Chapter 6

138K 3.1K 1K
                                    

Chapter 6: His world

"Amber! Let's go," katok ni Jenna sa aking pintuan.

Binuksan ko ito. Nakangising tumambad ang kanilang mga mukha sa akin. Nakasuot na rin sila ng bikini sa ilalim ng see-through nilang damit.

"Hi, Elijah! Good morning. Maayos ba tulog mo sa bisig ng kaibigan ko?" hagikhik ni Jenna.

Tinapunan ko siya ng tingin at lumabas sa kwarto. Sinirado iyon ni Elijah at sumunod sa amin.

Kahapon, sa restaurant ng resort kami kumakain ng hapunan. Doon ko napakilala si Elijah. I was about to introduce him as my boyfriend but the boys saw the rings on my finger. Napaamin ako na siyang madramang nireact-tan nila Vanessa.

That night, Nathan was just silent. Alam ng lahat ang panliligaw ni Nathan sa akin at wala namang may ganang magsimulang magbiro roon. I'm glad they didn't stick their noses about it.

We spent a lot of time catching up with our lives last night. At ngayon, we're going island hopping. Sa yacht nakahanda ang breakfast kaya maaga kaming pumanhik.

"You're okay?" mahina kong tanong kay Elijah.

Tumango naman siya pero napatingin sa aking katawan ang mata niya. Bumaling nalang ulit ako sa dinadaan namin patungo sa yate. Mahaba ang daungan doon sa malayo at nasa kaliwang parte ng ito ng resort.

I wore my sunglasses to protect my eyes from the sun. Lumalayo na kami sa mismong resort at nasa bawat gilid nakalinya ang mga punong niyog at mga matataas na palmera.

"Ay!"

Natisod ako bigla. Elijah is so quick to hold me around my stomach.

"Uy, ayos lang kayo d'yan?" tanong ni Jenna na nakalayo na sa amin.

Nag-thumbs up ako habang nakatingin sa aking paa. Elijah took the stone that I failed notice and threw it somewhere.

"Masakit?" banayad niyang tanong.

Umiling ako. "Tara na,"

"Wait. Lemme check."

Yumuko siya at binitawan ang aking kamay. Ngumuso ako ng bahagya.

"I'm really fine, Eli." I softly said.

Hinaplos ng kanyang kamay ang aking paa. Medyo namumula ito pero wala namang sugat.

"See?" I proudly said.

He wetted his lips and took my hand again. Tinagilid ko ang aking ulo sa kanya. He is silent when there are other people around us but I feel like he is more silent since yesterday that I had a talk with Nathan.

Wala naman din siyang tinatanong tungkol doon. Pagbalik ko sa kwarto noong natapos ang pag-uusap namin ni Jenna, nakadapa lang siya sa higaan. I thought he was asleep so I just left him in the room to join my classmates. Binalikan ko lang siya nang maaga kaming maghahapunan.

Panay ang tingin ko sa kanya habang naglalakad. I tugged his hand on mine and I got his attention. Bumalik sa akin ang sinabi ni Jenna kahapon. Ngumuso ako. I think I know the answer, e. Or I'm not sure.

"Are... Are we okay?" maingat kong tanong.

Kumunot ang noo niya. "Oo, bakit naman hindi?"

I bit a small portion of my lower lip.

"You weren't talking to me like usual," I muttered.

"Ayaw kong makaabala sa inyo ng mga kaibigan mo," aniya. "Naghintay lang ako na kakausapin mo ako kapag free ka na."

"I thought you weren't talking to me because of Nathan." mahina kong sambit.

Umiba ang ekspresyon niya at gumalaw ang panga. "That too."

O Silent Night (Isla de Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon