"I'll be working late tonight."Sabi ni Damon. Kasalukuyan kaming kumakain ng late breakfast. Bakit late? Kasi nagkaproblema ako sa hinandang almusal ni Beth dito nung dumating siya. Hindi ko kasi nagustuhan ung lasa at amoy kahit masarap yung luto niya. Dahil siguro ito sa pagbubuntis ko. Nagluto na lang ulit si Beth ng request kong pagkain.
"Bakit?" tanong ko. Ilang araw na din kasing umuuwi ng late si Damon simula nung na-discharge ako sa ospital. Siguro mga isang linggo na rin 'yon. Hindi naman ako nagdududa o kung ano, pero syempre nagtataka pa rin ako.
"Ang dami kasing inaasikaso sa company." Sagot niya. Tumango naman ako. Bahala siya kung gusto niyang magsubsob sa work basta dito siya umuwi pagtapos.
"By the way, lalabas kami ni Mitch ngayon. Nalimutan ko kasing sabihin kagabi kasi late ka na umuwi. Bibili kami ng maternity dresses ko at saka mga importanteng gamit para sa baby." Sabi ko tapos tumayo na dahil tapos na akong kumain. Sa totoo lang, medyo naiinis din ako kay Damon dahil parang di na niya ako inaasikaso.
Tumango naman siya. "Sure. Just text me if something's important."Sabi niya. Bumuntong hininga na lang ako at pumasok sa kwarto para magprepare na. Kumuha na lang ako ng yellow spaghetti strapped dress tapos white flats. Hindi na kasi advisable ang magsuot ng high heels kapag buntis. Lalo na at two months na akong buntis. Kaka-two months lang nung nakaraang araw.
Nagulat naman ako ng biglang yumakap si Damon sa likod ko sabay halik sa leeg ko. "Nagtatampo ka noh?" tanong niya. Umiling naman ako. Syempre di ko na sasabihin ung naiisip ko.
Bumitaw naman siya at tumungo sa closet tapos kumuha ng isang red dress na parang pang-fairy ung bottom part. "I want you to wear this."
Ngumiti ako at tumungo sa kanya para kunin ung damit. "Bakit naman ito?" tanong ko. Nagkibit balikat lang si Damon. "Nothing. I just think that it suits you today."
Natawa na lang ako ng mahina. I was caught off guard when Damon suddenly hugged me. "Nagtatampo ka."
Umiling ulit ako. "You can't lie to me, love. Nakikita at nararamdaman ko. Nagtatampo ka. Dahil ba 'to sa pag-uwi ko ng late?" sabi ni Damon. Pumiglas naman ako sa yakap niya at hinarap siya.
"Oo. Kasi parang di mo na ako inaasikaso. Parang kinakalimutan mo na ako. We've never made love." Sagot ko. Umikot na lang ako at pumunta sa drawer para kumuha ng underwear. Kinuha ko ung white pair of lace undies ko... this will do. Narinig ko namang bumuntong hininga si Damon kaya humarap ako sa kanya.
"Look... I'm really sorry. I never meant to let you feel that way. Talagang busy sa company."Sabi niya. Tumango naman ako at ngumiti na lang. "Sige na. Baka ma-late ka. Anong oras na din oh?" pag-iiba ko ng topic. Ngumiti naman siya at lumapit sakin para halikan ako.
"Suotin mo ung red dress ha." Paalala niya. Tumango naman ako. Pumasok na ako sa banyo pagtapos umalis ni Damon.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Mitch!" tawag ko sa kapatid ni Damon. Naandito kami ngayon sa SM Megamall para magshopping. Mas mura kasi ang mga bilihin dito kesa sa Ayala Malls.
Lumingon naman kagaad si Mitch mula sa kinauupuan niya sa Starbucks tapos kumaway na sakin. Lumapit naman ako sa kanya at nakipagbeso tapos umupo sa tapat niya.
"Oh my god. You're really pregnant!" Mitch exclaimed. Nalaman na rin kasi ng family ni Damon na buntis ako after nilang pumunta sa condo para kamustahin ako.
BINABASA MO ANG
His Naughty Proposal [COMPLETE]
RomantizmThis is not your typical love story. Anong gagawin mo kung iibig ka sa isang tao na hindi marunong magmahal? At ang meron lang kayo ay isang proposal? Papayag ka ba? 2013 © g_imnida All Rights Reserved DISCLAIMER: All of my stories are purely fictio...