"You'll be punished."
WHAT?
Pumiglas kaagad ako sa yakap at nagmadaling maglakad ng paatras. "H-Hey! Walang ganyan! You didn't mention that kanina!" sigaw ko. Natawa naman si Damon sa akin. Aba, nagawa mo pang tumawa!
"No, I didn't. I thought women like surprises?" tanong niya na parang inosente.
"Well, we do! But not this kind! No, I won't agree! No make up sex!" tanggi ko.
"Are you hungry?" bigla niyang tanong. Oo nga noh. Di pa kaming dalawa nagla-lunch! Sakto, lunch time na.
"Di pa. Tara, kain tayo? Nakakagutom kang kaaway. Ayaw kitang kaaway." Sabi ko na parang bata kaya natawa na naman si Damon. v"I suggest we should eat..."
"Yeah, yeah, definitely. Saan tayo kakain? Anong kakainin natin?"
"I don't know. Meron siguro akong mga stock dyan sa ref, pero lulutuin pa..."
"Naku, ang tamad mo. CEO ka pa naman, tamad ka magluto! O sige, maupo ka dyan. Magluluto na ako. Ano bang meron dito?" tanong ko sabay halungkat ng pagkain sa ref. Ayun!
Spotted: Porkchop. Piprituhin ko na lang 'to. Tinatamad na ako magluto ng bongga. Nagsimula na akong magprepare ng lulutuin ko habang nakaupo lang si Damon. Binabad ko lang sa toyo at calamansi ung porkchop tapos pinrito ko na. Nagsaing na din ako. Ang laki ng tinulong ni Damon, alam niyo kung ano? Maglabas ng plato, baso, at utensils. Bongga. Sipag e.
"How's your parents?" biglang tanong ni Damon kaya umikot ako para harapin siya.
"I think they are doing fine. Why?" Nagkibit balikat siya. "Nothing. Last time I saw them, sa isang fashion event pa."
Onga e. nabanggit ko naman diba na may fashion company kami pero dito ko nagtatrabaho sa fashion company ni Damon. Di naman problema sa family ko na ginawa ko 'yon kahit same business lang. di naman kasi nila rival ang company ni Damon so keri lang.
"Ah. I think ayos lang sila. I never visited them for quite some time, so I'm not really sure." Sabi ko sabay balik sa pagluto. "Bakit di ka bumisita dun?"
"Masyado akong busy sa work. At saka wala naman akong gagawin doon. Pag naandun ako, panigurado akong tatanungin lang ako ng tatanungin ni mommy about sa love life ko."
Ayan, natapos na din ako magluto! Naghain na ako ng pagkain naming dalawa tapos sabay na kaming kumain. Ang tahimik niya, huh. Siguro nalimutan na niya ung pangalan niya sa sobrang sarap ng luto ko. Charot!
"What are we going to do next?" tanong ko habang kumakain kami. "I don't know. Walk around here, maybe. Can you stay here... for tonight?"
"HA?! Bakit naman ako matutulog dito?!"
"Nothing. I just want you to."
"Eh paano bukas may pasok tayo?!" Bumuntong hininga siya. Pasensya na ha, dami kong tanong. "Remember, may damit ka dito?" Shit, oo nga pala. Nagshopping nga pala kami noon. Ugh. "Osige sige. Basta maaga tayo pumasok bukas!" sabi ko sabay kain uli.
Pagkatapos naming kumain, nagdecide kaming maglakwatsa muna. Wala naman kaming gagawin. Ayaw na rin daw niyang pumasok kaya tinawagan niya si Grace na half day na lang kami, tapos pinauwi na rin niya si Grace. Ang bait niyang boss, actually. Ang swerte namin at naging boss namin siya, pero ako ang pinakaswerte dahil ako ung girlfriend niya. Charot!
BINABASA MO ANG
His Naughty Proposal [COMPLETE]
RomanceThis is not your typical love story. Anong gagawin mo kung iibig ka sa isang tao na hindi marunong magmahal? At ang meron lang kayo ay isang proposal? Papayag ka ba? 2013 © g_imnida All Rights Reserved DISCLAIMER: All of my stories are purely fictio...