Chapter 24:Loving The Ace Player
___________________________
Ichika's Pov
Kakatapos ng aming praktis kaya naman nagtipon tipon kaagad kami para sa anouncement ni captain Miyagi.
"Maaga tayo buka para makapagpraktis pa tayo sa ngayon pagtutuunan muna natin ng pansin ang team up natin dahil mahalaga ito sa isang laro,sige yun lang muna sa ngayon maaari na kayong umalis para makapagpalit"-sabi nito.Akmang aalis na sila ay nagsalita agad ako.
"Ahh siya nga pala birthday ng kapatid ko sa biyarnes kung wala naman kayong gagawin at gusto niyo sumama,iimbitahan ko sana kayo tutal hapon naman icecelebrate ang kaarawan ng kapatid ko"-sabi ko sakanila.
"Hmm kung ganon sige kahit hindi na muna tayo magpraktis sa hapon ng biyarnes sasama ako kayo ba?"-taning ni captain Miyagi sakanila.
"Pasensiya na ichika hindi kami makakapunta magkakaklase kasi kami nila erika at seina may project kami eh sayang naman kung hindi kami gumawa yun nalang yung time na makakagawa kami ng project"-sabi ni captain Kazumi na sinangayunan naman ng dalawa.
"Ah ganun ba,sige sa susunod nalang"-ngumiti ako."Eh kayo?"-tanong ko naman kila Naomi at Aiko.
"Sige sasama kami diba"-tapik ni Aiko kay Naomi."Ah a oo sasama kami"-sagot naman nito.
"How about you guys?"-tanong naman ni Aiko sa mga boys basketball team."Syempre kainan yan sasama kami!"-masayang sabi ni Sakuragi.
"Tsk patay gutom"-masungit na sabi ni Rukawa."Ano sabi mo ha,wag kang magsalita kasi sigurado naman akong isa karing patay gutom"-inis na sabi ni Sakuragi.
"Wag mokong itulad sa gunggong na tulad mo"-sagot nito na lalong ikinainis ni Sakuragi.
"Aba't—"-hindi na natuloy ni Sakuragi yung sasabihin niya ng pigilan siya ni Mitsui.
"Rukawa bat dika rin kaya sumama maganda naman yun dahil sasama naman kaming lahat"-pangungumbinsi niya rito.
"Magsama kayo"-tipid na sabi ni Rukawa.
"Eto talagang si Rukawa napaka kill joy sumama kana tutal wala karin namang gagawin"-pangungumbinsi naman ni Aiko.
"Tss"-sabi nito at naglakad paalis.
"Ibang klase,hindi na talaga siya makukumbinsi"-sabi ni Erika."Hayaan niyo na tutal bida bida akala mo naman kong magaling"-sabi naman ni Sakuragi.
Nagsi-uwian na ang lahat pagkatapos.Naglalakad naman na ako pauwi at nakita si Rukawa parang may hinihintay.
"Oh ginagawa mo rito,bat dikapa umuwi?"-tanong ko sakanya."sakay"-hindi niya pinansin ang tanong ko at pinaangkas lang ako sa bike niya.
"Wag mongang iwasan ang tanong ko?"-inis na sabi ko.Tumingin naman ito sakin at pagkatapos ay tumingin sa likod nito,sinundan ko ang tingin niya at nakita ang grupo ng mga lalaki sa daanan ko pauwi ngunit medyo malayo ang mga ito samin.
"Malamang hinihintay ka nila para paghigantian"-sabi nito dahil kitang kita na sila yung mga lalaki kanina sa rooftop.Wala naman na akong nagawa kundi magpa angkas sakaniya.Nagsimula na itong magpedal pagkatapos ay tinungo niya ang ibang direksyon.
May isa pang daanan pauwi samin pero mas malayo nga lang kesa sa dinadaanan ko pauwi pero hindi na ako nagreklamo dahil sa nakita ko kanina.
"Pst Rukawa"-tawag ko rito pero hindi niya ako pinansin at nakatingin parin sa harap."Bakit ba ayaw mong pumunta sa bahay,kasama mo naman lahat ng team?"-kyuryus na tanong ko.
"Sumama kana,kahit tanda lang ng pasasalamat ko sayo ngayong araw"-dagdag ko pa pero parang hindi niya lang ako narinig kaya dahil sa inis ko ay tumahimik nalang ako.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay,agad naman na akong bumaba at nagpasalamat,akmang didiretso na ako ng magsalita ito kaya napahinto ako.
"May importante akong gagawin pero kung matapos ko yun kaagad baka dederetso ako rito"-sabi nito.Nilingon ko naman siya at nginitian."Kung ganon hihintayin ka namin,sige na mag-iingat ka"-sabi ko rito.Tumango naman siya at nagsimula ng nagpedal paalis.
Ng hindi ko na siya maaninag ay saka na ako pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto upang makapaghugas at makapagpahinga na.
Kinabukasan
Busy kaming lahat sa pag eensayo ng biglang nagtawag si captain Miyagi.
Pumito*
Dumiretso kaming lahat sa isang sulok at hinintay ang sasabihin ng aming captain.
"ngayong araw ay magkakaraon tayo ng 5 vs 5 pag sasamahin ko ang bawat isa sainyo para mai-ayos ninyo ang inyong team building,si Kazumi ang mag aasikaso para sainyong mga babae at ako naman ang mag aasekaso sa mga lalaki,sigi magtipun na kayong mga babae para pag-usapan ang inyong laro"-utos ni captain,kaya lahat kaming mga babae ay nagtipon tipon.
____
Napagusapan naming lahat ang tungkol sa laro bale ang magkakasama ay ako,si Naomi,si Erika,Kimiko,at si Hana.
Sa kabilang grupo naman sila Seina,Aiko,Mariko,si Kazumi at Retsu ang magkakasama.
Siya nga pala si Retsu Hitomi ang isa sa mga player na hindi nakasama sa praktis noong meron pa si coach kasama niya sila Sachi,Karin,at Reign.Sila ang mga first years na kasali na sa grupo.
Bale ang mga babaeng hindi nakasali ay nagttraining pa ng basics,para narin masanay sila sa dribbling at passing.Ngayon ang manager naman namin na si Kira ang naging referee namin sa laro.
Pumito*
Lahat kami ay dumiretso na sa sentro ng court at naghanda sa jump ball,bale ang maglalaban sa jump ball ay sila Kazumi at Kimiko.
3..2...1..
Pumito*
Sabay na tumalon ang dalawa ngunit naunang natampal ni Kazumi ang bola papunta sa harap ni Seina.Agad niya itong sinalo at tumakbo papunta sa rim pero bago paman siya makaabot ay naagaw na kaagad ni Naomi ang bola.
Mabilis itong tumakbo,tumakbo narin kami para sundan siya.Agad na humarang sa three point area si Retsu sumunod naring pumwesto ang iba pa nitong kasama kasabay na kami doon para sa opensa.
Ball dribbling*
Pagkalipas ng ilang segundo ay agad umatake si Naomi.Pinatalbog nito papunta sa kanan ang bola na siya namang hinarangan ni Retsu.
Pagkatapos ay kinuha niya pabalik ang bola saka ito tumalon at pinasa papunta kay Erika ang bola.
Walang sinayang na oras si Erika at agad umatake sa ring,pwersahan niyang kinaharap si Mariko. Napaatras naman ito ng unti dahil sa pag atake ni Erika.
Habang nakatuon ang pansin ni Mariko sa pagpigil ng lakas ni Erika ay pumaikot kaagad si Erika at nakalagpas sa depensa nito.
Agad niyang inatake ang ring at pumuntos ng jump shot pero bago paman ito makaabot sa ilalim ng rim ay natampal ito ni Kazumi.
Tumakbo naman ako para kunin ang bola at pagkatapos ay mabilis na pinasa kay Hana na siyang libre dahil sakin nakasunod ang bantay niya kasama ang nagbabantay sakin.Walang alinlangan nitong ishinoot ang bola at pumasok nga ito.
Dalawang puntos para sa aming team.Dumiretso kami kay Hana saka naki pag-apir tanda ng pagpuri namin sakanya.
Pagkatapos,lahat kami ay dumiresto na sa kabilang court para sa depensa.
'Mukang magiging maganda ang laban na ito'-ngiting sabi ko saking isipan
****
Title:Loving The Ace Player
Genre:Fanfic
Author:Daishen_blue
---
Ps: Ang storyang ito ay kathang isip lamang at gawa gawa ng malawak kong kaisipan.______
Pasensiya na dahil ngayon lang ako nakapag-update huhu.Naging busy nako tapos sa totoo lang natatamad nadin akong magpublished ng chapter,sorry po talaga.
YOU ARE READING
LOVING THE ACE PLAYER [On-going]
FanfictionSa pagtungtong ni Ichika Yoshiko sa paaralan ng Shohoku ay makakakilala siya ng taong siyang magiging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya.Lalaking makapagbibigay sakanya ng labis na kasiyahan at higit sa lahat,ang lalaking hindi niya aakalaing...