Lumingon ako kay Grace at binigyan ko siya ng "Anong meron?!" na tingin. Nagkibit balikat na lang siya at nagsabi ng "'Di ko alam, teh!"
May mali ba sa suot ko? O masyado lang akong excited tapos day off ko pala dapat ngayon? Saklap!
Sumunod na ako sa office ni Sir. Hindi kami nakikita sa pwesto ni Grace kasi blurry na 'yung glass sa pwesto niya.
Sinara ko na ung pinto. Medyo tense ako pero di ko ipapahalata. Aguilar ata ako noh?! 'Di ako magpapatalo.
"What do you need, Sir Damon?" sabi ko in a professional voice. Maintain pa rin ang poise ko kahit nervous.
"Please take a seat, Serena. I want to have some friendly talk with you, if that's okay?" sabi ni Sir habang nakaturo ang palad sa upuan sa right side ng table niya. Dumerecho na ako roon at umupo. Naupo na rin si Sir Damon sa swivel chair niya.
"No sir. It's okay. I don't mind," I replied with a smile.
"From what I've read sa resume mo, graduate ka ng Summa Cum Laude sa California. I'm very impressed about that. But then, how come you chose to work as a secretary, eh ang taas ng degree mo?" Tanong ni Sir sakin while looking at me, confused.
"Ganito po kasi, Sir. I know I have a high degree and I am proud of that. I don't want to take advantage of it that's why I chose a job that will make me look like just a normal employee and not a Summa Cum Laude from UCB," I answered politely.
"Oh, okay. Another thing... ikaw ang unica hija ng mga Aguilar, meaning you are their heiress. Why didn't you choose RED over Henry Enterprises?"
"Eh kasi po ganito rin, Sir. I don't want to take advantage sa company namin. I've worked there before as a secretary and as a normal employee. Pero 'di pa din mawala 'yung awkwardness dahil alam ng lahat na anak ako ng may-ari at kapatid ko ang CEO," sagot ko.
"How good of you, Miss Aguilar. I'm glad to have you in my company. How old are you, by the way?"
"23, Sir. And kung itatanong niyo po kung single ako, yes po. And ready to mingle na din," biro ko at tumawa nang mahina. Natawa naman si Sir Damon sa akin. Infairness, napatawa ko siya!
"What a smart mouth, Serena," sabi ni Damon with a low, sexy voice.
"Thank you, Sir. If you don't mind me asking, how old are you, Sir?" ako naman ang nagtanong.
"I'm 27. Why?"
Nagulat na lang ako. 27?! CEO ng kumpanya ng 27 pa lang?!
"Seriously, Sir? You're very young to manage a company, huh?"
He chuckled. "I know. But I am capable of doing it anyway."
I shrugged na lang. May point siya. "Uhmm... sir? Are we done here?" tanong ko. Gusto ko nang lumabas eh, 12 noon na kasi. Lunch time na kaya!
"Yeah, we're done. But if you don't mind... care to join me for lunch? I know that you're already hungry. Kanina ka pa daw na 8AM nandito. I like punctual employees," sabi ni Sir.
Lunch daw, Serena. Lunch lang 'to. Go na! Ililibre ka niya.
"Okay, sir. Your treat?" sabi ko na may halong biro sa tono. He laughed out loud. Pangalawa na 'to na napatawa ko siya.
"Of course. I don't like women paying for me especially on dates," Nagulat naman ako roon. Date kaagad? 'Di na ko nag-react. Lumabas na ako ng office niya with him at my back. Kinuha ko na rin 'yung bag ko.
"Let's go?" aya ni Sir.
Tumango na ako at sumunod sa kanya. Napatingin sakin sa Grace at binigyan ako ng "WHAT HAPPENED?!" na tingin. I mouthed, "KWENTO KO MAMAYA!"
Sabay kaming nag-abang ni Sir ng elevator. Pagpasok namin... I felt this unfamiliar feeling between the two of us. Para bang hinihila kami towards each other? Napatingin ako kay Sir at nakita kong nakatingin siya sa akin.
Yumuko na lang ako at umiling. Wala lang 'yon, Serena Yvonne. Ignore mo lang!
"Oh God..." bulong ko. Narinig ata ako ni Sir dahil napatawa siya nang mahina.
Buti na lang at bumukas na ang elevator door sa ground floor. Narinig ko pa si Sir na nagsabi ng "What's with elevators?"
Ano nga ba?
**
BINABASA MO ANG
His Naughty Proposal [COMPLETE]
RomanceThis is not your typical love story. Anong gagawin mo kung iibig ka sa isang tao na hindi marunong magmahal? At ang meron lang kayo ay isang proposal? Papayag ka ba? 2013 © g_imnida All Rights Reserved DISCLAIMER: All of my stories are purely fictio...