong inihagis ang bola papunta sa tumatakbong si Mitsuya,nasalo niya naman ito at hinatak ang Ring,humabol pa si Rukawa pero naipasok na ni Mitsuya ang bola bago pa ito makapunta sa kinaroroonan niya.Dalawang puntos para sa Shinei ang naidagdag.
__________
"Babawi tayo maghanda kayo!"-sabi ni Miyagi habang nakataas ang isang daliri nito sa ereh.
"OK!"-sigaw naman nila.
Pinatalbog ni Miyagi ang bola at tumakbo papuntang ring.Agad naman niya itong ipinasa kay Mitsui ng harangan siya ni Yoshi.
Walang alinlangang pinasok ni Mitsui ang bola dahil wala namang nagbabantay sakanya pero laking gulat nito ng makita niya ang kamay ni Isamu na sumagi sa bola bago pa ito pumasok sa ilalim ng ring.
"Rebound!"-sigaw nito.Naghanda naman pareho ang dalawang center ng magkabilang team para sa rebound pero hindi maka kilos si Hayato dahil sa higpit ng pagkakaharang sakanya ni Asahi.
Pareho silang tumalon pero napunta kay Asahi ang bola at humanap siya ng pagkakataon saka ipinasa ang bola sa kakampi nito.
Napunta kay Mitsuya ang bola na mabilis namang tumakbo papunta sa kabilang ring.Humabol kaagad si Rukawa at hinarangan ito.
YOU ARE READING
LOVING THE ACE PLAYER [On-going]
FanfictionSa pagtungtong ni Ichika Yoshiko sa paaralan ng Shohoku ay makakakilala siya ng taong siyang magiging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya.Lalaking makapagbibigay sakanya ng labis na kasiyahan at higit sa lahat,ang lalaking hindi niya aakalaing...