Chapter 9 :Loving The Ace Player
———————————
Mito's POV
"Bakit kaya sila pagsasamahin sa iba ibang grupo,ano kayang iniisip niyang si tatang"-sabi ni Ohkusu habang nasa manlalaro ang tingin."Hindi ko ngarin alam eh pero ang sabi satin ni Kazumi ang Captain ng Women's basketball club na gawin natin ng maayos ang ipinapagawa satin"-sagot ko sakanya.
"Isa pa kung ano man ang iniisip ni tatang,siguradong makakatulong naman ito sa kanilang lahat"-dugtong ko pa. Masasabi kong lalong lumakas ang team ng Shohoku,kahit pa nawala sakanila ang pinakamalakas na sentro napalitan naman siya ng magagaling na freshmens siguradong sa pagkakataong matatalo na nila ang Kainan.Masaya rin akong sa isang taong paglalaro ni Hanamichi ng basketball,lalo pa itong gumagaling patunay lang na mahalaga sakanya ang paglalaro ng basketball.
'Hindi na tulad ng dating wala na siyang ginawa kundi makipagbasag-ulo,iba talaga ang nagagawa ng basketball'
__________
Hingal na hingal at pawisan silang lahat matapos gawin ang limang ehersisyong pinapagawa sakanila.Hindi na nakapagtataka dahil parehong may kahirapan gawin ang mga basketball exercise na ginawa nila.
"Team assemble!"-lumapit ang lahat sa kinaroroonan namin ng sumigaw ang captain na si Miyagi,tumayo naman si tatang at hinarap ang lahat ng mga manlalaro.
"Tanda niyo pa ba ang magiging kasama niyo sa isang grupo?"-tanong nito sakanila."Opo coach!"-tugon nilang lahat.
"Hmn makinig kayong lahat, magkakaroon kayo ng praktis game at ang unang maglalaban ay ang una at pangalawang grupo,at para sa ikalawang court ay ang pangatlo at pang-apat na grupo ang maglalaro, katulad parin ng dati ang unang makasampung puntos ang siyang panalo,kayong mga managers ng apat na grupo panoorin niyong mabuti ang laro at hanggat maaari ay isulat niyo ang mga importanteng bagay"-sabi nito samin
"Teka coach,sino naman ang magiging referee namin?"-tanong naman ni Miyagi rito."Huwag kayong mag-alala dahil parating na ang manager ng women's basketball team at ang iba pang myembro nila"-sagot sakanya ni coach Anzai.
"Kung ganon dalawa sakanila ang magiging referee?"-
"Ganon nanga,narito na pala sila"- baling nito sa mga babaeng parating.
"Captain!"-sigaw ng apat na babaeng patungo sa gawi namin.Nakangiti naman silang sinalubong ni Kazumi at kinamusta.
"Bakit ngayon lang kayo?,nasan ang iba?"-tanong nito sakanila."Ah may importante daw silang gagawin kasama ang pamilya nila kaya kami lang ang nakapunta dito"-sagot naman saknila ng babaeng di gaanong kahabaan ang buhok.
"Ganun ba sige dibale nalang siya nga pala hali kayo at ng maipakilala ko kayo sa bago nating team mate at ang men's basketball team"-tawag nito sakanila,tumango naman ang mga ito at dumiretso na sa gawi ng namin.
"Papakilala ko nga pala sainyo ang manager at iba naming team mates, Kira pakilala niyo ang mga sarili niyo"-sabi ni Kazumi at binaling sa katabi nito ang tingin.
"Hello sainyo ako nga pala si Kira Hiyoko,senior high student ako ang manager ng women's basketball team"-nakangiti nitong sabi.
"Kamusta,ako si Kimiko Chizue isa ako sa player ng women's basketball team"-pakilala naman ng babaeng naka tirintas ang buhok.
"Im Hana Kazuko,senior high student nice to meet you"-sabi ng babaeng di kahabaan ang buhok.
"Ako naman si Mariko Hoshimi ang bagong player ng women's basketball team"-masayang sabi ng babaeng pinaka matangkad sa apat.
YOU ARE READING
LOVING THE ACE PLAYER [On-going]
FanfictionSa pagtungtong ni Ichika Yoshiko sa paaralan ng Shohoku ay makakakilala siya ng taong siyang magiging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya.Lalaking makapagbibigay sakanya ng labis na kasiyahan at higit sa lahat,ang lalaking hindi niya aakalaing...