Chapter 24

124K 2.3K 346
                                    

Chapter 24: Together


Kinagat ako ang aking pang-ibabang labi habang nag-iisip kung pupuntahan siya. Tila nangangati ang aking paa na umalis ng bahay. Nang pumasok sila Tatay, mabilis akong tumayo.

"Saan ka pupunta, apo?" kunot noo na tanong nila.

I can't bear it anymore. I need to reveal my answer. Gusto kong makita si Elijah. Ilang araw ko ng kinokontra at iniignora ang sarili ngunit ito na ang pagkakataon.

"Pupuntahan ko po si Elijah." walang preno kong sinabi.

Napangiti si Nanay sa akin at si Tatay lang ang nagsasalita. "Ingatan ninyo ang sarili ninyo,"

Tumango ako sa bilin niya at dumiretso palabas ng bahay. Mabilis ang aking lakad patungo ng eskinita at naghintay ng dumadaan na traysikel.

Isusugal ko 'to. Tinago niya sa akin ang totoo niyang pagkatao. Young General. Kinikilabutan ako. Nakakatakot ang posisyon. Natatatakot ako pero mahal ko siya. Iyon ang totoo na hindi tinatanggi. Nasaktan ako sa pagtago niya sa katotohanan pero kahit tinatanggi ko, ramdam ko na totoong mahal niya ako.

Habang nakasakay ako ng traysikel patungo ng Vista Manor, binabalikan ko ang mga panahon na puro kasiyahan lang ang aming nararanasan. We cuddle, we kiss, we make love, we cook together, we sleep in each other's arms and we laugh together. I want those times.

Kung sa lakad kong ito ay hindi na niya ako tatanggapin ulit. Given how cold I was to him, I pushed him away, I ran away from him, I will accept my fate. Sabi ko nga hindi perpekto ang aking desisyon. Nagawa kong lumayo sa kanya dahil iyon ang sa tingin ko ay tamang gawin para maisalba ang sarili sa sakit. At ngayon na naliliwanagan na ako, I noticed those small conversations when he gives a hint that he is hiding something.

Ngayon ko napagtanto na gusto niyang sabihin iyon ngunit nauunahan din ng takot. At ako naman ay pinangungunahan ng emosyon kaya hindi iyon nakikita agad. I am setting Elijah free but what if I am his freedom?

Siya ang tinitibok ng aking puso. Umiinit ang aking puso ng isipin na malapit ko na siyang makita. Aaminin na kinakabahan ako. I don't know if he is still willing to talk to me after yesterday. Iniiwasan niya ako at hindi na nagtext. But I'll try this.

"Kaano-ano mo ang mga Buenavista, hija?" biglaang tanong ng traysikel drayber.

Siya ang nagpukaw sa akin pabalik sa realidad. Kumurap ako ng dalawang beses bago naghanap ng maisasagot. My cheeks suddenly flushed a bit.

"Asawa ko po ang isang apo ni Don Benjamin." marahan kong tugon.

Napatingin tuloy siya sa akin at bahagyang gulat.

"Hala. E, bakit ka nagta-traysikel lang? Ang dami naman ng kotse ninyo." gulantang niyang sabi.

Ayaw ko namang sabihin ang totoong dahilan at baka kakalat pa iyon sa bayan. Mahirap na.

"Uh, ayos lang naman po na mag-traysikel. Hindi nakakakuha ng atensyon." tanging palusot ko.

"Sino sa anim na binata ang asawa mo, hija?"

"Elijah Buenavista."

Bumaling ulit siya sa akin at tumango tila namamangha. "Ang misterosong anak ni Eros. Ay, nandito na tayo."

Inabot ko ang bayad sa kanya tsaka ngumiti. "Salamat po,"

Lumalakas ang tibok ng aking puso lalo nang biglaang bumukas ang gate sa mismo pagtapat ko nito. Napahawak ako sa aking dibdib at pumasok na. Doon ko napagtanto kung gaano ako mabilis na nakarating dito at sa sobrang atat, pati cellphone ko ay naiwan ko. Mabuti at may isang daan ako sa bulsa, limang tig-bebente, sukli ko noong nakaraan.

O Silent Night (Isla de Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon