27 - SERENA.

60.1K 673 39
                                    

Alam mo ung feeling na... nagawa mo ang isang bagay na hindi sinasadya, at di mo alam kung pinagsisisihan mo ba na ginawa mo 'yon o hindi? Ganun na ganun ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko masasabi na nagsisisi ako dahil hindi naman talaga. Masaya ako na nasabi ko na kay Damon ang nararamdaman ko. Pero naiinis lang ako sa paraan na ginamit ko. Lasing pa ako nun eh! Alam ko naman na totoo ang mga pinagsasabi ko pag lasing ako pero... ugh. Ang tanga ko.

Hindi na ako makatulog ngayon. Masyado akong nag-aalala sa mangyayari bukas. Pero sa totoo lang hindi ako papasok bukas. Magkukulong ako dito sa condo. Wala akong pake kung may pumunta man at gibain ang pinto ng condo ko. Bahala sila dyan. Basta dito lang ako.

Pinilit kong makatulog, pero hindi ko talaga kaya. Nagulat na lang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, nagsasabi na meron daw akong text na natanggap. Sino namang magtetext sakin ng ganitong oras?

Hi, Serena. I know you're still mad at me for what I did to you, and I'm sorry. I just want to tell you that I want to meet you tomorrow. – Jason

Right. Ang ganda lang ng mga nangyayari sa buhay ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkagising ko, napagdesisyunan ko na talaga na hindi ako papasok ngayon. Di na ako magpapapaalam, bahala sila mag-isip kung bakit ako absent. Okay lang din kung sesantihin na ako ni Damon, wala na rin naman na siyang pake sa akin. So why even bother, diba?

Napagdesisyunan ko rin na tanggapin ang alok ni Jason na makipagkita sa kanya. It has been years since we've seen each other. Siguro ito na ang tamang oras para patawarin ko siya. Hindi naman masamang makipagkita sa isang old friend. Nag-ayos na ako ng sarili ko, naligo, nagmake up at nagbihis. Mukha nga akong nasunugan sa itsura ko. Wala na akong gana e. Hindi ko ginamit ang kotse ko, wala ako sa mood magdrive kaya nagtaxi ako. Tinext ko si Jason bago ako umalis ng condo.

Okay. Meet me in Starbucks sa Greenbelt. 9AM sharp. – Serena

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagdating ko sa Starbucks, umorder kaagad ako ng coffee. Wala na ako sa mood mag-almusal ng matino. I only think that caffeine will keep my body working. Kinuha ko ang pinakasulok na spot para mas makakapag-usap kami ni Jason ng matino. Sakto naman at pagkaupo ko kasama ang kape ko, dumating na si Jason. Hindi ko na kailangang kawayan siya dahil nakita na niya ako, nasa labas pa lang siya.

I can say that he still looks the same. Gwapo pa rin siya. He's still the same man that got me wrapped around his fingers before. Pagkarating niya sa harap ko, ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi. I don't mind. Tutal friends naman na kami.

"You look great, Serena. Long time no see." Bati ni Jason sabay upo sa kaharap na upuan ko.

Ngumiti naman ako. "Thanks. You too. So, what's the problem? Bakit ka nakipagkita sakin?"

Nakita ko naman siyang naggrin. "You're still the same, still straight forward."

Tumango ako. "Nothing's change, Jason."

Bumuntong hininga naman siya. "I came here to apologize, about everything I did to you. Alam kong nasaktan kita ng sobra, at humihingi ako ng tawad para doon. Your brothers really did a great job in beating the hell out of me. I still have a reminder of that." Sabi ni Jason sabay pakita ng isang peklat sa may ilalim ng braso niya. Totoo pala talagang binugbog siya nila Kuya.

"I'm sorry about that, by the way. Hindi ko alam na bubugbugin ka nila Kuya Bryle at Kuya Stephen." And I mean that. Alam kong deserve ni Jason ang parehong sakit na naramdaman ko pero hindi naman kailangang bugbog ang gawin nila Kuya sa kanya.

His Naughty Proposal [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon