15 - Are You Avoiding Me?

68K 691 16
                                    

Kinaumagahan, sabay kaming pumasok sa office. Nakakuha kami ng mga tingin mula sa mga empleyado dahil sabay kaming dalawa. Eh very unusual 'yun dahil nga laging 10am dadating si Damon tapos mga bandang 8am ako. Pero dahil andyan naman si Damon sa tabi ko, hindi ko na pinansin ung mga tingin nila. Bahala sila dyan.

Nasa Must-Avoid-Damon state pa rin ako ngayon. Oo, umagang umaga nag-fail kaagad ako kasi nagsabay kaming dalawa. Eh ano bang magagawa ko, andun na siya sa bahay! Eh "magaling" na ako mula sa trangkaso chenes ko. Kaya ngayon, kahit sabay kami, iiwasan ko siya. Kahit mahirap, sige! Kailangan kong isalba ang aking puso at damdamin. Ayokong masaktan ulit. Pagod na rin ako.

Pagdating namin sa office, nagkanya kanya na kami. Nakatingin lang si Grace sa aming dalawa, halatang nagtataka. Pagpasok ni Damon sa office, nakarinig kaagad ako ng "psst!" Oh goodness.

"Bakit, Grace?"

"Wag kang magpaka-inosente dyan. Ano bang nangyayari, ha?" Lumapit ako sa desk niya tapos umupo dito. "Wala naman. Ano bang gusto mong malaman?"

"Kahapon. Anong nangyari sayo? Ano yung meron sa phone call?" Ang dami mong tanong, Grace. Infairness naman sayo. Daig mo pa si Boy Abunda niyan.

"A-Ah... wag ka maingay ha. Nagpapanggap lang akong may sakit kahapon... ayoko muna kasi dapat pumasok. Eh itong si Sir pumunta pala sa condo ko..." bulong ko sa kanya. Tumango tango naman si Grace. Okay, tapos na ako dito. Back to work!

Paalis na sana ako ng desk niya ng bigla niyang hinablot ung braso ko. "Bakit?"

"Umamin ka, S. May namamagitan ba sa inyo ni Sir Damon?" tanong nito na parang detective.

"H-Ha?! W-wala ah! Paano mo naman nasabi yan?"

"Eh kasi ung kinikilos niya kahapon, nung nalaman niyang may sakit ka, iba. Tapos ngayon sabay pa kayo pumasok. Tapos nung nakaraan, lagi kayong sabay maglunch. Tapos minsan nakikita kayo ng ibang employees na sabay lumabas ng office." Sabi niya.

Okay... isip isip ng palusot...

"Ah, g-ganun talaga yon. Syempre secretary ako kaya nangyayari yon!" sabi ko tapos tawa ng bahagya. Nawawala na ata ang espirito ni Vilma Santos sa akin!

"Eh ba't ganun si Sir kahapon?" tanong ulit ni Grace.

"Ano bang meron sa kanya kahapon?" tanong ko din. Binitawan niya ung braso ko tapos umikot ng desk niya para tumayo sa harap ko.

"Kasi syempre diba, nung tumawag ka, dumating siya. Sinabi ko na sa kanya nun na mag-sick leave ka. Tapos bigla siyang nag-iba, na para bang tensyonado na! eh di tinanong niya ko kung bakit, sinabi ko naman na may trangkaso ka. Tapos chineck niya ung relo niya at cellphone saka humarap sakin. Pawis na pawis na nga siya e. dun na niya sinabi na i-cancel lahat ng appointments niya kasi pupuntahan ka daw niya. Grabe, talagang nagmamadali siya! Sinilip ko pa ung kotse niya dyan sa bintana, harurot kung harurot. Akala mo hinahabol ng pulis sa isang action movie!" explain ni Grace habang nakatulala lang ako nung nagkukwento siya.

Ganun siya kaapektado? My gosh... kinikilig ako at di ko alam kung bakit! Dio mio!

"S-Seryoso ka ba dyan?"

"Oo noh. Mukha ba kong nagsisinungaling? Baliw ka talaga. Osha sige, let's go back to work!" sabi ni Grace saka bumalik sa kinauupuan niya kanina. Habang ako, nakatulala habang naglalakad papunta sa desk ko. Pagkaupong pagkaupo ko, napabuntong hininga ako ng sobrang lalim. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang estado ko dito eh.

Nagpatugtog na lang ako ng mahinang music sa PC. Actually wala akong ginagawa ngayon kaya nakikinig lang ako ng music.

I used to think one day, I'll tell the story of us
How we met and the sparks flew instantly
People would say, their the lucky ones

I used to know my place, was the spot next to you
Now I'm searching the room for an empty seat
Coz lately I don't even know what page you're on!

His Naughty Proposal [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon