42 - Cheesy.

47.5K 523 34
                                    

Siguro mga 45 minutes nawala si Damon para bilhin ung mga pagkain na gusto ko kainin. Ang dami kasing gustong kainin ni baby. Nagutom kasi kaming dalawa ng bongga dahil sa mga nangyari nung nakaraang araw. Ayoko na balikan 'yun, dahil alam kong hindi magiging maganda ang epekto nun sa pagbubuntis ko. Mabuti nga at hindi ako nananaginip tungkol doon eh.

Bigla namang bumukas ung pinto at pumasok si Damon, dala dala lahat ng pagkain sa dalawang kamay. Hinanda ko naman ung parang desk ko pag kumakain. Para akong bata na nagbaon sa school. Isa-isang nilapag ni Damon ung mga pagkain na ni-request ko. Isang tub ng vanilla ice cream, malaking box ng pizza, malaking balot ng fish crackers, isang piling ng saging, isang malaking tetra pack ng gatas, at isang Tupperware na alam kong laman ung hotdog at kanin. My gosh, naglalaway na ako, di pa ko kumakain!

"Bon appetit, Serena mine." Sabi ni Damon. I smiled at him sweetly. "Thank you. You're really, really thoughtful. You know that?" Tumango naman siya at ngumiti. God, that panty shattering smile.

Sinimulan ko ng buksan ung Tupperware. Kaloka! Mga sampung hotdog ung naandito, tapos mga apat na takal na kanin siguro. Inabot naman sakin ni Damon ung utensils, saka nagsimula akong kumain.

"Si Beth ba ang nagprepare nito?" tanong ko. Tumango naman si Damon. Wala pang ten minutes, naubos ko na ung isang Tupperware. Pati ung sampung hotdog. Halatang gulat si Damon sa nangyari.

"You're really hungry." Gulat na sabi ni Damon. I grinned at him. "Gutom kami ni baby. All the activities made us both tired." Inabot ko naman ung isang box ng S&R pizza at binuksan 'yon. My god. Naglaway kaagad ako sa pizza. PEPPERONI.

Inalok ko si Damon ng pizza at kumuha naman din siya. "Grabe! You're really the best boyfriend, ever. No arguments. Ikaw na!" sabi ko sa kanya. Tumawa naman si Damon. "And I'm also the luckiest guy in the world."

"Kailan ba pwede malaman ung gender ni baby?" tanong ko. "I'm not really sure. Teka, tawagan ko sandali si Penny." Kinuha naman ni Damon ung phone niya mula sa bulsa tapos nagdial.

"Hey, Penny." Bati ni Damon. Sa kanya lang ako nakikinig dahil one-sided ang pag-uusap na ito.

"She's doing great, actually. She eats a lot." Grabe parang ang takaw ng dating ko nun. Pero sabagay, matakaw naman talaga ako.

"Well, I think you've heard about her being kidnapped... yeah, she's very fine. Hindi naman siya naaksidente o nalagay sa peligro, fortunately." Rinig kong sabi ni Damon. Nabalita pala ang kidnapping? Sabagay, maraming rason kung bakit ibabalita 'yon.

"Mm-hmm. She's currently eating right now. Pag umaga, nagsusuka siya, but that's a part of morning sickness, right?" Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang pinapakinggan si Damon. Ang sexy kasi talaga ng boses niya.

"Ah, I get that. Look, Serena has a question. Kailan ba malalaman ang gender ni baby?" At ayan na ang billion dollar question.

"Hmm, okay. Thanks, Penny. Bye!" paalam ni Damon. Tumingin naman siya sakin habang ngumunguya ako, tapos ngumiti.

"Ano sabi niya?" tanong ko. "Malalaman kapag nasa sixth month ka na." sagot ni Damon. Ang tagal naman.

"Okay... ano pa sabi niya?" Damon shrugged. "Mag-ingat ka pa rin daw. She knows about the incident, and medyo sinermunan niya ako about being careless. So yeah, kailangan mag-ingat ka."

Ngumiti naman ako at nagpatuloy ng kumain kasabay si Damon. Pagtapos naming ubusin ung pizza, sinunod ko na ung vanilla ice cream. Buti nga hindi pa natutunaw. Siguro dahil malamig ung temperature ng hospital room ko. Habang kumakain ako, sinusubuan ko rin si Damon ng ice cream. Nagulat naman kami ng biglang bumukas ung pinto, at nagsipasok ang barkada ko... kasama si Grey at Blanche! Wow ha!

His Naughty Proposal [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon