43 - Future Plan.

49.4K 525 48
                                    

Ngayon na ang araw kung saan lalabas na ako ng hospital. Actually, I'm pretty excited to go home. Nami-miss ko na ang condo ni Damon.

Kasalukuyan kong hinihintay na dalhin ni Damon ung A3 dito sa labas ng hospital. Naka-park pa kasi, kaya kinuha niya muna. Si Kuya Bryle lang ung kasama ko ngayon. Kakaloka, diba. Si Kuya Bryle ung naandito. Gusto daw kasi niyang makita kung saan kami nakatira ni Damon. Parang baliw lang eh. Sa condo lang naman kami nakatira. But still, I'm grateful na naandito siya. Miss ko na rin kasi si Kuya.

"'Lika na, Bonbon. Andito na si Damon." Biglang sabi ni Kuya. Di ko kasi napansin na dumating na pala.

Tumayo na ako sa wheelchair (sosyal diba, dinaig ko pa ung injured dahil naka-wheelchair ako) tapos inalalayan ni Kuya para pumasok ng kotse. Umupo si Kuya sa tabi ko nung pumasok siya tapos saka pinaharurot ni Damon ung kotse.

"Gusto niyo bang kumain muna ng lunch?" tanong ni Damon. Tumango naman ako.

"Yes, please! Gutom na kami ng baby ko. Gusto namin ng spaghetti!" sabi ko sabay tingin sa rearview mirror at nakitang nakangiti sakin si Damon.

Narinig ko namang tumawa si Kuya Bryle ng mahina kaya tiningnan ko siya. "Why are you laughing?"

Umiling naman si Kuya. "Nothing. Damon, kung gusto ng buntis ng spaghetti, iwanan na natin 'to sa spaghetti house." Sabay naman silang tumawa ni Damon. Mga baliw!

"Whatever, Kuya. Inggit ka lang kasi wala kang girlfriend!" sabi ko sa kanya. Ngumiti lang sakin si Kuya. Hmmm. Parang may tinatago ang kanyang mga ngiti.

"What's that smile? Don't tell me, may girlfriend ka na!" sabi ko. Nagkibit balikat lang si Kuya. OHEMGEE! Pinaghahampas ko ung braso ni Kuya kaya pinigilan niya ako.

"Kuyaaaaaaaa! Waaaah! May girlfriend ka na! Finally! Who's the lucky girl? When did you meet her? Ilang taon na kayong mag-syota?" sunud-sunod kong tanong. Natawa naman sakin si Kuya. Di naman nagre-react si Damon samin kaya hinayaan ko na lang. Besides, nagda-drive siya.

"Look, hinay-hinay lang, Bon. First of all, hindi na ako tatanggi. I have a girlfriend. Her name is Marceline, Filipino din siya. I met her in a symposium about Medical Technologies in London. Two years na din kami." Sagot ni Kuya. I grinned widely at him then started squealing. Waaah! May girlfriend na ang introvert kong Kuya!

"Serena, stop squealing!" saway ni Kuya. Tumahimik naman ako. Kapag kasi tinawag na niya ako gamit ang tunay kong pangalan, strike one na.

"Sorry." Mahina kong sabi. "Paano mo naman siya niligawan?" pagpapatuloy ko. Bigla namang ngumiti si Kuya at nagblush. Ohmygod, kinikilig ang Kuya Bryle ko!

"Well... I gave her flowers, chocolates... the usual. Kaso sabi niya, sawa na siya sa ganun. Kaya I decided to give her love letters and serenaded her... makalumang style ng panliligaw. Sinayawan ko siya ng Macarena para lang sagutin niya ako." Sagot ni Kuya. My gaze softened to his answer. Grabe, ang sentimental ng Kuya ko.

"Hmm... she's lucky naman, Kuya. Anyway, alam na ba 'to nila Mommy?" tanong ko. Malay ko ba. Baka kasi ako lang talaga ang sinabihan niya.

Tumango naman si Kuya. "And actually, she's here with me in the Philippines. Nagdecide kaming magbakasyon ulit... no, actually pinilit niya ako dahil nga ilang taon na akong hindi nakakauwi. Pumayag naman ako kaya andito kaming dalawa." Nagulat naman ako sa sagot ni Kuya Bryle.

"Can I meet her?" bulyaw ko. Kuya Bryle just smiled. "Hindi pa pwede ngayon. Umuwi kasi siya ng Ilocos para bisitahin ang family niya. Tomorrow evening, Sunday siya dadating."

His Naughty Proposal [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon