Damon was acting different after what happened in the living room. Ewan ko, hindi ko alam kung ano ba ang problema niya. I don't want to jump into conclusions. Hinahayaan ko lang siya na ganoon pero gusto ko na siyang i-confront.
Naglunch kami ng hindi nag-iimikan. Magsasalita lang kung kinakailangan tapos deadma ulit. And his voice, his treatment... napakalamig. Nawala na ang Damon na nakilala ko. I want my old Damon back. Hapon na, wala pa ring progress. Hours had passed pero di pa din siya nagsasalita. That's why I concluded a plan na kakausapin ko na siya mismo. Bahala na kung anong mangyari.
I slowly went to his room, knocking first before I enter. I saw Damon sitting on the edge of the bed, with a glass of whiskey, I think, in his hand. Hindi ko napansin na kumuha pala siya ng alak kanina. Pero paano ko naman mapapansin, e parang tinataguan nga ako ni Damon dito sa condo niya. Eh ang laki nito, di ko tuloy siya makita.
"What are you doing here?" he said in his cold voice. Hindi ako sanay sa cold treatment ni Damon, and his voice gave me shivers.
"I-I just want to ask if you're fine..." bulong ko. Nilapag naman niya ung baso sa table tapos umayos ng upo.
"Well, I'm fine, as you can see." Sagot niya.
"May problema ba?" tanong ko. Alam kong meron, pero di ko alam kung ano.
"Siguro kung maalala mo ung nangyari kagabi, malalaman mo kung ano ang problema ko." sagot ni Damon. I felt anger in his voice, and I became terrified. Hindi ito ang Damon na nakilala ko.
"Eh hindi ko nga maalala, diba? Bakit mo ba kasi ipinipilit ang isang bagay na hindi ko naman kaya?" galit kong sagot. Naiinis na rin kasi ako, mukha akong tanga dito sa condo niya e. Hindi pa niya ako pinapansin, di ko naman alam kung bakit!
Tumayo naman si Damon at hinagod ng kamay niya ung buhok niya tapos tiningnan ako. "Then you shouldn't have said those fucking stuffs last night!" bulyaw niya.
"Ano ba kasing ginawa o sinabi ko na ikinagagalit mo?! I came here to ask you if you're fine, but you're giving me a cold treatment and I don't even know the fucking reason why you're acting like this!!!!" sigaw ko. Pareho na kaming galit, at panigurado di na kami magkakaintindihan nito. Mag-aaway na naman kami.
"I am not in the place to say those stuffs. You're the one who said them, it is your responsibility. At maayos na ako, nakikita mo naman, hindi ba? Kaya pwede ka ng umalis!" bigla niyang sabi. I froze in my spot, his words sinking slowly in my head. I can feel the tears threatening, and I didn't fight it. Hinayaan ko na tumulo na lang ang luha ko.
"Y-you want me to leave...?" bulong ko sa kanya. pakiramdam ko hinahati ako sa sinabi niya.
"Oo. At mabuti na rin 'yon, baka sakaling maalala mo na ang sinabi mo." Sabi ni Damon sa malamig na tono. Pinunasan ko ang mga luha ko at pinilit na ngumiti pero wala talagang epekto kung magpapakitang tao ako.
"E-Eh anong ibig sabihin ng ginawa mo kanina, nung nasa living room tayo?" bulong ko. umaasa ako baka sakaling meron.
I saw him smirk. "You even think na merong ibig sabihin yon? Wala, Serena. Walang ibig sabihin 'yon, kaya wag mo ng isipin." AT ANG SAKIT LANG PAGKASABI NIYA NITO.
"A-Alright. You want me to leave? Then I'll leave." Sabi ko at lumabas ng kwarto. I expect him to run after me, but he didn't. Kinuha ko na ang purse at bag ko at umalis ng condo niya. Mabuti na lang at malapit lang ung condo ko dito, hindi na ako mahihirapang magdrive. Feeling ko kung magdadrive ako, maaaksidente lang ako.
BINABASA MO ANG
His Naughty Proposal [COMPLETE]
RomanceThis is not your typical love story. Anong gagawin mo kung iibig ka sa isang tao na hindi marunong magmahal? At ang meron lang kayo ay isang proposal? Papayag ka ba? 2013 © g_imnida All Rights Reserved DISCLAIMER: All of my stories are purely fictio...