Chapter 13

131K 2.7K 451
                                    

Chapter 13: Night


Tinapunan ko ng masamang tingin si Jenna. She gave me peace sign and grinned at me.

"Hindi ka man lang nag-text." puna ko.

"E, kasi 'yung unang tawag, napindot ko lang 'yon tas ang pangalawa ay may sasabihin talaga ako pero hindi ka sumagot. Nasa party kami ni Van no'n tas na misplace ko agad phone ko." paliwanag niya. "Alam mo naman na palagi kong nawawala ang cellphone, e."

"And it took you three days to text back."

Humalakhak siya ng malakas at humaklit sa aking braso. "Pasensya na, Ambegirl. Nawala na kasi sa isip ko,"

Umirap ako sa kawalan. Pabiro niya pa akong itinulak at hinampas sa braso.

"Ayaw ko rin madisturbo ang moment mo .kasama ang asawa mo, no!" umismid siya.

Unti unting sumilay sa kanyang mukha ang ngiting aso ay mas lalong lumapit sa akin. Nasa opisina kay ngayon at nagkataon na nagtatanong siya dahil nasa labas si Elijah. Nautusan ko na bumili ng cold brew dahil busy si Sharon.

"So ano na? Umamin ka na sa kanya?" pangungusisa niya.

I shrugged. "Yeah..."

Tumawa siya ng malakas. "Kaya ka glowing ngayon! Oh my God! I knew it! Magaling ba si Elijah?"

Namilog ang aking mata sa sinabi niya at naudlot ang aking pagliligpit sa lamesa. She is grinning at me widely like she discovered something worth to sell in a high value.

"Finally! Ambegirl, wow! Nakailan kayo?"

"Jenna!"

"Sus! 'Wag ka na mahiya, e." she giggled.

Umiinit lalo ang aking pisngi at umiwas ng tingin. It made me remember that hot afternoon with Elijah. Hindi ako sumagot kay Jenna dahil nahihiya ako sa sarili! I mean, how should I react?!

"I'm happy for you, Ambegirl!" she shrieked. "So, what's your plan today?"

Bumalik siya sa couch at binagsak ang sarili. Humugot ako ng malalim na hininga.

"Dad will take me and Elijah to dinner." sabi ko.

She rolled her eyes. "Is that where you will be pushed away and he'll have his second family trample on you again?"

I chuckled silently. "Baka nga."

"Ang sarap sambunutan ang mag-Inang iyan, Ambegirl. Gigil talaga ako, ang lakas ng feeling nila!"

Kumatok ng mahina sa pintuan bago ito bumukas. Pumasok si Elijah na may dalang drinks ngumiti ako at natigil din ang pinag-uusapan namin ni Jenna.

"Thanks, Elijah." Jenna smirked at me when Elijah gave her a vanilla cold brew.

Lumapit siya sa akin at binigay ang sa akin.

"Extra cream?"

Tumango ako. "Thanks,"

Humalik siya sa aking pisngi bago umupo sa extra seat na nasa tabi lang ng aking swivel chair na kinauupuan ngayon. Pinalagay niya ito kay Sharon kanina at nagulat nalang ako na pagdating dito ay may ganoon na.

"Ano ang plano mo, Ambegirl? If and only if, your Dad will..." she trailed off.

Napasimsim ako sandali sa inumin. "Fight. I have the rights."

"Dapat lang. No offense, but your Dad is not like this before. Now he's like a douche!"

"You tell me, Jen." halakhak ko. "The only thing that's constant around us is just change."

O Silent Night (Isla de Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon