Chapter 17:Loving The Ace Player
______________________
Dalawang minuto nalang ang natitira sa first half at lamang parin ang Shohoku sa laro. Nabahala naman ang coach ng Shinei dahil sa laki ng lamang ng Shohoku sakanila.
Pumito*
Napatingin ang lahat sa pumito at nakita nga ang coach ng Shinei na nakatayo at humingi ng time out. Nagsibalikan naman ang magkabilang kuponan sa kani kanilang bench pagkatapos.
Audiences*
"Hindi na nakakapagtaka ang paghingi nila ng time out sa gan itong oras,sa oras na hindi sila makapuntos hanggang matapos ng oras ay maaring hindi sila magtagumpay sa second half"-sabi ng dating MVP ng kanagawa district na si Maki.
"Tama ka, siguradong mahihirapan silang bawiin ang puntos sa second half kung saka sakaling hindi sila magtagumpay"-sabi naman ng kasalukuyang captain ng Kainan na si Soichiro Jin.
"Pano na kayo ngayon pre.."-sabi naman ng no. 10 ng Kainan na si Nobunaga Kyota.
Shohoku Bench*
"Magaling ang ginawa niyo, maganda ang ipinakita niyo sa inyong team work"-sabi sakanila ng kanilang coach.
"Maraming Salamat po coach"-sagot naman nila.
"Ano namang kinaganda niyang team work nila eh wala ako sa laro"-sabi naman ni Hanamichi na tila nagpaparinig.
"Gunggong"-sabi naman sakanya ni Rukawa na ikinainis nito."Hoy wag ka ngang magmayabang jan porke kasama ka sa first half,pasalamat ka nalang dahil wala ako dun dahil kung hindi baka nilampaso na kita sa galing kong maglaro"-inis na sumbat ni Hanamichi sakanya.
"Tsk"-tanging sabi ni Rukawa."Huwag mo kong matsk tsk jan dahil nagmumukha kang ahas"-inis na sabi pa nito.
"Hayynako Sakuragi sino naman kaya ang nagmamayabang ngayon sainyo matapos mo sabihin yang pinagmamalaki mo"-sabat naman ng kanilang captain sa usapan.
"Pwede ba kulot wag ka nalang maki-alam"-sagot nito sakanya. Umalis nalang si Rukawa sa harap nito, dumiretso siya sa tabi ni Ichika na inabutan naman nito ng tubig.
"Oh tubig mo"-sabi nito saka ibinigay ang tubig sakanya. Walang pasabi niya naman itong inabot bago umupo saka ininom ang tubig.
"Tsk hindi manlang marunong mag pasalamat, ok ah"-inis na bulong ni Ichika sa hangin bago tuluyang umupo.
"R-rukawa, ang galing mo talaga, pagbutihan mo ang paglalaro mamaya"-sabi naman ni Haruko sakanya ng nakayuko dahil sa hiya. Tumingin lang sakanya si Rukawa pagkatapos ay muling binaling ang tingin sa harap.
"Ta moto kahit kailan talaga walang galang ang isang to"-pabulong na sabi ni Ichika. "Tsk,kung may sasabihin ka deretsohin mo hindi yung nagbubulong ka pa jan kala mo naman hindi naririnig"-masungit na sabi sakanya ni Rukawa.
"Natural lang yon dahil talagang pinariringgan kita Noh!"-inis na sabi nito sakanya."Nga pala galingan mo sa panghuling laban sa first half, huwag mong hahayaang makalamang ang kalaban"-sabi ni Ichika.
"Alam ko ang ginagawa ko,wag kang make-alam"-masungit na sagot ni Rukawa at muling uminom ng tubig.
"Alam mo ang sungit mo talaga eh no, hindi ba pwedeng nagpapa-alala lang tsk"-inis na saad ni Ichika."Tsk"-tipid na sagot nito sakanya.
'Kainis ka talagang lalaki ka, malasin ka sana sa paglalaro mo'-inis na sabi ni Ichika sa kanyang isipan dahil sa matinding gigil...
"Tapusin na natin ang laro, huwag nating hahayaan silang makalamang"-sabi ng kanilang team captain.
YOU ARE READING
LOVING THE ACE PLAYER [On-going]
FanficSa pagtungtong ni Ichika Yoshiko sa paaralan ng Shohoku ay makakakilala siya ng taong siyang magiging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya.Lalaking makapagbibigay sakanya ng labis na kasiyahan at higit sa lahat,ang lalaking hindi niya aakalaing...