Chapter 30

121K 2K 538
                                    

Chapter 30: Drug

"Hi, Ambegirl! Kamusta ka? Sobrang blooming natin, ah. Todo ang glow up mo," bungad ni Jenna pagpasok sa penthouse.

Muntik ko ng naitanong sa kanya kung saan siya sa mga nagdaan na araw. Nakalimutan ko kasing nag-text siya sa akin noon na pupunta sila ng Amanpulo ni Clyde dahil may family reunion. Ngayon ko lang naalala iyon at talagang nakalimutan ko.

"And you looked tanned." puna ko sa kanya.

Binagsak niya ang sarili niya sa aking couch. She brought a box of pasalubong and left it on the center table. Madramang suminghap siya ng hangin sa kawalan.

"So, anong drama nangyari?" pangungusisa niya.

I seated on the couch too. Mamaya pa ang dating ni Elijah kaya naghihintay lang ako na dumating si Jenna rito. At hayaan siyang magpahinga sandali.

"Dad divorced Tita Rebecca. Effective yesterday."

"What?!" gulat niyang bulyaw at napaupo ng maayos. "Are you serious?"

"Seems you have rested. Tara na, susunduin ko si Elijah. I'll tell you on the way." sabi ko at tumayong muli.

Laglag ang kanyang panga habang sinundan ako ng tingin. Gulat na gulat talaga siya at unti unting tumayo.

"Why? I mean, really?"

Tumango ako. "Many things happened, Jen."

"Oh, please. Fill me up! I need to know." atat niyang tugon.

"Sa biyahe na, susunduin ko pa nga si Elijah."

Dumaing siya at bumuntonghininga. "Of course. You will fetch your General of a husband. Wow! Ngayon lang nag-sink in sa akin, Ambegirl."

Natatawa ako sa sinabi niya at napailing. I drove using Elijah's car. The agents' SUV is behind us, still tailing me wherever I go though Donatello is off the grid for some time now.

Sinabi ko kay Jenna ang mga nangyari mula noong nakabalik kami galing sa Isla de Vista. Of course, minus the very private and intimate moments with Elijah. Buong biyahe, iyon ang pinapahayag ko sa kanya hanggang dumating sa punto nang pangyayari kahapon sa mansyon.

"Oh my God. Fifteen million! That's a fortune. Pero mabuti naman may konting tamang pag-iisip." halakhak niya. "So you're Dad is single single,"

"Yeah."

Tumawa siya. "What if may third Mommy ka?"

"Ew!" I made a disgusting face.

Mas lalong tumawa siya. "Hoy, hindi mo mapipigilan ang Daddy mo. He's got good looks, thick wallet. Appealing kaya iyon sa mga babae. Single Moms ulit or sugar baby!"

"Jenna! Oh God! You're disgusting," pandidiri kong sabi.

She laughed so hard and I glared at her before going inside the fences of the military base. Sumaludo pa ang mga sundalo na tagabantay ng gate habang dumaan kami. They know this is Elijah's car and I'm driving it.

Nahinto ang tawa at panunukso ni Jenna nang pinarada ko nang sasakyan. I scanned my eyes before going out. Wala pa naman ang chopper na sinasakyan ni Elijah. Maybe we're here too early.

"So, ito ang military base?" medyo kabadong tanong ni Jenna. "Oh, that's a lot of gun."

Lumapit sa akin si Jude. "Young Madame, malapit na po si Young General. Mas mabuting sa opisina niya lang po kayo maghihintay."

Umiling ako. "I'll just wait here, outside. Ilang oras pa ba?"

"Ten minutes or less po,"

I nodded. "Jenna and I will just walk around. Pupunta kami sa may helipad kung in bound na si Elijah."

O Silent Night (Isla de Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon