34 - Crazy Couple.

47.7K 496 15
                                    

"Serena..." rinig kong bulong ni Damon sa tenga ko. Pero di ko siya pinapansin. Alam kong maaga pa, pero ginigising na niya ako. Sumiksik ako sa pwesto ko lalo at nagtakip ng unan.

"Serena, wake up." Sabi ni Damon. Naku, madaling araw pa, Damon. Wala pang sunrise. Matutulog muna ako. Medyo natahimik si Damon ng matagal tapos saka nagsalita ulit.

"Serena, may ipis!!!!!" sigaw ni Damon. Kaya napabalikwas ako ng bangon at nagtatatalon sa higaan.

"SHIT OH MY GOD!!!! ASAN UNG IPIS?! OH MY GOD KELANGANG I-REPORT NATIN YAN SA MANAGEMENT!!! ASAN NA UNG IPIS?! LUMILIPAD BA?! ILAN SILA?!" sunud-sunod kong sigaw habang pilit na hinahanap ung ipis. Habang si Damon, tawa ng tawa! Anak ng...

"Please tell me that you're not joking." Seryoso kong sabi sa kanya. Nakatayo pa din ako sa kama, habang nasa baba siya ng kama at nakatayo. Naka-boxers lang siya tapos ako nakatakip lang ng unan. Wala akong damit eh! Alam niyo na kung bakit!

"Unfortunately, baby, I'm just joking." Pa-cute na sabi ni Damon. Ayy, shet talaga.

Pabagsak akong naupo sa kama habang yakap ung unan na tinakip ko sa sarili ko. Sarili kong boyfriend niloloko ako. Sa ipis pa talaga! Eh yun nga ang number one na kinatatakutan ko at ng lahat ng tao!

"Nakakainis ka naman eh. Ang sarap sarap ng tulog ko, tapos ginigising mo ako... tapos sisigaw ka pa na may ipis, wala naman pala! Hmmmp!" sigaw ko. Naiiyak na nga ako sa takot tapos jino-joke lang pala ako ni Damon. Lintek.

Lumapit naman sakin si Damon tapos umupo sa harap ko. Hahawakan sana niya ako sa balikat kaso umiwas ako. Pasensya na pero naiinis talaga ako. Sabi nga nila, magbiro ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising!

"Serena..." mahinang tawag ni Damon. Di ko siya tinitingnan. Nakakainis kasi siya eh!

Bumuntong hininga naman si Damon. "Ginigising kita kasi gusto kong tingnan natin ung sunrise mula sa balcony sa living room. Huling gabi na kasi natin 'to dito, pero di pa din natin 'yun nakikita."

"Oh?" sagot ko at saka tiningnan siya. Tumango naman siya tapos inabot yung kamay ko. This time, di na ako pumiglas.

"Hm-hm. Pero ito nga, mali pa ung paraan na nagamit ko sa paggising sayo. Wala na kasi akong ibang maisip na ibang paraan para magising ka. Kaya sumigaw na lang ako ng ipis kasi alam kong kinatatakutan mo 'yon. I didn't know that you'll react this way. And I'm terribly sorry." Paliwanag ni Damon saka ngumiti. Naku, kaya naman pala. Yang kalokohan niya eh para pala sa isang nakakakilig na bagay. Pero naiinis pa din ako ng onti.

"Sana man lang kagabi, sinabihan mo na ako na gigisingin mo ako para sa sunrise. Eh di sana nag-alarm ako para nagising ako on time. Pasaway ka talaga, Damon." Sermon ko sa kanya. Ngumiti naman ulit siya kaya napangiti naman ako. Hay, di ko kayang magalit ng matagal sa lalaking 'to.

Bumaba naman siya ng kama. "C'mon, let's watch the sunrise. Just cover yourself with the blanket." Ginawa ko naman yung sinabi niya. Kinuha ko muna ung camera ko at saka lumabas kasama siya. Dumerecho kaagad kami sa balcony at grabe, ang lamig lang. Napansin siguro ni Damon na nilalamig ako kaya niyakap niya ako mula sa likod. Sus, dagdag pogi points ka lang, Damon.

Sakto naman at nakikita na naming umaangat ang araw. First time kong makita ang Palawan sunrise! Pinicturan ko kaagad ung sunrise at di ko mapigilang mamangha sa view. Iba kasi ung feeling na makita mo in person yung sunrise talaga tapos ang ganda pa ng paligid. Kasi naman kung sa Manila Bay ka manunuod, puro basura makikita mo. Walang ambiance.

His Naughty Proposal [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon