Chapter 10

141K 3.2K 852
                                    

Chapter 10: Car racing



Nalaman nila Mama ang nangyari sa seaside kanina. After the incident, I did not went out of the room. Sinasamahan ko lang si Elijah sa kwarto niya hanggang nakatulog kami pareho.

I still don't know why he fought with Baltazar but I did not ask again. Kalmado lang ang pamilya nang nalaman ang nangyari kanina. My respect for them increased more when they did not pry unto Elijah and ask what really happened.

Even Rocco and Maddox, they weren't asked too. They respected Elijah's silence not to expand the issue. After the fight, umuwi na raw ang tatlong kaibigan nila.

"I thought we're staying here tonight?" Elijah whispered.

Ngumuso ako at sinindot siya. Kasalukuyan akong nagluluto ng pasta truffles dito sa kusina nila. They have everything here. A walk-in fridge and a walk-in utensil closet.

"We are. But your mother said we will bring dinner to Tatay and Nanay. Magpapaalam din ako na rito matutulog." sagot ko sa kanya. "Kaya, go somewhere else. You're intimidating everyone here,"

Sinulyapan ko muli ang mga kasambahay. They are tiptoeing around because of Elijah. I realized that his presence intimidates people but not with me. He is a softie.

"I'm staying. Manang, I can stay here with my wife, right?"

Wow! Talagang nanghihingi ka pa ng kakampi, Elijah Luis.

Humagikhik ang mga kasambahay at pati si Manang ay natatawa na rin. Umiinit ang aking pisngi bigla.

"Ang cute ninyo ni Sir, Ma'am Amber." puri ni April.

"Bagay po kayo sa isa't isa."

"Oo naman, hijo. Ikaw'ng bata ka talaga." tawa ni Manang. "Ang kulit n'ya sa'yo, hija. Kapag nandito siya sa mansyon, halos hindi iyan lalabas sa silid niya."

"Baka may tinatago, Manang." wala sa sarili kong tugon.

Lahat sila ay tumahimik. Even Elijah, he stiffened a bit. Napalingon ako sa kanila at umiwas ng tingin ang mga kasambahay. Si Manang lang ang may ganang humalakhak.

"I mean, hiding a girl somewhere. I heard from Steven and his friends that girls used to spend time here with... with the boys," mahina ang pagkabigkas ko sa panghuling mga salita.

Elijah rubbed his face on my neck. "I have no one,"

"Naku, walang babae iyang si Elijah, hija. Marami mang may gusto sa kanya, e, hindi man lang sinulyapan. Kaya nga nagkakapanibago na may asawa na at ito, dikit na dikit sa'yo."

"See, baby. Only you," mainit niyang bulong.

They maids giggled at us. Ngumuso nalang ako. I cannot control Elijah when he is like this. Kung sisitahin ko kasi kulang nalang iiyak siya at magwawala.

I finished cooking the pasta truffles in a Thailand-like dish. Sila Manang naman ang gumawa ng iba pang ulam na dadalhin. Kinakabahan ako dahil sasama raw sina Doñia Alonsia. I expect that it's only gonna be me, Elijah and his parents.

Sa Van sasakay ang kasambahay na nagdadala ng pagkain. Dumating na ang mga Buenavista na lalaki maliban kay Don Benjamin. I kept thinking where to house them for dinner because our dining room only has limited seats.

"Young Buenavista," si Tito Caerus.

Ngumiti ako sa kanila. Sasama talaga silang lahat!

Ang Ford SUV nila ay nasa labas na. Kasunod ang puting Van at McLaren. Mama Andresa is busy with the maids, makimg sure we brought everything.

O Silent Night (Isla de Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon