Chapter 31

115K 1.9K 256
                                    

Chapter 31: Childhood


"Okay ka na?" tanong ko.

Marahan siyang tumango at may ngisi na sumilay sa labi niya kaya kinirot ko sa tainga. Natatawang dumaing siya at medyo malamyos na may paos pa ang boses.

"Bakit ka ba uminom ng wine na may ganoon? Can't you distinguish it? You're a soldier!" pagalit kong sinabi.

Ngumuso siya sa akin, nagpapa-cute kuno para hindi mapagalitan. Umirap ako sa kawalan.

"Inimbita nila tayo sa dinner bago pupuntang Ruins. Hinintay kitang dumating para sabay tayong kumain kaya sumimsim lang ako ng wine." banayad niyang paliwanag.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "You should know there's something wrong with the wine! Paano kapag hindi ka umuwi agad? Paano kung doon ka nang-iinit, ah?"

Sumilay ang multong ngiti sa kanyang labi ngunit agad namang nawala siguro nagmamalik mata lang ako.

"Well, I came home before it happened. Kahit naman nang-iinit ako roon, hindi ko hahayaang samantalahin ako ng ibang tao. I can still fight," mahina niyang tugon.

"And if not? Because you're too drugged to even move?"

"Steven was there, he knows I'm loyal to you. Probably he'll drive me home or call you,"

Umirap ulit ako sa iritasyon. "Sino ba'ng naroon? Who wants to drug you to take advantage of you?"

Sinubsob niya ang sarili niya sa aking dibdib. Nakatayo kasi ako ngayon sa gilid ng higaan at siya naman ang nakaupo sa kama. I am now standing in the middle of his thighs because he pulled me closer.

"You're cute when you're mad, baby. It makes me happy." bulong niya nang inangat muli ang tingin sa akin.

Kumunot muli ang aking noo, hindi nagpapadala sa paglalambing niya tsaka sa pamumungay ng mga mata.

"Who were there?" tanong ko.

"The four people you met in the office with a bunch of my highschool friends, Johnny, Theodore, Kenny, Seth, Kristelle, Madaline--"

"Who's Madaline? Addison mentioned her kanina. It has something to do with Madaline's sister that's your ex or something."

"What?! No!" agap niya.

Kumunot na rin ang kanyang noo habang nakatingala sa akin. Umiiling siya sa akin at tila nananantya ang tingin.

"Madaline is Francine's older sister. Hindi ko naging kasintahan si Francine. You knew she liked me but I don't feel the same way. Not to any girl," aniya.

Nananatiling kunot ang aking noo. "Anong regalo ang binigay ni Francine, kung ganoon? Regalo na hanggang ngayon tinatago mo?"

He looked confused. "What gift?"

"Ewan ko, kaya nga ako nagtanong, 'di ba?"

"Sinong nagsabi sa'yo n'yan? Si Addison?"

Tumango ako. "The girl who said you would lose your face because you have clingy wife. Yeah."

Hinigpitan niya ang yakap sa aking katawan. "I'm the clingy one. You always try to push me away, to work."

"Because you have responsibilities," mataman kong puna.

He sighed softly. "Baby, maybe the gift they said was that of during highschool. I don't remember receiving a gift from Francine but someone gave me a box of chocolates and a handmade vest."

"Tinatago mo pa rin hanggang ngayon?" taas kilay kong tanong.

Umiling siya ng marahan. "Hindi naman ako tumatanggap ng regalo sa mga babae. Isosoli ko sana pero naiwan ko noon sa classroom kaya pagbalik ko wala na roon."

O Silent Night (Isla de Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon