23 - Hero.

60.6K 594 13
                                    

SILA ANG PARENTS NI DAMON.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang gulat na nakatingin sa parents ni Damon. Parang gumanti lang din si Damon sa akin dahil legal na kami kila Mommy. Baka pinlano niya 'to? Pero hindi e, gulat na gulat din siya nung pumasok kami.

Bumitaw si Damon sa kamay ko at pumunta sa Mom niya at niyakap ito ng mahigpit. Niyakap din niya ang Dad niya tapos ngumiti.

"What are you doing here, Mom and Dad?" tanong ni Damon. Nakikinig at nanunuod lang ako sa kanilang tatlo.

"We want to surprise you, dahil di ka na bumibisita sa atin. But it seems that we are the ones who are surprised..." sagot ng Mom niya tapos tumingin sakin at ngumiti. Ngumiti naman din ako. Grabe, nahihiya ako sa parents ni Damon. First time ata nilang makita na may dala si Damon na babae.

"Ah, well... you could've called me, para naman nakapag-prepare ako ng dinner." Sabi ni Damon. Oo nga e, biglaan kasi ung dating. Kaya nga surprise diba.

"No, anak. We're fine, busog na kami kasi kumain kami sa bahay. Anyway, hindi mo ba kami ipakikilala sa kasama mong magandang babae?" sabi naman ng Dad ni Damon. I felt my cheeks reddening. Grabe, hiyang hiya na talaga ako ng sobra.

Lumapit naman si Damon sakin tapos hinawakan ako sa beywang saka nilapit sa parents niya. Eek, PDA infront of the parents version 2.0! Kanina kila Mommy, ngayon sa parents niya! Di na nagsawa.

"Mom, Dad, this beautiful lady right here, is Serena Aguilar. Aaaaaaaand she's my girlfriend." Masiglang sabi ni Damon. Napansin ko na nagulat ang parents ni Damon pero bigla rin nagbago ang expression nila at nakita ko na ang tuwa sa mga mata nila. Confirmed. First time nilang nalaman na may girlfriend si Damon.

"Good evening po, Mr. and Mrs. Henry." Bati ko sa parents ni Damon at ngumiti. Nabigla naman ako ng biglang lumapit sakin si Mrs. Henry at hinalikan ako sa magkabilang pisngi. Pagtapos niya gawin 'yon, bumalik naman siya sa tabi ng asawa niya. At naiwan akong bahagyang gulat sa nangyare.

"Oh my God, Damon! She's adorable!" mahinang sabi ng Mom ni Damon. Ngumiti naman ng malapad si Damon at mahinang pinisil ang bewang ko. Yiih.

"And you chose the right girl, son. The unica hija of the Aguilars." Sabi naman ng Dad ni Damon. Family friend sila, alam ko.

"Thanks, Dad... Mom." Umupo naman ang parents ni Damon sa sofa kaya sumunod din kami, pero doon kami sa katapat na sofa naupo. Nahihiya ako sa pagpi-PDA namin ni Damon. Alam ko namang matanda na kami pero di ko maiwasang mahiya.

"So, how did the two of you met?" tanong ni Mrs. Henry.

"Serena works at my company as my secretary. Apparently, she chose to have her own stable job at an another company instead sa RED because everyone treated her as the unica hija, not the co-worker. So we met, then... ito ang outcome." Pagsummarize ni Damon sa pagkikita naming dalawa. Hindi niya binanggit yung Naughty Proposal, ung sex...

"Wow. You really are an Aguilar. Determinado at hindi magpapatalo sa buhay. That's what I love about your family, and especially your parents, Serena. Kamusta na ang mga parents mo?" tanong naman ni Mr. Henry. Dahil sila Mom na ang usapan at hindi kami ni Damon, kumportable na ako kahit paano.

"They are doing great, Mr. Henry. Actually, Damon and I just got home from my parents' house. Palagi na silang nagpapahinga because Kuya is the one managing the company already." Masaya kong sagot. Gustong gusto ko kasing pinag-uusapan ang family ko. Masaya ako pag naaalala ko sila.

His Naughty Proposal [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon