Chapter 8

161 8 0
                                    

Chapter 8 :Loving The Ace Player

            _________________________

Kinabukasan*

Maagang gumising ang dalagang si Ichika para makapaghanda sa magaganap na praktis sa kanilang paaralan.Dumiretso na ito sa silid kainan saka kumain matapos maligo at magbihis.Ilang minuto pa ang lumipas ay nagpaalam na ito sa pamilya niya para umalis.

"Ma,Pa,mauna na po ako kaylangan ko pong pumunta sa Shohoku para magpraktis"- paalam nito sa kaniyang mga magulang."Mag-iingat ka doon ha wag kang papagutom"-paalala naman sakanya ng kaniyang.Tumango lang ito saka umalis na sa bahay nila.

Shohoku High*

"Magandang umaga sainyong lahat"-bati ng dalaga sa mga taong nasa loob na ng gymnasium."Oh nandiyan ka na pala Ichika,magandang umaga din"-nakangiting sabi ng captain ng men's basketball club sakanya.

"Kakaunti pa pala tayong nandirito kung ganon hihintayin pa natin ang iba"-sabi naman ni Ichika at naglakad patungo sa bench."Kung sabagay masyado pa namang maaga eh"-dugtong nito at kinamusta ang iba pang naroroon,sina Akio,Hayato,Mitsui,Rukawa at si Sakuragi.

"Kamusta naman ang tulog niyo baka napuyat kayo ha,sigurado pa namang deretso ang training natin ngayong araw baka maaga kayong mapagod"-sabi sakanila ng dalaga.

"Hindi naman,nakatulog nga ako ng maaga kagabi dahil sa pagod eh"-sabi naman ni Hayato."Ang henyong ito pa ang tinanong mo syempre hinding hindi ako mapapagod nyahahahaha"-sabi ni Sakuragi saka ito tumawa ng malakas.

"Haynako"-tipid na sabi ni Rukawa sakanya."Oh siya,basta maging handa nalang tayong lahat lalo pa't sa lunes na ang umpisa ng eliminations"-bago pa mag-salita si Sakuragi ay agad ng sumabat si Ichika para iwasan ang sumbatan sa pagitan ng dalawa. Sumangayon naman ang ibang manlalaro sa sinabi nito at nagpatuloy pa sa kwentuhan.

Ichika's POV

Maya maya pa ay dumating na ang ibang manlalaro pati narin si Coach Anzai. Masaya naman kaming nagbatian, pagkatapos ay nagsalita na si Coach Anzai kaya lahat kami ay nabaling ang atensyon sakanya at sasabihin nito.

"Makinig kayong lahat lalo na sa mga manlalaro ng basketball noong nakaraang taon, alam naman ninyong lahat na iisa lang ang pangarap natin sa paglalaro ng basketball walang iba kundi ang maging no. 1 sa Japan,ngunit sa kasawiang palad ay hindi natin nagawang maipanalo ang laro laban sa Aiwa High kaya ngayong taon sisiguraduhin natin na mapasama tayo sa mga basketball team na makakapasok ng interhigh at matalo ang mga manlalaro mula sa iba't ibang skwelahan sa distrito ng kanagawa at Japan nang sa gayon ay matupad ang ating pangarap kaya sa taong ito,dapat pag-iigihan niyo ang pagp-praktis "-tahimik kaming lahat na nakatingin kay coach at hinihintay ang susunod nitong sasabihin.

"Tanda niyo parin ba ang pa-ulit ulit kong sinasabi sainyo magkaroon man ng laro o hindi?"-tanong samin ni coach.

"Nyahahahaha syempre naman tatang hinding hindi namin makakalimutan yan"- sagot naman sakanya ni Sakuragi. "Malakas ang team!,"-sabi pa nito."Ng Shohoku!"-dugtong naman naming lahat.

"Magaling,simulan niyo na ang pag-eensayo"-nakaismid na sabi ni coach saka ito umupo.Dumiretso naman kami sa court saka nagsimulang magwarm-up.Ilang minuto pa ang lumipas ng matapos na kami sa pagwarm-up nagpatawag naman ng assemble ang team captain ng men's basketball club na si Captain Miyagi para sabihin ang aming gagawin.

"Ngayong araw lahat tayo ay gagawin ang activity para sa basketball exercises dahil naiimprove nito ang stamina ng isang manlalaro,ang bilis at taas sa pagtalon at pagtakbo,at naiimprove rin nito ang husay mo sa pagf-foot work"- paliwanag samin ni Captain Miyagi

LOVING THE ACE PLAYER [On-going]Where stories live. Discover now