22 - Version 1.0!

60.9K 619 21
                                    

After ng isang oras na pagtambay namin ni Damon sa sanctuary ko, lumabas na kami at tumungo sa garden. Andun si Daddy nung dumating kami, nagbabasa ng dyaryo.

"The event last night is all over the newspaper, anak. Pero iba ang nasa pinaka-headline." Sabi ni Dad.

"What's the headline, Dad?"

"Damon Henry's mystery girl..." mahinang sabi ni Dad. Nagtaka naman ako, mystery girl? Tiningnan ko si Damon at binigyan siya ng nagtatanong na tingin pero nagkibit balikat siya. Hiniram ko ung dyaryo kay Dad at sabay namin tiningnan ni Damon. At sabay din kaming nagulat nung nakita namin ang headline.

"HENRY ENTERPRISES' DAMON HENRY'S PUBLIC DISPLAY OF AFFECTION! WHO'S THE MYSTERY GIRL?"

At kalakip ng headline na ito ang picture naming dalawa nung nasa dance floor kami at naghahalikan. I knew it! May kukuha talaga ng picture na 'yon. Tsk. Ipinagpatuloy ko ang pagbasa ng balita.

"Spotted from the Au Revoir clothing line launching last night, Mr. Damon Henry of Henry Enterprises is kissing a beautiful lady on the dance floor. It was the apple of the eye last night, and it surely caught everyone's attention. It is the first time we've seen Mr. Henry displaying his affection publicly. We all know that he is only doing his dates privately, but this one's really different. We tried to get Mr. Henry's statement but his side did not give any comment. We're very happy about Mr. Henry's love life but the big question is: WHO IS THE LUCKY GIRL?"

Ibinalik ko kay Dad ung dyaryo tapos hinila ko si Damon para umupo sa bench sa harap ni Dad.

"What are you going to do about that?" tanong ni Dad. Bumuntong hininga na lang ako. Di ko alam kung anong gagawin e.

"We'll discuss about it, Sir." Sagot ni Damon.

Tumango naman si Dad tapos ngumiti. "Okay. I'll just go upstairs. And Damon, I told you to call me Dad." Sabi niya tapos umalis.

"Anong gagawin natin dun?" mahinang tanong ko.

"We'll deal with it." Mabilis na sagot ni Damon.

"Paano? Aamin tayo sa press?"

"Nope. Gusto mo bang umamin tayo?"

Gusto ko nga ba? "No, wag muna. Hayaan na lang natin sila." Sabi ko. Ayokong malaman ng lahat ang tungkol samin. I mean, okay lang, pero alam naman natin na di ito magtatagal.

"Okay, if that's what you want." Sabi niya tapos hiniga niya ang ulo niya sa balikat ko. Hinawakan ko naman ang kabila ng ulo niya at nilaro ang buhok niya. Ang lambot talaga ng buhok ni Damon.

"Have you been inlove, Damon?" mahina kong tanong.

"No."

"Seryoso? Wala?" Imposibleng wala e.

"Wala. I've been shallow when it comes to love since I was little."

Oh diba, tama ako. Shallow siya! Di na ako nagtanong ulit. Tahimik lang kami sa kinauupuan namin ng sumilip naman si Mommy sa amin. Ngumiti siya nung nakita ang itsura namin ni Damon at di ko mapigilang magblush. Para akong bata.

"Serena, nami-miss ka na ng swimming pool." Sabi ni Mom. Alam ko ang ibig sabihin niya. Noon kasi ako lagi ang number one tambay ng swimming pool namin. Lagi akong lumalangoy doon, para na nga akong isda.

His Naughty Proposal [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon