Chapter 10

140 7 11
                                    

Chapter 10 :Loving The Ace Player

            ———————————

Naomi's POV

"Fast break!"-mabilis na pinasa sakin ang bola matapos akong sumigaw, agad naman akong tumakbo pagkatapos saluhin ang bola at tumira ng lay up shot.

Simula ng magsimula ang larong ito, tatlo sa dalawa na ang puntos at lamang ang kabilang grupo ng isang puntos,kaylangan kong gumawa ng paaraan para makapuntos at ng kami naman ang makalamang.

Si Hayato ang binabantayan ni Hiroshi dahil siya lang ang pwedeng pang tapat sa tangkad nito,si Akio naman ay si Seina ang binabantayan tapos si Aiko ay si Shiozaki ang binabantayan para naman sa shooting guard ay sila Sasaoka at Iishi ang magkalaban kaya siguradong walang magiging problema sakanilang dalawa.

"Aiko"-tinignan ko siya sa mga mata para senyasan sa gagawin naming plano,naintindihan naman nito ang ibig kong sabihin kaya humarap na kami sa kalaban at humanda sa pagdepensa.Pinasa ni Yasuda kay Seina ang bola,drinibol naman nito ang bola at tinangkang lusutan si Akio pero bago pa man sila makalapit sa kinalalagyan namin ay mabilis na gumawa ng screen sila Akio at Aiko at mabilis na natampal ni Aiko papunta sa kinaroroonan ko ang bola,hindi naman na ako nagsayang pa ng oras at agad na umatake patungo sa half court.Walang alinlangan akong huminto sa pagdribol at tumira ng tres mula sa three point area at pumasok nga ang bola.

"Ah,ang bilis ng atakeng yun"-mahinang sabi ni Hayato na nasa tabi ko na.Naglakad ako patungo kila Akio at Aiko saka nakipag apir."Nice job Naomi"-ngiting sabi sakin ni Aiko na sinuklian ko rin ng ngiti."Magaling Naomi,ang bilis mo talagang kumilos"-sabi naman sakin ni Akio na ikinangisi ko."Syempre ako pa,balik na sa depensa"-dumiretso na ako sa kabilang parte ng court at nakangiting pumosisyon para dumipensa.

'Ayos ngayon kami na ang lamang sa labang to'

Hawak ni Seina ang bola at papalapit na ito sa amin,naghanda na ako sa depensa maging ang mga kasamahan ko.Isa isang nagsilapitan samin ang kabilang grupo,matindi ang ginagawa kong pagdepensa kay Yasuda para makasiguradong hindi ako nito malulusutan at habang dumidepensa ay napatingin ako sa gawi ni Akio na nahihirapan sa pagdepensa dahil sa lapit ni Seina sakanya.

'Magandang strategy siguradong hindi basta basta maaagaw ni Akio ang bola kay Seina dahil sa oras na magkamali ito,pwede siyang ma foul at dahil nga sa hirap nito sa pagdepensa pwedeng makalusot o dikaya ay makapuntos si Seina'

Nagsimula na nga itong gumalaw, mabilis niyang drinibol patalikod ang bola at pinusisyon sa pagtira ng jump shot,Hindi agad nakakilos si Akio kaya naman naipasok ni Seina ang bola ng walang kahirap hirap.

"Ah hindi maganda to—"-hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makarinig kami ng sigawan mula sa kabilang court.

"Kung hindi ka sana humarang sa ilalim ng ring ako sana ang makakapuntos!"

"Gunggong sinenyas ko naman sayong ipasa mo sakin pabalik yung bola pero sinwapang mo naman!"

"At bakit ko naman ipapasa sayo ang bola!"-bangayan ng dalawang manlalaro sa kabilang court walang iba kundi sila Rukawa at Sakuragi.

"Ano ba kayo nasa gitna tayo ng laro wag nga kayong mag-away"-suway naman sakanila ni Ichika pero parang walang narinig ang dalawa at nagpatuloy parin sa pagbabangayan.

"Sawang sawa na talaga ako sainyo!"- inis na sabi sakanila ni Ichika kasabay nun ang malakas na pagsampal sa dalawang nagbabangayan."Titigil kayo oh ipapalit ko kayo sa dalawang kadarating na player?!"-inis nitong sigaw sa sakanila.

"Ito namang si Ichika di na mabiro titigil na po kami"-sabi ni Sakuragi habang nakahawak sa pisngi nitong sinampal ni Ichika.

"Maganda nga siguro pag may ganyang babae sa team para naman hindi na magbangayan ang dalawang yan"-sabi naman ni Captain Miyagi habang nakatingin sa tatlo."Tama para kahit kunting oras eh magkasundo naman ang dalawang yan"-pagsang-ayon naman ni Mitsui sakanya.

LOVING THE ACE PLAYER [On-going]Where stories live. Discover now