Nagising ako dahil sa sikat ng araw... at dahil may nararamdaman akong may kumikiliting balahibo o kung ano sa pisngi at leeg ko. Tinataboy naman ng braso ko ung kumikiliti sakin.
"Ano ba..." reklamo ko. Puyat yung tao tapos pagti-tripan?!
"Wake up." Utos ni Damon. Nagdilat naman ako ng mata ko at hinampas siya ng unan. Tumawa naman ang loko.
"Istorbo ka naman eh!" sigaw ko sa kanya. Antok na antok pa kasi ako e.
"Gumising ka na. I brought you breakfast in bed." At doon na nga ako bumangon. Di naman kasi sinabi na may breakfast in bed pa siyang nalalaman eh. Ang sweet.
Nung bumangon ako, nakita kong itinabi niya ung feather sa bedside table tapos kinuha nia ung tray nilapag niya yon sa ibabaw ng mga hita ko. Halata namang hindi siya ung nagluto nun dahil ang ganda ng pagkakagawa. Panigurado in-order pa niya 'to. O baka kasama sa package ng pagstay namin.
Meron doon na scrambled eggs, rice of course, French toast, Twinings English Breakfast tea bag, hot pot at tea cup, coffee, juice, bacons and hotdogs. Meron ding dalawang mangoes na kasama. Nagutom tuloy ako lalo. Umupo na si Damon sa bandang gilid ng kama. Ako naman, ni-prepare ko na ung tsaa ko. Buti meron sila dito nito!
Nagsimula na kaming dalawa na kumain. Sinusubuan ko siya tapos saka ako kakain. Tuwang tuwa naman si Damon. Parang bata lang e. Nagkukwentuhan pa kaming dalawa habang kumakain.
"Bigla kong naalala si Bryan. Gosh, that kid is just so adorable!" sabi ko. Nag-grin naman si Damon. "Yeah, boyfriend mo nga daw siya eh."
I smiled at him sweetly. "Well, see? Even kids are smitten with my beauty." Biro ko. Tumango tango naman si Damon. "Uh huh. I'm smitten with you too."
Tumango ako. "I know that already. I'm smitten with you, and I bet you know that already. Anyway, what's the plan for today?"
"Pupunta tayo sa Underground River and... I have a surprise, though I'm not really sure if you'll like it. Then we'll go diving." Oooh, sounds exciting! Lalo na ung surprise? Ano kaya 'yon?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pagdating naming ng Underground River, hindi pa ganun kadami ang turista. Maaga pa kasi, 10AM pa lang. dahil na din sa advice ni Damon, nag-denim shorts lang ako tapos tank top. Dinala ko din yung camera ko at phone para may pang-Instagram. Si Damon naman, naka-board shorts tapos wife beater. Naka-shades din pala kami pareho. Pero ang pogi talaga niya.
"Ano kayang itsura doon sa loob?" tanong ko. Nag-isip naman si Damon. "I'm not sure, di pa ako nakakapunta dyan. But as what I've heard, mga stalactites and stalagmites na iba-iba ang porma, then bats, of course."
Eek! Nakaka-excite! Nagpicture picture na ako doon sa labas, bawal kasi magpicture sa loob at baka matakot ung mga paniki. Habulin pa nila ako. Nagpa-picture din ako ng solo, pati si Damon, pero pinilit ko lang talaga siya. Arte kasi, ayaw magpa-picture! Sa huli bago kami sumakay ng bangka, nagpicture kaming dalawa ng madaming shots. Siguro mga anim? Yung mga posing namin dun ay naka-wacky, naka-smile, naka-simangot, magkaharap ng mukha tapos ung huli, ay yung nagkiss kami. OO NA, KAMI NA ANG MALANDI.
Pagpasok ng bangka sa loob, binuksan ko kaagad ung flashlight ko. Binibigyan kasi ung mga tao ng flashlight pag sumakay para makita ung mga nasa loob. Pinasuot din kami ng construction helmet. Basta ung ginagamit ng mga construction worker. Sa bawat rock forms na ipapakita ng tour guide, napapa-nganga ako sa ganda. Di mo kasi aakalain na merong form doon na parang tao o kaya naman mukha.
BINABASA MO ANG
His Naughty Proposal [COMPLETE]
RomanceThis is not your typical love story. Anong gagawin mo kung iibig ka sa isang tao na hindi marunong magmahal? At ang meron lang kayo ay isang proposal? Papayag ka ba? 2013 © g_imnida All Rights Reserved DISCLAIMER: All of my stories are purely fictio...