I spent my Sunday like it is just an ordinary day, pero iniisip ko pa rin talaga ang proposal ni Damon sa akn. I weighed the pros and cons, the what if's... I even jumped to conclusions.
What if hindi siya na-satisfy sa akin?
What if na-fall in love ako sa kanya?
What if na-fall in love siya sa akin?
Teka... parang mali 'yung huli. 'Di mangyayari 'yon.
I decided that I'll talk to him tomorrow about the contract he mentioned last night. Malay ko, baka maganda naman kasi ang benefits ng proposal niya. Who knows, right?
And tonight, I know I'm going to sleep tight. Walang insomnia o kung anong manggugulo.
MONDAY morning.
I woke up with a jolt. Tiningnan ko 'yung oras sa phone ko. 7:45AM. Shit. Male-late na ako!
Nagmadali na akong maligo, mag-toothbrush, magpabango, magbihis, at magpaganda. Black halter dress na abot sa tuhod ang sinuot ko tapos pinatungan ko ito ng white blazer. 'Yun na lang kasi ang pinakamalapit na damit na nakuha ko mula sa walk-in closet. Kinuha ko na lang 'yung white doll shoes ko as my footwear today. This will do just fine.
Kinuha ko na ang susi ng kotse ko at nagmadaling pumunta ng office. Sana wala pa roon sa office si Damon. Nakakahiya. Second day ko pa lang, late kaagad? Gosh.
Pagdating ko sa office, dumerecho na ako sa floor namin at nag-time in. Oo, late na ako. Kailangan ko rin palang ibalik 'yung pagtawag ko kay Damon ng Sir dito, dahil work na ito. Nasasan na kaya siya? Sana hindi niya ako naunahan!
Nilapitan ko si Grace sa station niya para mag-hello. Nagawa ko pang chumika, eh late na nga ako.
"Hi, Grace!" masigla kong bati sa kanya.
"S! PUMUNTA KA NA SA OFFICE NI SIR, AS IN NOW NA! DIYOS KO. KANINA KA PA NIYA HINIHINTAY!" bulyaw niya sa akin.
"Wala man lang hello, Grace?" biro ko.
"Gaga ka. Mamaya na tayo mag-usap. Pumunta ka na kay Sir. Baka galit na 'yon. Late ka kaya!" sermon niya.
Eh ba't naman siya magagalit? Siya nga rin nale-late eh! Dinamay ko pa si Sir sa kalokohan ko. Ano ba yan!
"O siya sige. Mamaya ha!" sabi ko at pumunta sa desk ko. Nilapag ko na ang gamit ko sa desk ko at kumatok sa pinto ng office ni Sir.
"Sir? Si Serena po ito," sabi ko.
"Come in," sagot niya. Breathe in, breathe out. 'Di ako ifa-fire! 'Di ako ifa-fire. Tiwala lang!
Pinihit ko ang door knob para pumasok. Pagkapasok ko, I closed the door then turned around to look at him. He's standing 2 feet away from me and he looked... stressed. Parang hindi siya nakatulog ng maayos. I looked at him in the eye then smiled.
"Good morning, Sir. Sabi ni Grace, kanina niyo pa ako hinahanap. Ano po bang—"
Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil bigla niya akong niyakap nang sobrang higpit. What's wrong with him? Nakakapagtaka.
"S-Sir..."
"I told you to call me Damon," bulong niya sa tenga ko. I felt a shiver when he did that. Grabe, wala pa kaming ibang ginawa kundi mag-kiss ng isang beses at magyakapan ng isang beses, pero ganito na ang epekto niya sa'kin?
BINABASA MO ANG
His Naughty Proposal [COMPLETE]
RomanceThis is not your typical love story. Anong gagawin mo kung iibig ka sa isang tao na hindi marunong magmahal? At ang meron lang kayo ay isang proposal? Papayag ka ba? 2013 © g_imnida All Rights Reserved DISCLAIMER: All of my stories are purely fictio...