DISCLAIMER: Hindi pa nakakarating ang author sa Palawan, kaya pasensya na sa mga Palawenos dito kung may mali man akong nailagay.
Ngayon na ang araw kung saan pupunta kami ni Damon sa Palawan for our three day vacation. Hay, I'm so excited, and I just can't hide it! Di ko kasi ma-contain ang excitement ko. Kanina nung bago kami umalis ng condo ni Damon, nagpa-panic ako na baka may nalimutan ako. Buti na lang pinakalma ako ni Damon.
We're currently on the way to the Domestic Airport. Hinatid kami ni Alex, of course. Hindi kasi gusto ni Damon mag-taxi. Arte lang e noh? Pero sabagay, para saan pa ang purpose ng mga kotse ni Damon kung di rin naman nagagamit.
Tig-isa lang kami ng maleta ni Damon, actually. Very unusal para sa isang babae na isang maleta lang ang dala ko. Pero naandun na kasi lahaaaaaaaaat ng gamit ko. As in saktong sakto lang lahat dun. May shoulder bag lang ako na dala-dala na naglalaman ng mga important things ko na di ko pwedeng ihiwalay sa akin. Si Damon naman, maleta lang talaga. Wala ng iba. Alam niyo kung bakit? Kasi ung mga importante niyang gamit, naandito na sa shoulder bag ko. Ang galling lang noh?
Pagdating naming ng airport ni Damon, inalalayan muna kami ni Alex sa mga bagahe namin at nilagay sa entrance malapit. Nag-usap muna sila ni Damon ng onti tapos umalis na din si Alex. Bumalik naman sakin si Damon, smiling at me. Di ko makita ang mga mata niya dahil nakasuot siya ng shades. Hay, ampogi talaga oh.
"Ready to go?" tanong ni Damon pagkadating niya sa harap ko. Tumango naman ako ng mabilis at ngumiti ng malapad. Of course, I'm ready! Kulang na lang ako ang maging piloto para makapunta na kami kaagad sa Palawan!
Pagpasok naming ng airport, pina-check na naming ung bags namin at ginawa ung mga necessary stuffs para makapagboard na kami sa plane namin. Mabuti naman at di kami naipit sa dami ng tao. Malapit na kasi mag-end ang summer, so sinasagad na ng lahat ang bakasyon. Nasa first class kami ni Damon at hinandaan kaagad ng wine. As usual, I don't think Damon will settle for the economy.
After minutes of waiting, lumipad na ang eroplano. 2 hours lang ang byahe namin so di na kailangang matulog or whatsoever. Kaya napagpasyahan kong daldalin na lang si Damon.
"Damon." Tawag ko sa kanya.
"Yes, baby?" sagot niya. Wala naman kasi siyang ginagawa kundi tumingin sa akin. Eh mas mabuti ng daldalin ko siya at baka matunaw ako. Charot.
"Bakit nag-first class tayo, eh pwede naman tayo sa economy or business class?" tanong ko. He shrugged. "Masyado kasing maingay sa economy. Ayoko sa business, masikip doon."
Tumango naman ako. Ang arte niya, noh? Parang babae lang. "Saan pala tayo magstay for 3 days and 2 nights?"
"Sa El Nido Resorts Lagen Island."
Mahal dun ah. Pero syempre di ko na sinabi yon. Alam ko namang ayos lang yon sa kanya.
Di ko namalayan na kailangan na pala naming mag-fasten ng seatbelts dahil magla-land na. OHMYGOD, NASA PALAWAN NA AKO!!!!!!! Well di pa talaga kasi nasa himpapawid pa lang ako ng Palawan.
Lumipas ang halos 30 minutes ng pag-asikaso ulit ng flight namin, ng service car ng hotel, at ng mga bagahe namin. Wooh, buti na lang andun kaagad ung driver ng service car ng hotel. Ang init kasi! Eh naka-capri pants ako at tank top, kaya ang init. Dumagdag pa ung hotness namin ni Damon, eh di sobrang init na!
Nung nasa daan na kami, hindi ko mapigilang mamangha sa nasa paligid namin. Gosh, this place is heaven. Para akong nasa isang hidden sanctuary na punung puno ng mga halaman at kung ano pang parte ng nature! Sa bawat magugustuhan kong view, di ko mapigilang mapa-"oooh" o kaya "wow". Oo na, ako na ang ignorante! Sa bawat reaksyon ko, nakangiti lang si Damon sakin. At least nato-tolerate niya ako.
BINABASA MO ANG
His Naughty Proposal [COMPLETE]
RomanceThis is not your typical love story. Anong gagawin mo kung iibig ka sa isang tao na hindi marunong magmahal? At ang meron lang kayo ay isang proposal? Papayag ka ba? 2013 © g_imnida All Rights Reserved DISCLAIMER: All of my stories are purely fictio...