Nag-lunch na kami ni Sir Damon sa isang Italian restaurant near the office. Mahilig din pala siya sa Italian cuisine tulad ko. Buti at hindi awkward dahil madaldal din pala siya kahit paano.
"I heard Grace and Jenny calling you S instead of Serena or Yvonne. Why S?" Tanong ni Sir. Bakit nga ba?
"Do you watch American series, Sir?"
"Yes, definitely."
"For sure you know Gossip Girl and Serena Van Der Woodsen?" Tanong ko ulit. Tumango siya at ngumisi.
"Ah! Okay, I understand now. Who even gave you that nickname anyway?" tanong ulit ni Sir. Natigilan ako. 'Yung first boyfriend ko kasi ang dahilan kung bakit ako binigyan ng nickname na 'yan.
"My bestfriend started calling me S after my first boyfriend slash ex and I broke up," I explained.
"Eh paano nga naging S?" Kulit ni Sir.
"Kasi nga Sir, itong si Serena, bitch siya noon pero nagpaka-good girl. Eh tinawag akong S because of three reasons: 1, Serena is my name. 2, Serena of Gossip Girl is my opposite that's why she's not my fave Gossip Girl, so I'm on B's side. And 3, S means sophisticated, sexy, and sweet," I explained further.
Napansin kong naging dark 'yung tingin ni Sir sa'kin after. Para bang nang-aakit na ewan. Tumango na lang siya at humigop sa kape.
"Eh ikaw, Sir? Do you do relationships and love thingies?"
Medyo nagulat ako sa sarili ko dahil sa tanong na lumabas sa bibig ko. I can't contain myself. "No. I don't do love. I mean, I love my family but towards the opposite sex? No. It's tiring," sagot niya.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Bakit ganito? Parang nalungkot ako sa sinabi niya.
"Oh..." 'yon na lang ang nasagot ko. I took a sip of my cappuccino.
"We've been chatting around for almost 1 hour and 30mins. Buti wala akong meeting at gagawin. Anyway, I enjoyed your company, Serena," he said.
Ngumiti ako. "Sir, just call me S," umiling siya.
"No. I want to call you Serena. I like it. I like the way my tongue rolls whenever I say your name," he said. I felt a little pool of desire towards him. I felt a rush of blood through my cheeks. Shit! Why am I blushing?!
"Whatever, Sir!"biro ko na lang. Tumawa na naman siya. Nakakailan na akong pagpapatawa kay Sir ha! "Anyway, let's go. I want to familiarize you about the office. Para 'di ka mahirapan mag-adjust sa work mo."
I nodded. Kinuha na niya 'yung bill, and of course, siya ang nagbayad! Tumayo na kaming dalawa at lumabas. He seems like a gentleman too dahil pinagbubuksan niya ako ng door.
Pagdating namin sa Henry Enterprises, nag-elevator na naman kami, and that unfamiliar feeling is present again. I can sense that he's staring at me.
"Uhm, Sir... baka matunaw ako," biro ko. He chuckled sexily.
"Oh, Serena. I already love your smart mouth."
Nakarating na kami sa office niya. Binati niya muna si Grace bago ako ayain sa loob ng office niya. Nagtataka pa rin 'yung mukha ni Grace pero mamaya ko na siya chichikahin.
As usual, umupo ulit ako sa upuan sa harap ng table tapos sa swivel chair siya. Naglabas siya ng isang folder.
"Well actually, you don't have a big task here. You only need to be updated about my meetings, appointments, and events where I am needed. In this folder, nakalagay na ang mga contact list ng business colleagues ko, friends, family, and business partners. You always have to know my daily schedule. And lastly, you have to be with me all the time."
Tumango ako at ngumiti. Chicken lang pala 'tong work ko tapos ang taas ng sweldo. Binigay na sakin ni Sir 'yung folder at umalis na ako para pumunta sa workstation ko, este para chumika kay Grace.
"Oh ano?! Ang tagal niyo ha!" sabi ni Grace habang nag-wiggle ng eyebrows.
"Loka! Nagdaldalan lang kami tapos kumain."
"Sus. Ingat ka riyan kay Sir. Laging naiintriga ang love life niya! Wala namang consistent na girlfriend. Parang baril lang," kwento ni Grace.
"Huh? Baril?"
"Baril. Puro, "Fling! Fling! Fling!" Tunog ng baril pag pumuputok."
May sapak ata ito ah. "Bang kaya yon!" explain ko.
"Gaga. Iba na meaning kapag bang!"
At dahil 'di naman ako slow, napatawa ako nang malakas. Sumabay na rin siya sa pagtawa ko.
"Excuse me, ladies. What's happening?" sabi ng isang lalaking boses sa likod.
Shit! Nasa office nga pala ako. Kung makatawa ako parang nasa bahay lang. Nakakahiya! Humarap ako kay Sir kahit namumula ako sa kahihiyan.
"Uhm, we're just... chatting. Yeah, chatting!" Mukha na ata akong tanga dito eh. A small smirk appeared on his chiseled mouth then he nodded.
"Serena. Please contact Mr. Ventura of Wave Company. Ask him about the details of the meeting for the new clothing line. Report to me ASAP," sabi niya at biglang balik sa office.
Tinawagan ko na si Mr. Ventura. Buti na lang hindi masungit. Pumunta na ako sa office ni Sir at nag-report.
"Sir, Mr. Ventura said that the meeting will be this Saturday, 7pm. So it will be tomorrow night," Tumango siya.
"Thank you. You can go now. Free your Saturday night, Serena. You need to come with me." I nodded then dumerecho sa pinto. Papalabas na sana ako nang bigla akong tinawag ni Sir.
"Anything else, Sir?" Baka may utos kasi ulit siya. I saw his eyes turned dark and it is full of desire.
"I like your shoes. It suits you," He said darkly. Nag-blush ako pero buti hindi halata kasi mahina lang.
"Thank you, Sir." Compliment accepted. Pagkatapos ko magpasalamat, lumabas na ako.
I think... I WILL DEFINITELY ENJOY THIS JOB.
**
BINABASA MO ANG
His Naughty Proposal [COMPLETE]
Lãng mạnThis is not your typical love story. Anong gagawin mo kung iibig ka sa isang tao na hindi marunong magmahal? At ang meron lang kayo ay isang proposal? Papayag ka ba? 2013 © g_imnida All Rights Reserved DISCLAIMER: All of my stories are purely fictio...