Chapter 14:Loving The Ace Player
_______________________
Third Person's POV
"Aiko Salo!"-walang alinlangang sinalo ni Aiko ang bolang pinasa sakanya ni Miyagi,tumakbo na ito papunta sa half court at agad namang sumunod sakanya ang iba pang manlalaro para pigilan at tulongan siya kung saka sakali.Pagkarating nito sa free throw area ay pumwesto na ito para magshoot pero laking gulat niya ng sumolpot sa harapan niya ang power forward ng Shinei team na si Sadashi.
'A-ang bilis niya'
"Hindi kita hahayaang makalusot"- sabi nito pero ngumisi lang sakanya si Aiko at nag bounce pass patungo sa kinaroroonan ni Mitsui na agad tumira ng tres pagkatapos masalo ng bola.
Pasok*
"Ano!?"-gulat na sabi ni Sadashi sa nangyari."Nice pass Aiko"-nakangiting sabi ni Mitsui saka nakipag-apiran kay Aiko.Muli pang tumingin si Aiko kay Sadashi saka ngumiti bago sila tuluyang pumunta sa mga kasamahan nila.Tumalim naman ang mata ni Sadashi sa inis.
"Pabayaan mo na Sadashi,babawi nalang tayo"-pagpapakalma sakanya ng team captain nilang si Yoshi. Kumalma naman ito at dumiretso na sa mga ksamahan niya.
'Makikita mo,babawian kita'
"Magaling Aiko ngayon lamang na tayo ng isang puntos,ipagpatuloy niyo lang yan"-sabi sakanila ng kanilang team captain."OK!"-pagsang-ayon naman nila.
Ball dribbling*
"Pupuntos tayo!"-sigaw ng team captain ng shinei high pagkatapos ay pinasa kay Souma ang bola,tumakbo na sila patungo sa zone area kabilang court sinalubong naman sila ng team ng shohoku para depensahan.
Sa ngayon ay si Rukawa ang nagbabantay kay Souma pero kampante parin sila dahil malaki ang tiwala nila sakanilang team mate na si Souma.Nagpatuloy lang sa pagdribol si Souma habang naghahanap ng panibagong pagkakataon para makapuntos.Maya maya lang ay napansin nito ang pagsenyas sakanya ni Asahi,agad naman itong umayos at gumawa ng kilos.
Nagdribol ito ng isang beses saka pumunta sa bandang kaliwa na agad namang hinarangan ni Rukawa, napangisi ito saka pinunta sa kanang kamay ang bola at mabilis na ipinasa kay Asahi ang bola pero...
Pak*
"Steal!"-sigaw ni Hikoichi sa audiences ng mabilis na napunta sa kamay ni Rukawa ang bola at dumiretso patungo sa half court.
"Papanong?!"-tanong ni Souma na may halong inis matapos masaksihan ang nangyari,tumakbo ito at hinabol si Rukawa para kunin muli ang bola. Humarang naman sa harap ni Rukawa ang no. 4 ng kabilang kuponan na si Yoshi at inabangan ito sa three point area.Pagkarating ni Rukawa sa harap nito ay mabilis siyang nagdribol paikot at nalusotan ang kalaban saka siya tumira ng jumpshot at pumasok nga ito.
"Wahhhh Rukawa ang galing mo talaga!!"-
"Ang bilis niyang gumalaw"
"Ibang klase talaga ang ace player ng shohoku!"-sigaw ng mga tagahanga nito.Samantala sa bench ng shohoku ay tila nawala sa sarili ang manager nila na patuloy sa pagpuri sa kanilang ace player na si Rukawa.
"Rukawa,rukawa,rukawa"-napansin ito ng katabi niyang si ichika na napasapo nalang sa kanyang noo dahil sa kinikilos nito."Hayyy andami talagang nababaliw dahil sa lalaking mayabang na yun oh"-napasambit nito sa kanyang sarili.
Balik sa court*
Tumakbo si Asahi patungo sa ilalim ng ring na agad namang hinarangan ni Hayato,tumakbo naman si Isamu patungo sa three point area na hinarangan naman ni Mitsui, sumunod namang tumakbo sila Yoshi, Sadashi at Souma na hinarangan nila Rukawa,Akio at Miyagi.Pinasa kaagad ni Yoshi ang bola sa kanilang three pointer na si Isamu.
YOU ARE READING
LOVING THE ACE PLAYER [On-going]
FanfictionSa pagtungtong ni Ichika Yoshiko sa paaralan ng Shohoku ay makakakilala siya ng taong siyang magiging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya.Lalaking makapagbibigay sakanya ng labis na kasiyahan at higit sa lahat,ang lalaking hindi niya aakalaing...