Chapter 18

100K 2K 139
                                    

Chapter 18: Ransom



Bakit?

Iyan ang unang pumasok sa aking isipan nang nagising ako. Isang palatanong na salita na maraming nakapaloob nito. I thought I saw Elijah before I lost my senses, before I blacked out.

Gulong gulo ako. Bakit ako kinidnap nila? Bakit ito nangyari? Anong pakulo ito?

Nagising ako at may tali ang aking mga kamay at mga paa. I found myself on the cold dirty floor with a few dried leaves around. Tila isang selda ang kinaroroonan ko ngayon madilim ngunit may isang bintana na maliit doon sa ibabaw. Walang ibang kagamitan na nandito kundi bakante lamang.

I don't know how long was I out but I'm feeling hungry. Kung kanina umaga ay kayang kaya ko galawin ang katawan sa kabila ng mga pasa, ngayon tila binabali ang aking mga buto. It might be because of the dump truck crashing our car and someone forcefully pulled me into that red car.

Napalinga linga ako. Wala akong nakita na tao. Katahimikan lang ang bumabalot sa akin. Mahina ang tibok ng aking puso at naramdaman ko ulit ang lamig ng katawan. I remember I was holding my phone that time but it isn't with me now. Hindi ko rin makuha ang aking kamay dahil mahigpit itong nakatali sa aking likod.

"Elijah..." I mumbled.

Kinagat ko ang aking labi. Gusto ko siyang makita. Naiiyak ako dahil na rin sa takot. I am processing how my driver, the one I thought to be an ordinary person, turns out to be having a gun under his coat and he is... what? Agent 23? What does that even means?!

Umigtad ako nang marinig ang lumalapit na yapak tila bumaba ng hagdanan. Napasiksik ako sa dingding at kinuyom ang mga kamao sa likod. Dumadami ang mga yapak na iyon hanggang narinig ko ang pagbukas ng selda. 

From the dark, a tall, middle aged man stood up with people behind him. Apat na lalaki ang naroon sa tabi niya tila mga bantay na namukhaan ko agad sila. They are the ones on the other black van!

Kinain ako ng takot nang humakbang ang matandang lalaki na hula ko ay ang lider nila. He smiled which creeps my system and I want to run but I can't, under any circumstances, I can't run.

"My men were harsh, sorry for that." aniya.

I clenched my fist more. Ayaw kong magsalita. I don't know this guy or what he wants from me. And I'm not gonna let him have it.

He bended down, scanning the rope on my hands and feet. Mahigpit iyon kaya nagmamarka lalo na kahit maliit lang ang galaw ko.

"Kailangan kang itali nila. For safety purposes," he grinned. "Do you like your new room?"

He laughed and scanned the dirty place. Hindi pa rin ako umiimik. Natatakot ako. Gusto kong sumigaw ngunit alam kong wala iyong silbi.

"Well, it's not as comfy as the mattress with your husband, but this will do."

Hindi ko napigilang kumunot ang aking noo sa binanggit niya. He knew me. He knew I have a husband. Kinakabahan ako. Anong gagawin n'ya?

"Oh, sorry for the delay. Let me introduce myself, hija. I'm Donatello Buenavista," nakangising sabi niya at naglahad ng kamay. "You can't shake my hand. My bad."

Tumalbog ang aking puso sa sinabi niya. Kumunot ang aking noo at naging kuryoso. He is a Buenavista! At bakit niya ako kinuha at dinala rito?

"Boss, may attack sa East Coast." sabi noong isang lalaki.

Tumayo agad ito at napawi ang ngiti sa labi. He nodded at the man and two of his men went out. Bumaling siya sa akin muli at nagsitayuan ang aking mga balahibo.

O Silent Night (Isla de Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon