Chapter 20

131K 2.5K 444
                                    

Chapter 20: Deserve

Tumambad ang matipunong katawan ni Elijah sa akin paggising ko. My right hand is still on my back because it still have the IV drip. Nakapulupot sa aking katawan ang mabigat niyang braso sa akin.

Gumalaw ako ng gumalaw rin siya. Umangat ang aking tingin at natagpuan na gising din pala siya. Hindi ko napigilan na ngumisi ng malapad dahil sa mukha niya. He is still looking worried and staring at me like I'm a fragile glass.

"Hi, baby. You feeling better?" malamyos niyang tanong.

Tumango ako habang pinatakan niya na halik ang aking noo bago niyakap ng maayos tila ayaw akong pakawalan.

"I'm fine. How about you? Why were you there? You scared me." banayad kong bulong.

"Natakot din ako." paos niyang tugon. "Natakot ako ng dalawang gabi kitang hindi nakita. I'm scared to death."

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi nang naalala ang sinabi ni Jenna kanina.

"How are you holding up when I wasn't around?" malamyos kong tanong.

"Trying." paos niyang sambit.

My heart felt the pull of pain.

"Couldn't sleep just to find a way to get you back."

"Ow, my man-child," I pursed my lips. "I didn't know you can held a gun nor fire it."

"There's a lot of things that you don't know. I'm afraid to say it." namamaos niya pa rin tugon.

Inangat ko ang aking kamay sa kanyang pisngi. It felt so good to be able to be in his arms again. To feel him. Hinayaan niyang lumapat ang kamay ko sa panga niya at paminsan siyang hinagod ng mga daliri.

"Why?" marahan kong sinabi.

"Bad things happen." aniya.

"Donatello Buenavista, he is your Tito? He told me he hated Papa Eros' family. I think that's why he kidnapped me because he knew I married to one of Eros' sons."

By the mention of that name, he clenched his jaw tightly. Dumaan sa kanyang mata at mukha, in general, ang galit niyang kinikimkim. Hinaplos ko siya ng marahan at unti unti naman epektibo iyon. He calmed down his intensified clenched jaw.

"Can you tell me what happened to you when... when he fucking held you captive?" mariin at namamaos niyang saad.

Napalunok ako ng mahina. Pumungay ang mga mata niya, nakalulusaw ang tingin na na may bahid ng takot. Ngumuso ako at binaba ang aking kamay sa kanyang dibdib. Sa dinami daming tanong ko, isinisintabi ko muna lahat ng iyon.

"Pagkatapos akong dinukot, nagising ako sa malamig at madilim na selda. And he came, he introduced himself, full mockery, but he didn't told me his intentions at first. He left me there until I fell asleep due to hunger and pain." mahina kong pasiuna.

I felt his body tensed and when I raised my head again, he is clenching his jaw once again. So I continued.

"The next day a girl came, 'yung sinabi ko sa'yo na nakita ko sa mansyon ng mga Gomez. Siya. I met her, she's like a slave there. I made her eat the food intended for me because she's about to collapse too. Pag-alis niya, naghanap ako ng paraan para makatakas. I saw a rusty knife and used it to free myself. And that's when I run outside the house and they were chasing me, looking for me."

"Sinaktan ka nila?" madilim niyang agap.

Umiling ako. "Hindi nila ako nahanap. I spent the night in the woods and slept under a bush. Doon ko nakuha ang mga maliliit na sugat, pagtakas ko."

O Silent Night (Isla de Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon