Chapter 22

109K 2.2K 1.3K
                                    

Chapter 22: Young General


"Ambegirl, calm down... "

"Get out of my way. " malamig kong sabi.

Umiling siya. "Hindi ko inakala na ganito ka mag-rereact. I understand you're hurting but let's be rational. Siguradong may sapat na pali--"

She is blocking my door, preventing me from going out so I cut her off.

"I'm sure he do. Move."

Hindi ako sigurado kung ano 'yung nasa mga mata niya. Was it pity? But I'm too hurting to pinpoint all of that. Tumigil ang aking luha sa pagtulo ngunit may nagbabadya pa rin sa aking mata.

Umalis siya sa pagkaharang. Agad akong naglakad paalis at para makauwi. I hanged up the phone with Elijah earlier. Gustong tingnan niya ako sa mata habang sinasaktan sa katotohanan.

Hindi ko pinansin si Sharon na may sinasabi kaya diretso ang aking lakad. Jenna is following me and I let her. Mike immediately opened the door for me when we got there in the parking.

I scoffed in my head. All along these men are working for him. They are obeying under Elijah's rules and I was the only one who's unable to see the real deal.

Kaya pala hindi nila masabi, kaya pala ganoon ang reaksyon ni Donatello. Lahat ay nagtugma sa aking isipan. Sobrang napakabulag ko!

Every step I take towards our door makes me vulnerable even more. Naiiyak ako, nagbabadya na ulit ang luha ngunit pinigilan ko. I strode inside our home and Jenna followed me.

Tila bumagsak ang aking puso ng maraming beses nang makitang nasa living room si Elijah. He immediately stood up when he saw me and his eyes were glassy and in pain.

"Baby..." paos niyang pasiuna.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan upang hindi makalapit sa kanya. My throat run dry so as my lips. I just can't control my emotions of being hurt by the sight of him.

"Sa labas lang ako," si Jenna at bumalik sa labas.

Tumulo ang aking luha ng hindi na kayang pigilan. Umawang ang kanyang labi habang nakatingin sa akin. I clenched my fist at the file report that I'm holding.

"Come here please..." he almost begged.

I shook my head and threw the papers at him. Bumagsak ito sa sahig at kahit hindi niya man titingnan, alam kong alam niya ang nakapaloob sa mga papel.

Bigo siyang umiling. His eyes were bloodshot and he took a step forward but I stepped back causing him to flinch a bit.

"Don't crowd me." malamig kong saad.

Mabuti at hindi pa nauutal at nanginginig ang aking boses. Bigo siyang napailing at nagtiim ng bagang. I stared at his face. He is Elijah but since I heard what he is and seen his military pictures, I can't picture him out as my innocent, gentle and cozy dummy husband.

"You knew..." he whispered.

Humugot ako ng malalim na hininga. Mapait akong ngumiti sa kanya. Ang sakit sa puso ko. And I nodded at what he said.

"Was it fun? Was it fun deceiving me?" my tone is laced with bitterness and hurt.

Agad siyang umiling. "No, I'm not deceiving you."

"I'm so blind. Ang tanga ko! Hindi kita pinagdududahan kasi malaki ang tiwala ko sa'yo, Eli. I always had the instincts but I never listened to it." medyo mariin kong sinabi.

"Baby, wala akong balak na saktan ka ng ganito," mahinahon niyang sinabi.

I scoffed. "Is that all you can say?"

O Silent Night (Isla de Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon