"S! S! Anong nangyayari sa'yo?" biglang tanong ni Grace. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, di ako umiimik pero nararamdaman kong tumutulo ang luha ko. Sino ba kasi 'tong nagbibigay ng sulat sa akin?!
"Y-Yung s-sulat..." bulong ko. Pinulot ni Grace ung sulat at binasa 'yon, at nagulat din sa nabasa niya. Nagmadali siyang tumakbo sa office ni Damon, at wala pang sampung segundo, nasa loob na ako ng yakap ni Damon. Oh, at last, I felt safety inside his arms again.
"D-Damon... pinadalhan niya ulit ako ng sulat..." I managed to say this between my sobs. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Masyado na akong nababalot ng takot ko sa taong nagpapadala ng sulat na 'to sa akin.
Hinagod naman ng kamay ni Damon ang likod ng ulo ko saka hinalikan ang noo ko. "I'm here, Serena mine... don't cry. It's going to be alright."
"H-Hindi magiging maayos 'to! Wala tayong idea kung sino 'tong nagpapadala sa akin... hindi ba ito nanggaling sa isa sa mga ex mo?" sabi ko sa kanya.
Umiling naman si Damon. "I highly doubt that. Lahat ng relationships ko ended in good terms. At saka halos lahat sila, may mga boyfriends or asawa na ngayon."
Oh God. Nakakabaliw naman 'to! Hindi ko alam kung sino ang may galit sa akin. Wala naman akong nakaaway. I've never been a war freak in my whole life. Siguro kung lasing lang talaga, doon ako nang-aaway pero in my normal state, wala.
"Natatakot ako..." bulong ko sa kanya. At totoo yon. Natatakot ako na baka bigla na lang akong dukutin o patayin ng tao na 'to, tapos di man lang ako makakapagpaalam kay Damon. Gusto kong harapin ang tao na 'to, pero paano? Hindi ko nga siya kilala. Sigurado naman ako na babae siya, syempre. Halata naman sa mga sulat niya e.
"I know you're scared, baby. But don't worry, I'll be here. Hindi kita iiwan, I promise." Damon said to me reassuringly. Unti-unting nawawala ang takot ko dahil sa mga sinabi ni Damon. Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na andito si Damon at poprotektahan niya ako. Tumango naman ako at ngumiti.
"Do you want to go home?" tanong ni Damon. Gusto ko mang umuwi, hindi pwede. Marami kaming tatapusin na trabaho. Siguro tapusin na lang namin ung mga natitirang gawain tapos saka kami umuwi.
"Let's finish our work first, and then take me home." Sagot ko sa kanya. Damon smiled sweetly at me then leaned in to kiss my lips.
Bumalik na sa desk niya si Grace, tapos nginitian ako. "Ayos ka lang, S?" Tumango naman ako. Maayos na ako dahil andito na si Damon.
"Grace, paano nakarating ang sulat na 'yan dito?" tanong ni Damon.
"Di ko alam, Sir. Magkakasama po yan na dinala ng mailman dito sa reception." Sagot ni Grace. Bumuntong hininga naman si Damon at inakay ako pabalik sa desk ko. "Are you sure you're fine?"
"Yeah. Wag na natin muna isipin yung sulat at ung nagpapadala nun sakin. Let's forget about it. Ibigay na lang uli natin 'yan sa police, and let them handle the case." Sabi ko kay Damon. Hindi man niya sabihin, alam kong natatakot din siya sa mga mangyayari. Pati rin naman ako e, syempre. But I have to be strong, dahil kapag nalaman ng tao na 'to na mahina ako, panigurado ako na titirahin niya ko ng matindi.
Damon kissed me again. "Alright. I'll go back to my office."
I took a deep breath then smiled to myself as Damon left. Kaya ko 'to, ako pa! Kahit anong gawin ng tao ng ito sa akin, I will never back down. Kung sino man siya, handa akong harapin kung ano man ang gagawin niya sa akin.
BINABASA MO ANG
His Naughty Proposal [COMPLETE]
RomanceThis is not your typical love story. Anong gagawin mo kung iibig ka sa isang tao na hindi marunong magmahal? At ang meron lang kayo ay isang proposal? Papayag ka ba? 2013 © g_imnida All Rights Reserved DISCLAIMER: All of my stories are purely fictio...