Dumaan ang mga araw, at parang ang bilis nito dahil bukas na ng umaga ang launching ng new clothing line ng Wave at Henry enterprises, ang Au Revoir, na ako mismo ang nagpangalan. Maayos na maayos ang pagplano at pagpapaalam ng launching sa media, pati ang mga invitations ay maayos na naipadala sa mga taong inimbitahan para makita ang bagong kahihiligan ng masa.
Excited na excited ako dahil ngayon ako aattend ng isang launching na talagang alam ko na kasama ang dugo't pawis ko sa pag-aasikaso. Sa RED kasi, hindi ko dama ung tinulong ko dahil parang wala nga akong tinulong. Nakatanggap ako ng invitation, of course. Lahat kaming mga empleyado, meron.
Nasa condo ko ako ngayon at nagpapahinga, ng biglang nagring ang cellphone ko. Nagmadali akong sagutin kasi akala ko si Damon pero iba pala ung nasa kabilang linya. And guess who? IT'S MY MOM.
"Hi mom!" masayang bati ko sa mom ko. Miss ko na siya, at ung family ko. Di ko na sila nabibisita e.
"Hello, dear! How are you?"
"I'm fine. You? Sila dad?"
"Your dad's fine, nagpapahinga na lang kami, you know. We don't go to the office much. Ang Kuya Stephen mo, ayun, busy sa RED." As expected. Ang business minded kasi ni Kuya, at yun ang kinatutuwa nila Mommy sa kanya. Ako naman, hindi ako mahilig sa business pero I love managing the company.
"Ah... so, why did you call?" I can feel my mom smiling. Ano kayang sasabihin nito? "Honey, we're invited to the launching of Au Revoir. Actually, the whole family is invited! I am really overwhelmed that Mr. Henry remembered to sent us an invitation."
Wow! Damon didn't mention that to me. Hmmm, makausap nga siya mamaya.
"That's good, Mom. At least magkikita na tayo ulit."
"I know, honey. Ang tagal mo ng hindi pumupunta rito. We terribly miss you!" I sighed. "I miss you too, Mom. Pati sila Dad at Kuya."
"Hay. I hope you're not getting back with the stupid guy you were with before. Ano nga ba name nun?"
"Jason, Mom. And no, I'm not going to get back with him. I've had enough, noh." Narinig ko naman na tumawa ng bahagya ang mom ko. "That's good, anak. May I know if there's a new guy now, or are you single?"
Woah, nice change of track. Ano ba isasagot ko? Hmm, mas okay na umamin ako.
"Uhm, well... there is a guy, pero hindi pa kami naandun sa stage na yun, Mom. You know what I mean." Maingat kong sagot. Si Mommy kasi, kapag nasabihan na nga ganyan, sa sobrang saya niya, mas nae-exaggerate siya para sa akin.
"Wow, then that's good for you! Basta, keep me updated ha? You're already 23. Supposed to be in that age, may nahanap ka ng lifetime partner!"
"Naku, Mom. Wag muna!"
"I'm just kidding, honey. Anyway, I need to go. I still need to prepare my outfit for tomorrow. I am really looking forward in seeing you!"
"Yeah, me too. See you guys tomorrow! Bye, Mom! Say hi to dad and kuya for me!" sabi ko then we both hung up. Parehong pareho kami ng ugali ng mom ko. Never in my life na nag-away kaming dalawa. Tampuhan, meron, pero nothing serious. Gustong gusto ko siyang nakakausap. Ang witty kasi. Kahit sobrang daldal, makabuluhan ang sinasabi. Nakakatuwa talaga kausap ang mom ko.
Pero naalala ko na binigyan sila ng invitation ni Damon. I mean, I understand that, pero he could've mentioned it to me. I texted Damon and asked him. In a minute, my phone buzzed. Ang alerto niya, huh.
I didn't tell you because it was supposed to be a surprise. Paano mo nalaman?
Wow. Sayang naman ung surprise.
My mom called me kanina lang. she mentioned about it. Excited nga siya, eh.
Oh, really? I look forward in seeing her and your father, lalo na si Stephen. We have a lot of things to catch up.
Catch up? Magkabarkada sila ni Kuya?
Catch up? Friends kayo ni Kuya?!
Of course. College buddies kami ng Kuya mo. Though di kami naging magkaklase, nagkakasama kaming dalawa sa mga soccer training.
WOAH WOAH WOAH WAIT! College buddies?! Di ko alam yun ah! At soccer training?! Si Damon, nagsa-soccer?! Alam kong si Kuya, soccer player, varsity din siya. Pero si Damon, hindi! New addition ito sa facts about Mr. Damon Henry.
I didn't know. And you're a soccer player? Wow.
Uh huh, since elementary, actually. Ilang months na din kaming hindi nagkikita ni Stephen. Anyway, are you prepared for tomorrow?
Prepared? Of course, I am. I already have my outfit for tomorrow.
Formal launching ito so dapat mga naka-gown, coat and tie, etc. dinaanan ko na kagabi kay Damon ung isa sa mga gown ko na binili namin noon. Siya ung pumili ng color, and I'm glad he did. Pinili niya ung red na strapless gown na Serpentina cut din. Pinadala rin niya ako ng bustier. Suotin ko daw bukas. Even if hindi niya sabihin, alam ko na ang nasa isip niya. At alam kong alam niyo rin kung ano yon. Pero walang BS yon, sorry.
That's good. Sleep now, Serena mine.
Yes, Sir. Good night. x
Good night. Dream of me. xx
Always, Damon. Always.
**
BINABASA MO ANG
His Naughty Proposal [COMPLETE]
RomanceThis is not your typical love story. Anong gagawin mo kung iibig ka sa isang tao na hindi marunong magmahal? At ang meron lang kayo ay isang proposal? Papayag ka ba? 2013 © g_imnida All Rights Reserved DISCLAIMER: All of my stories are purely fictio...