Chapter 4

158K 3.6K 1.1K
                                    

Chapter 4: Adam

"Pasensya na po talaga, Amber." paulit ulit nilang paumahin.

"Hindi namin alam na asawa mo siya. Akala namin pinsan mo or..."

"E, kasi hindi naman halata na may asawa ka na, Amber. Ang bata mo pa kasi, mas matanda pa nga kami sa iyo." puna ni Mera sa mahinang boses.

I smiled at them. "It's okay. Elijah's just like that. I should be the one apologizing in his behalf. Natakot pa kayo,"

"Naku! Naku! Ayos lang 'yon. Naintindihan naman namin ang ginawa niya. Kung ako naman siguro may asawa at harap harapan sinabihan ng kaibigan na nagagandahan, magagalit din ako." si Anjo.

Bumaling ako kay... 'yon nakatingin pa rin ng masama sa team ko. Sinamaan ko rin siya ng tingin. He pursed his lips at me.

"Just a second," sabi ko sa kanila bago nilapitan si Elijah.

Ngumiti naman siya sa akin ngunit hindi ko iyon sinuklian.

"Apologize to them, Elijah." sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "Why? I did nothing wrong."

"You scared them. It was a bad approach."

He scowled at me.

"Amber, ayos lang 'yon." agap nila.

"Pasensya, Sir."

"Elijah..." I warned.

Umigting ang panga niya bago tumingin sa aking team. "I'm sorry,"

"Pasensya na rin po." si Marlo, Anjo at Eric.

Silang tatlo ang nangunguna sa biruan. They were just talking, napunta ang usapan sa akin, appreciating my beauty and Elijah just suddenly burst out when I showed up.

"Amber, dito ka para mas makikita mo ang sketch." si Ike at minuwestra ang bakanteng espasyo sa tabi niya.

Apat ang nakaupo sa kabilang couch at tatlo naman sa inuupuan niya. Biglang umalis si Arlyn at lumipat sa kabilang couch kaya mas maluwag.

Umupo na rin ako at sa gilid ko, nararamdaman ko ang nanunuot na panitig. I turn to Elijah, his eyes narrowed at me while sitting down beside Architect Ike. Iniwas ko ang tingin.

"Si Amber magaling sa graphic arts, siya lang tanungin mo." muwestra ni Mera kay Sisa.

"Ah, ito po. May naisip kami na pina-hole ang disenyo ng kisame. Para mas ma-emphasize ang chandelier na ito,"

Napatango ako sa pinakita niyang sample. "Yeah. Isang floor lang naman ito kaya pwede iyan. But we will see if that will fit for the overall design."

"Here, Amber." si Ike.

Napatingin ako sa 3D sketch ng mansyon sa kanyang laptop. We projected what Ike is doing to the white wall para makakita ang lahat at makapagsuhestyon ng magandang disenyo.

Habang tumatagal mas lumalaki ang progress namin. Nakapag-utos pa ako ng snacks para sa amin dito. Si Jude ang nautusan ko at bago ko pa maibigay kay Elijah ang sa kanya, nakiupo siya sa couch namin.

"Kayong dalawa ang pupunta sa owner?" tanong ni Anjo.

Napatingin ako kay Ike pero hindi naman nagtagal dahil kinuha ni Elijah ang aking atensyon nang nilagay sa aking baywang ang isang kamay niya. I can see that my team in the opposite couch is trying their best to ignore his intimidation.

"Uh, yeah. Will it be okay, Ike?" tugon ko sabay baling ulit sa kanya.

He smiled and nodded. "Sure."

O Silent Night (Isla de Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon