Chapter 9

130K 3.1K 579
                                    

Chapter 9: Dark side


"Ang ganda mo talaga," bulong niya Elijah sa aking tainga bago pumatak ang halik doon.

Nasa loob na kami ng sasakyan, tutulak na patungo sa kanilang pamamahay. Medyo natagalan pa nga ako dahil nagdadalawang isip ako sa susuotin. I want to be formal and nice, presentable, kaya hindi naging madali ang pagpipili.

I smiled widely. "Thanks,"

He grinned and started the car, turning it around and we're slowly moving away. He looked naturally handsome in his blue patched polo shirt, white pants and shoes. Effortless ang dating niya habang ito ako, todo handa sa sarili.

Sa huli, sinuot ko ang dalang formal two piece dress. Nude ruched mesh crop top na may sweetheart neckline at ang pair nito na body fit ruched mesh skirt. Hinuhulma ng damit ang hubog ng aking katawan. I have quite a voluptuous boobs and butt, kahit petite ako, and it was defined in my clothing.

Dahil disenyo ng aking damit na crop top ito, nakikita ang maliit na parte ng aking tiyan. Hinayaan ko ang aking hanggang balikat na buhok na bumuhayhay lamang sa likod. I even added Egyptian styled necklace and thin hanging earrings in all gold.

Mahina ngunit tuloy tuloy ang tahip ng aking dibdib habang napatingin sa daan na tinatahak namin. Nasa aking kandungan ang regalo. Hindi pa naman nalalanta ang mga bulaklak, they are long lasting because of the green sponge added underneath.

"Will they like this?" tanong ko nang malapit na kaming lumiko sa eskinita nila.

He smiled at me reassuringly. "Of course."

"Okay..." I muttered nervously.

Pribadong ang eskinita nila. May kaonting bahay sa malapit sa eskinita ngunit nang pumasok na kami, wala ng mga bahay. Sementado naman ang daan at may isang daanan sa kaliwa patungo sa isang bahay na malaki rin.

Tinatahak pa namin ang sementadong daan hanggang nakikita namin ang isang engrande at puting mansyon. They have a bar fence and the gates are advanced, it immediately opened when Elijah's car drew near.

White, modern and old architecture are mixed together in the luxurious mansion. Sa labas pa lang at sa malayo pa lang, humahanga na ako. From outside and basing from the big glass windows, I can assume that this is a three storey mansion. The house is very white like you cannot see a single dirt on it and the lawn is very green.

May dalawang lane sa sementadong daan patungo sa mansion. Sa bawat gilid ng lane, naroon ang nakaudyok na fence-like lamp posts. They have landscapes on both sides and the famous naked Cupid is there on the top of the luxurious fountain. May dalawang hardinero akong nakita na nag-aalaga sa mga halaman at tanim na bulaklak na mas lalong nagpapatingkayad sa ganda ng lugar. On the far end, before we reach the mansion, there is a circular pavement with a big green bushes of flowers in it and a moonlight lamppost with something carved on it, standing proud, like a family crest.

Sa kaliwang bahagi ng mansion, bago pa sa mismong mansion, may nakalinyang kulay shades of gray na brick wall na may solar paneled bulb lights na hindi pa binubuhay. There's a landscape of bermuda grass below the brick wall. May limang hagdanan patungo sa malaking pintuan nila na gawa ng matigas na kahoy.

Mahaba ang mansion nila, sa kaliwang bahagi rin, may pathway ng sasakyan na hudyat doon nilalagay ang kanilang magagarang sasakyan.

Huminto kami at pinarada ni Elijah ang sasakyan niya rito sa nakabilog na pavement na may car parking space naman. Kinakabahan ako ngunit inaaliw ko lang ang sarili sa magandang paligid.

Unang bumaba si Elijah at pinagbuksan ako ng pinto. Humugot ako ng malalim na hininga bago lumabas. He squeezed our intertwined hands as we move along.

O Silent Night (Isla de Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon