"Omg!" Sabay kami napamulat ni Lander nang bigla pumasok ang Mommy niya.
Nagkatinginan kami ni Lander. Napansin rin namin ang pwesto namin ngayon. Magkatabi kami habang magkayakap sa isa't isa.
No.. mabilis napunta ang kamay ko sa mukha nito at lumayo, nalaglag pa nga ako sa kama. Dahil do'n umangat ang manipis kong dress.
Hilong-hilo lumapit si Lander kahit kagigising lang. Tinulungan niya ako tumayo, ibinaba niya rin ang dress kong naka-angat.
"Are you okay?" Napakapit ako sa matigas nitong dibdib nang angatin niya ako.
Tinulak ko agad siya at lumapit kay Tita Sandra na kanina pa tulala sa amin. "H-Hi Tita, good morning" bati ko rito.
"Good morning, hi..ja" walang sa wisyong sagot nito, tulala parin nakatingin sa amin.
"Walang nangyari, Tita!" Mabilis na sabi ko nang lumapit si Lander sa pwesto namin. Sakto naka topless at boxer pa siya.
"She's right, Mom. Napadaan lang siya dito, hindi ko na kayo ginising para ipaalam na nandito siya." Kalmadong saad niya. "Nag papasama kasi siya kagabi e' sakto gabi na kaya dito ko na siya pinatulog" paliwanag nito, halata naman may halong kasinungalingan ang sinabi nito.
"Really? I thought you two have something already" she looked disappointed, mukhang umaasa parin.
Sabay kami nagkatitigan. Umarte akong parang nasusuka. "Tita, we don't like each other" awkward akong tumawa habang papalit-palit ang tingin sakanila.
Hindi sumagot si Lander, seryoso lang ito habang si Tita naman ay tipid lang ngumiti. Simula palang na ipakilala ako ni Daddy sa family ni Lander, walang tigil sila sa pag ship sa amin. Kaya minsan pag may dinner kami with his Family gumagawa ako ng palusot para hindi makapunta.
"Really?" Umangat ang tingin niya kay Lander. "By the way, maya maya ipapatawag ko kayo para sa breakfast. Napadaan lang talaga ako dito para dalhin 'tong natuyong damit ni Lander." Doon ko napansin na may dala siyang mga damit.
Inabot niya ang damit na hawak kay Lander bago mag paalam sa amin. Napabuga ako sa hangin bago mag dive sa kama ni Lander para matulog ulit.
Sigurado ako ichichika nila kina Mommy 'yon. Hindi ako matatakot kung malaman nila na dito ako matulog, ang kinakatakot ko is 'yung asarin na naman nila ako kay Lander.
E' Ayoko nga diyan! Hindi ko naiimagine na magkakaroon ako ng relasyon sa kanya. Baka wala pang isang araw break na kami.
Hindi ko pinansin ang mga kilos ni Lander, narinig ko nag bukas siya ng closet. Dumapa lang ako at ibinaon ang mukha sa unan.
Inaantok pa ako.
Mag pa late nalang ako. Wala naman kami masyado gagawin mamaya sa first subject. Bigla napa-angat ang ulo ko nang may maramdaman akong nag tabon ng kumot sa binti ko.
"Malamig" tipid na sagot nito bago isandal ang likod sa headboard. "Nag text ako kay Manang na pandalhan ka ng uniform dito, para dito kana mag palit." Pumikit ito at inilagay ang dalawang kamay sa ulo niya habang nakasandal parin.
"Okay." Binaon ko ulit ang ulo sa unan, handa na ulit matulog.
Kaso may naalala ako kaya napabangon ako.
Natigilan ako nang mapansin nakapikit parin siya.
Ang haba talaga ng pilik mata niya, ang lalaki rin ng braso, maugat at masara-este ma abs.
BINABASA MO ANG
My Possessive Bodyguard (Not An Angel Series #3)
Fiksi RemajaNot An Angel Series#3 (Completed) Miracle Faith Presley is a hopeless romantic, pampered, mischievous, and only looks for trouble. The girl who is willing to become a sugar mommy so that the person she likes does not leave her. But practically every...