Chapter 34

115K 2.1K 230
                                    

Chapter 34: Against Odds

Jenna:

I heard what happened yesterday. Nasa news pa din nitong umaga, Ambegirl. Ayos lang Daddy mo?

Jenna:

Dumaan kami ni Clyde sa unit ninyo, walang tao. Nasa mansyon ka ba?

Vanessa:

Hoy, anong nangyari?

Belle:

We all saw the news, Amber. Buti nalang wala ang Daddy mo sa loob ng SUV. Be safe, girl!

Heather:

Ingat kayo, Amber. Huwag mong bitawan kamay ng Mister mo baka ikaw na naman ang susugudin ng mga taong kakompetensya sa negosyo.

Pagkatapos ko naligo, tsaka ko napansin ang mensahe nila. Hindi ko ito natingnan kagabi dahil nag-charge rin naman. Elijah even has four texts about his whereabouts yesterday. I replied a positive message back to the four girls before throwing myself into a comfortable outfit.

I wore a wisteria colored A-line dress with a shirred drawstring front. It fits my body well and it has a bell sleeves. Nasa tuktok ng aking balikat ang bawat pagsabit ng sleeve, hindi naman siya off shoulder kundi ganoon lang talaga ang disenyo. Pinares ko rito ang aking puting sneakers. Elijah is talking to his men downstairs kaya nauna na akong naligo.

After I got dressed up, I dried and combed my hair then went out of the room. Nakahanda na ng agahan sa kusina. Si Daddy ay hindi pa raw bumaba, nasa opisina kausap ang kaibigan niya na maagang bumisita.

I brew a black coffee for Elijah and helped get the table set for breakfast. Marinig ko ang mga boses na papalapit sa kusina hudyat na bumaba na si Daddy.

Bumungad sa bulwagan ng kusina si Daddy at ang matalik niyang kaibigan na si Tito Peter.

"Amber, oh, hija. Wow, you look exquisite." nakangiting bati ni Tito.

Lumapit ako at nagmano sa kanya. "Hello, Tito. Happy to meet your acquaintance again."

Humalakhak siya. "Magandang dalaga talaga itong anak mo, Dave. Kung hindi mo pinakasal sa isang Buenavista, irereto ko sa anak ko."

"Oh, she is picky, my friend." natatawang sabi ni Daddy.

Bahagyang ngumiwi ako sa usapan nila. "Mag-breakfast po muna tayo,"

Giniya sila si Manang Rose patungo sa lamesa habang naglapag ako sa kape ni Daddy at ni Tito Peter.

"Angel, pakitawag kay Elijah. Mag-almusal na kung tapos na siya roon," pakiusap ko sa kasambahay.

"Okay po."

Umupo na ako sa aking silya. Si Daddy ay nasa gitna, si Tito Peter ay nasa upuan na nasa kanan, kaharap ng upuan ni Elijah.

"Uh, Dad, we're leaving today," mahina kong pasiuna.

Tumango siya. "Yes, hija. Elijah told me this morning."

Bahagyang hindi ko iyon inaasahan. "Oh, okay..."

"You two better be careful." seryosong sabi ni Daddy.

Pumasok na si Elijah sa kusina. He is fresh out from the shower now. His hair is a bit damp. Suot niya ang itim niyang shirt at itim na pants. He strode towards my side. Talagang humalik pa siya sa tuktok ng aking ulo bago umupo.

"So, he is a soldier. A what exactly, Dave?" si Tito Peter.

Magarang humalakhak si Daddy. Elijah silently sipped on his coffee. Nagpasya na lang akong maglagay ng kanin sa sariling pinggan at ulam.

O Silent Night (Isla de Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon