Kasalukuyan akong naka-confine dito sa St. Luke's BGC. Hindi naman ako injured, hindi rin ako nagka-miscarriage, sa kabutihang palad. Naka-confine lang ako dahil sa mga bruises na nakuha ko at para rin ma-monitor ang pagka-trauma ko sa pangyayari.
Walang ibang tao sa hospital room ko. Nasa private room na ako. Wala akong bisita. Wala ang family ko. Wala ang mga kaibigan. Wala rin si Damon. Nasa labas kasi siya at nakikipag-usap sa mga investigators tungkol sa nangyari. Alam kong mga bandang alas dos na ng umaga, pero hindi ako makatulog ng maayos. Not unless Damon is here beside me. Naalala ko ang mga pangyayari kanina...
Ano nga ba ang nangyari kanina?
** Flashback **
I heard a gunshot. Kinapa ko ang katawan ko, ang ulo ko... naghintay ng dugo, o kahit sakit, pero wala. Doon ko lang napagtanto na nabaril si Grace ng mga pulis sa ulo. Unti-unti akong naglakad, pilit na dina-digest ang nangyari. Nagulat na lang ako ng may humawak sa braso ko at dahan dahan akong inalalayan. Pero mas nagulat ako ng maramdaman ko ang mga bisig ni Damon na yumakap sakin, at doon lang ako humagulgol.
Sobrang higpit ng pagkakayakap namin ni Damon sa isa't isa, na parang hindi na kami magkakaroon ng chance na yakapin ang isa't isa bukas. Naramdaman ko na may mga luhang dumaloy din mula sa mga mata ni Damon.
"You nearly killed me..." rinig kong bulong niya sa tenga ko.
"Natakot ako, Damon... akala ko hindi na kita makikita ulit... akala ko hindi na natin mapapalaki si baby... akala ko... akala ko mamamatay na ako..." I whispered between my sobs. Pumiglas naman si Damon sa yakap ko at humarap sakin para hawakan ang magkabilang pisngi ko.
"No. That won't happen ever. You're safe now. Our baby is safe now. Wag ka ng mabahala." Sabi ni Damon sa akin. I smiled at him as he smiled at me sweetly. "Paano mo nalaman na naandito ako?"
"Pumunta ako sa police, because I got an envelope that has a picture of you being kidnapped and abducted... and a letter from Grace. Doon ko pina-trace ung number mo. Thank God, dinala mo ang phone mo." Sabi ni Damon. Tumango naman ako. "Alam mo, hindi ko inakalang si Grace pala ung may pakana ng lahat..."
Bumuntong hininga naman si Damon. "Same... she was a good employee. Hindi ko alam na ganun pala siya ever since. I pity her."
Natigil ang pag-uusap namin dahil nilapitan ako ng medic at pinapapunta sa ambulansya. Sumabay naman si Damon sa akin, pero sinabihan niya ung mga pulis na sa hospital na lang kami makikipag-usap sa kanila dahil nga ipapa-checkup pa ako.
** End of flashback **
And that's what happened. My cheeks are slightly swollen, my lips have a small cut in the corner, and I'm a mess. Pero hindi ko na 'yon inintindi. Inisip ko na lang na andito ako, buhay pa, at nagpapasalamat ako sa Diyos dahil He gave me a second life. Kung tutuusin, hindi na ako umasa nab aka mabuhay pa ako... dahil nga andun na ako eh. I was one step away from death. One pull at the trigger, a bullet will go through my head. I'll be dead. My baby's gonna be dead. Pero hindi 'yon nangyari.
BINABASA MO ANG
His Naughty Proposal [COMPLETE]
RomanceThis is not your typical love story. Anong gagawin mo kung iibig ka sa isang tao na hindi marunong magmahal? At ang meron lang kayo ay isang proposal? Papayag ka ba? 2013 © g_imnida All Rights Reserved DISCLAIMER: All of my stories are purely fictio...