The past week has ended, and it's already Wednesday. Pero kahit nag-end na ang nakaraang linggo, hindi pa rin natapos ang pagpapadala sa akin ng sulat ng tao na 'yon. Nakatanggap ako ng apat na sulat. Ipinadala yung isa sa condo, yung isa sa office, yung isa inipit sa wiper ng kotse ni Damon, at yung isa naman ay sa text na sinend. I know, it's really creepy. Hindi na ako mapakali, pati na din si Damon, pero hindi niya yon pinapahalata.
Inire-report namin sa police sa tuwing nakakatanggap ako ng sulat. Itinatago naman nila yon as evidence. Finorward ko ung text sa kanila, pati na rin ung number na ginamit. Hindi nila matawagan o ma-trace ung number. Napakatalino ng tao na 'to. Feeling ko nga, baka bigla na lang siyang lumitaw sa harapan ko at patayin ako e.
Sa kabilang banda naman ng buhay ko, naging mabenta na kaagad ang Au Revoir. Nalaman ng press na sa akin nanggaling ang pangalan na 'yon, kaya nakatanggap ako ng iilang interview tungkol sa kung bakit yon ang napili kong pangalan. Syempre, sinabi ko ung sagot ko kay Mr. Ventura noon. Mabuti nga at hindi ako nakakatanggap ng mga iba pang invitation maliban sa interview. Hindi ko rin kasi maintindihan kung ba't nila kailangang isali ako dito, eh ako lang naman ung nagpangalan! Di naman ako yung may-ari or whatever. Minsan naiinis na din ako, pero hinahayaan ko na lang sila. Kahit naman sabihin ko na tigilan ako, di naman sila tumitigil. So why even bother?
Si Damon... he's still Damon. Gwapo pa rin, still insatiable. Syempre nung Sunday, ang araw na nag-end ang period ko, he was all over me. Excited na excited ang loko. As usual, may nangyari sa amin nun. Ikaw ba naman, i-deprive ka ng halos limang araw!
As of now, we're at work. Ito na naman ung panahon kung saan wala akong ginagawa dito sa desk ko kundi magpalipas oras at makinig ng music. Ngayon, kasalukuyang tumutugtog ang favorite kong kanta. I Love The Way You Love Me by Boyzone. Fan na fan talaga nila ako, lalo na ni Ronan Keating!
I like the feel of your name on my lips
And I like the sound of your sweet gentle kiss
The way that your fingers run through my hair
And how your scent lingers even when you're not there
And I like the way your eyes dance when you laugh
And how you enjoy your two-hour bath
And how you've convinced me to dance in the rain
With everyone watching like we were insane
Hay, kinikilig talaga ako sa kantang ito. Para kasing sinasabi ng singer ang mga bagay na gusto niya doon sa babae, at dahil doon kaya niya yon mahal. Nakakamatay sa sobrang kilig ang Boyzone. Isa sila sa mga favorite boybands ko, kasama na ang Westlife doon.
But I love the way you love me
Strong and wild, slow and easy
Heart and soul so completely
I love the way you love me
Sakto naman at nakita kong papunta si Damon dito sa desk ko. Ooooh, ano kayang meron at naandito siya? Tapos naman na kami maglunch... baka gusto niya na ng merienda? Snack? Kape? Hindi ko na pinause ung music, instead hininaan ko lang ung volume. Kaya parang habang naglalakad si Damon, may background song siya. Aysus, baliw na baliw talaga ako sa kanya diba?
"Hello, baby." Bati ni Damon sakin sabay halik sa labi ko. "Hello yourself."
And I like the sound of old R 'n' B
And you roll your eyes when I'm slightly off key
And I like the innocent way that you cry
At sappy old movies you've seen thousands of timesI saw him smirk. "Anong ginagawa mo dito?"
"I have a surprise for you."
BINABASA MO ANG
His Naughty Proposal [COMPLETE]
RomanceThis is not your typical love story. Anong gagawin mo kung iibig ka sa isang tao na hindi marunong magmahal? At ang meron lang kayo ay isang proposal? Papayag ka ba? 2013 © g_imnida All Rights Reserved DISCLAIMER: All of my stories are purely fictio...